Share

CHAPTER 45

Suot ang jacket na ipinahiram sa akin ni Dwight kanina ay naglakad na ako papunta sa dalampasigan. Mukhang mas nauna ako sa usapan namin ni Eunnice. Inabala ko na muna ang aking sarili sa pagmasid ko sa kagandahan ng mga bituin sa kalangitan. Habang dinarama ko naman ang malamig na simoy na hangin dito sa dalampasigan. Pilit kong kinakalma ang aking isipan kasabay ng panunuod ko sa paghampas ng alon habang hihintay ko siya.

Maya-maya lang ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya ay matamis niya akong nginitian.

"May problema ba?"

"Wala naman. Gusto lang kitang makausap."

Naglaho bigla ang kanyang ngiti at napalitan iyon ng pag-aalala. "Tungkol saan?"

Napaiwas ako ng tingin saka pinagmasdan muli ang paghampas ng alon. "Nakausap ko na si Lumi, Eunnice."

Kahit hind ko siya tingnan ay ramdam ko na bigla siyang hindi mapakali sa pwesto niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status