Share

Chapter 20: Important File

Nandito na 'ko sa harap ng office ni boss. Pero wala akong lakas ng loob para kumatok. Kinakabahan ako baka kasi sigawan niya rin ako. Ayaw ko kasi ng gano'n, ayoko na sinisigawan ako.

Bago ako pumunta rito, kinausap muna ako ng supervisor ko. Sabi niya, gawin ko raw ang lahat para ma-retrieve 'yong file na nabura ni Paula. Bigla akong na pressure nang sabihin niya 'yon. Paano kasi kung hindi ko magawa? Baka bigla rin akong tanggalin sa trabaho.

"Kaya mo 'to, Athena," sabi ko sa sarili at kumatok ng tatlong beses sa pinto bago pumasok.

Nadatnan ko siyang nakatayo habang may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya mula sa'kin kaya hindi ko makita kung ano ang reaksiyon nito. Pero paniguradong galit pa rin ito dahil sa nagawa ng ka trabaho ko.

Napabuntong hininga ako ng malalim bago lumapit sa table niya. Ayoko na muna siyang tawagin baka makaistorbo lang ako at magalit pa ito. Pero ngayon, nakaramdam na naman ako ng galit dahil sa kan'ya.

"Athena, 'wag ngayon," sabi ko sa sarili at mulin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status