Share

CHAPTER 41

Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng apartment na siyang inuokupahan naming dalawa ni Jam. Hindi ko akalaing magagawa naming matagalan ang pagtira sa isang maliit na apartment.

"Galunggong nanaman ang ulam natin?"

Napairap ako sa tanong na iyon ni bebs saka na naupo sa kaharap niyang upuan.

"Pagtiyagaan mo na lang. Hayaan mo kapag nakaluwag tayo lechon na uulamin natin."

Nagawa ko pang tumawa para pagaanin ang pagitan naming dalawa pero nakasimangot pa rin siya. Kaya napangiti ako nang makaisip ng ideyang makakapagpasaya sa kanya.

"Tingnan mo kapag hinati ko ito sa dalawa, hindi na ito galunggong."

Nakapangalumbaba naman niya akong tinitigan saka nangunot ang noo niya. "Gaga ka. Galunggong pa rin 'yan."

"Hindi kaya. Kapag hinati ko ito sa dalawa magigi na siyang two na. Means tu-na."

Napailing-iling lang naman siya sa biro ko. "Gaga

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status