Tila naging mabilis ang oras. Namalayan ko na lang na nandito na ako sa police station. Natapos na nila akong tanungin patungkol sa nangyari sa apartment. Hinihintay ko na lang ang order ng pulis para makauwi na ako.
Ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking buong katawan. Pakiramdam ko kapag ipinikit ko ang aking mga mata ay maaalala ko lang kung anong nangyari kanina.
Mabuti na lang ay nakasalubong ko sa daan si Kuya Al. Hindi ko pa malaman kung dapat ba akong magtiwala sa kanya dahil pakiramdam ko ay kasabwat din siya. Ngunit nang makita ko kanina ang pag-aalala sa kanyang mga mata ay isinantabi ko ang mga bumabagabag sa loob ko at tuluyang umiyak sa mga balikat niya.
Siya na rin mismo ang nagdala sa akin sa police station at siya pa mismo ang tumawag ng mga pulis para ipahuli si Kuya Jay.
Nabalik lang ako sa reyalidad nang may magpatong ng jacket sa aking balikat. Nang iangat ko ang aking tingin ay mab
Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising kinabukasan. Ayaw ng katawan ko na sumunod sa akin sa pagtayo dahil tila pakiramdam ko ay nagpapahila pa ito pabalik sa aking kama para matulog pa ng ilang oras. Ngunit ngayon ang midterm exam namin. Kahit mamayang 1pm pa naman ang start ay kailangan ko pa ring maghanda.Napipilitang tumayo ako at dumiretso sa aking drawer para kunin ang termometer. Binasa ko ang instruction kung paano iyon gamitin saka ako naghintay ng ilang sandali. Nang tumunog ay kaagad kong tiningnan ang termometer."38," basa ko sa numerong nakasaad. Mukhang nagkalagnat pa ata ako. At napaka-wrong timing pa.Mas lalo ko lang naramdam ang pamimigat ng pakiramdam ko dahil sa nakatayo na ako ngayon. Kaya hinayaan ko na lang ang aking sarili na mahiga pa ulit. Kahihiga ko pa lang pero ramdam ko na kaagad ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata.Sa tantiya ko ay higit isang oras akong nakatulog uli
Kaagad akong nag-isip ng maipapalusot ko. "Naghahanap pa ako ng ibang damit na pwedeng kakasaya sayo," alibi ko."Okay na ito. Don't bother."Dahan-dahan akong bumaling sa gawi niya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang sa wakas ay suot na niya ang shirt na may imprenta ng doraemon. And I find him cute wearing that kind of shirt."Now that you have eaten and took your medicine, I think you need to rest for you to get better."Inalalayaan niya ako hanggang sa muli akong makahiga sa kama. Siya na rin mismo ang naglagay ng blanket sa buong katawan ko."I'm sorry for bothering you, Josh."Kinuha naman niya ang kamay ko saka mahigpit iyong hinawakan. "No. Not at all. Take a rest, Lex."Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Tuluyan akong nakatulog lalo na at ramdam ko ang mainit na pakiramdam na nanggagaling sa kanyang palad. Rinig ko pa ang mahina niyang pagkanta na nakapagpangiti sa akin."I'm happy to take care of you, Lex," t
Kulang na lang ay mabingi na ako dahil sa pagtatalo nila Ethan at Jam. Mabuti na lang at tapos na kaming kumaing tatlo kaya napagpasyahang na naming bumalik na sa kanya-kanya naming mga room.Kaagad na nangunot ang noo ko nang nasa labas lang ang mga kaklase ko habang nasa loob ng room si sir. Mukha itong galit na galit. Mas lalo pa atang nagliyab ang tingin niya nang makita ako."Miss Avery, come with me to my office. I want to talk to you!"Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Ngunit mas pinili ko pa rin na sumunod kay Mr. Cruz. Pagkaalis namin ay sila namang pagpasok ng mga kaklase ko.Kaagad dumiretso si sir sa kanyang desk at naupo sa swivel chair habang ako ay nakatayo lamang sa harapan niya nang makarating at makapasok na kami sa opisina niya."Do you have an idea why I called you here, Miss Avery?""I don't have any idea, sir. Can you explain it to me?" mababa
Pinunasan ko ang tumulong luha ko. Ilang minuto lang ang aking hinintay bago ko makitang humahangos na tumatakbo papunta sa gawi ko si Dwight. Huminto lang siya nang nasa tapat ko na siya."Lex, what happened?"Tumayo ako at hindi ko na napigilan pang yakapin si Dwight. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik."Ssh. Ilabas mo lang ang lahat ng hinanakit mo, Lex. I'm here for you. I'm always here for you," aniya habang ramdam ko ang kamay niyang humahagod sa likuran ko.Nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko ay doon na ako lalong naiyak. I guess I'm still lucky to have a friend like him that will be always there for me. I can't tell him but I'm really thankful because he is here with me.Nang mahimasmasan na ako ay sabay kaming naupo ni Dwight sa bench. Nang sa tingin ko ay maayos na talaga ang pakiramdam ko ay nagsimula na akong magkuwento. Habang sinasabi ko sa k
Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng apartment na siyang inuokupahan naming dalawa ni Jam. Hindi ko akalaing magagawa naming matagalan ang pagtira sa isang maliit na apartment."Galunggong nanaman ang ulam natin?"Napairap ako sa tanong na iyon ni bebs saka na naupo sa kaharap niyang upuan."Pagtiyagaan mo na lang. Hayaan mo kapag nakaluwag tayo lechon na uulamin natin."Nagawa ko pang tumawa para pagaanin ang pagitan naming dalawa pero nakasimangot pa rin siya. Kaya napangiti ako nang makaisip ng ideyang makakapagpasaya sa kanya."Tingnan mo kapag hinati ko ito sa dalawa, hindi na ito galunggong."Nakapangalumbaba naman niya akong tinitigan saka nangunot ang noo niya. "Gaga ka. Galunggong pa rin 'yan.""Hindi kaya. Kapag hinati ko ito sa dalawa magigi na siyang two na. Means tu-na."Napailing-iling lang naman siya sa biro ko. "Gaga
We will gonna have a retreat today. 5 days and 4 nights. Dapat talaga two days lang ang retreat pero nakiusap ang mga ibang section tutal naman daw ay malapit na ang pagbubukas ng second semester. Kumbaga parang short vacation na rin namin ito para makapag-unwind na pinayagan ng president ng universiy namin.This is a good thing to me especially that this remaining days is my last moment to be with Josh."In the second day of our retreat, we will be having an activity and that is by group, class. It will be a secret for the meantime. I already assigned the groups. The group leaders that I choose please come to me," may kahabaang litanya ng dean namin.Hindi na ako nagtaka nang isa si Jam sa napiling leaders. Seryoso naman kasi ang babaeng iyan pagdating sa pag-aaral. Nawawala lang talaga sa katinuan kapag may kalokohan kaming naiisip na dalawa."Group leaders, take roll call and get your group on the bus,"
Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong parang may kumukuha sa amin ng litrato. Idadagdag pa ang parang mabigat na bagay sa ulo ko, na ulo pala ni Josh. Kahit kinikilig ako ay ginising ko na siya nang mag-announce ang dean namin na puwede na kaming bumaba.Hindi ko na tuloy nagawa pang i-appreciate ang ganda ng lugar na ito dahil sa kilig na nararamdaman. Si Josh kasi iyon eh. Tapos nakasandal pa ang ulo niya sa ulo ko kanina.Maya-maya pa ay napahawak ako aking noo nang biglang pitikin iyon ni Josh. "Masakit ha. Bakit ba?""Pumikit ka na.""Ha?" naguguluhan kong tanong ngunit bigla na lang namula ang pisngi ko dahil sa naisip. Is he gonna kiss me?Napasinghap ako nang ilapit niya ang mukha niya sa tenga ko, "Ipikit mo na iyang mga mata mo kasi magdadasal na raw tayo. Kung ano-ano kasing pumapasok sa isip mo."Kaagad umakyat ang init ng
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Inilibot ko ang tingin at natagpuan ko ang sariling nandito pa rin sa loob ng storage room. Sapo ko ang aking noo nang bumangon ako.Kaagad ay naibaling ko ang tingin ko nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n sila Dwight at Lumi. Kitang-kita ko ang pag-aalala na nakarehistro sa mukha ng huli. Ramdam ko ang sinseridad niya sa lahat ng kanyang sinabi kanina. Alam kong hindi siya magsisinungaling sa bagay na sinambit niya."Alam kong naguguluhan ka sa kung sino ang dapat paniwalaan. Kaya pakinggan mo na lang itong plano namin, Lex," panimula ni Dwight at naupo sa tabi ko.Nakita ko pa ang pag-aalinlangan ni Lumi na maupo rin sa sofa kaya tumayo lang ito sa tabi ni Dwight."I-I want to hear it, Dwight. What are your plans?"Nagkatitigan silang dalawa ni Lumi bago siya magsimulang ipaliwanag sa akin ang lahat ng plano niya.Sana lang