"Sa kwarto mo na muna ikaw matulog ngayon," panukala ko kay ezrah nang nakasandal siya sa pader sa gilid ng lababo habang pinapanood niya akong nag huhugas ako ng mga pinag kainan namin.Gusto kong doon muna siya matulog para hindi ako nag iisip na mapano siya sa labas.Safe naman sa sala matulog pero mas komportable akong nasa kwarto niya siya, bukod sa mas maginhawang magpahinga roon ay mas secured din."Pero alam mo namang matagal na akong hindi natutulog dun," nakangusong sabi niya."I know... Pero mas mapapanatag akong nandun ka, mas secured doon," sagot ko naman habang nag babanlaw ng mga baso."Safe naman sa sala ah," pangangatwiran niya kaya tinignan ko siya ng tingin na nagsasabing huwag na siyang kumontra."Still...bakit ba kasi hindi ka natutulog sa kwarto mo? Malambot ang higaan mo roon at mas malawak kumpara sa sofang hinihigaan mo,hindi ko nga alam kung papaano ka nakakatulog roon ng nakabaluktot araw araw," pananailing na sabi ko at napatawa lang siya ng marahan."Mas k
"So?" Untag niya sa akin nang makapasok kami sa silid niya at napansin niyang nililibot ko ng tingin ang kabuuan ng silid niya.Hindi kalakihan iyon pero maayos at mabango ang loob.Maayos na nakasalansan ang mga gamit at libro niya sa shelf.Maging ang table niya na may laptop na ibabaw ay maimis ring naka arrange."Law books? You're a lawyer?" Takang tanong ko nang makita ko ang makakapal na librong nakasalansan roon.Halatang matagal na iyong hindi babasa dahil may kaunting alikabok na sa ibabaw."Ah hindi yan akin... Kay enzo yan noon, he was a lawyer,A good one." sagot niya na may kaunting pait sa tinig niya.Napatango tango nalang ako sa sinabi niya at hindi na nag ungkat pa.Ayoko nang pabigatin Pa ang loob niya at ipaalala ang nakaraan gayong alam ko naman na gusto na niya iyon ibaon sa limot.Napapabuntong hiningang naupo na siya sa gilid ng kama niya habang patuloy ako sa pag tingin sa mga gamit niya roon.I know it's rude to snoop on others pero wala naman akong narinig na
NAKARAAN"Habulin mo! We can't afford any witness! Papatayin tayo ni boss pag nagkataon!" Sigaw ng isang lalaki sa kasama niya matapos nilang marinig ang nakakabinging pag sigaw ko.Matagal na napako lang ako sa kinatatayuan ko habang nanginginig ang mga kamay na napatutop ako sa bibig ko.May kung anong kilabot ang biglang gumapang sa kabuuan ng katawan ko kasabay ng panginginig ng mga laman ko.Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon... Pero maihalintulad ko iyon sa pakiramdam kapag galit ka at may kaaway kaya nanginginig ang kalamnan mo at halos sasabog ka sa galit at puno ka ng adrenaline sa katawan... Ganun ang nagiging reaksyon ng katawan ko ngayon pero hindi ko sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa puso ko.Hindi ko maapuhap kung galit ba o takot o ewan ang kabog ng dibdib kong ito!I just can't believe that this is happening!Ilang Segundo lang ang lumipas pero heto ako ngayon at nanlalamig na nakatingin sa nakahandusay na pinakamamahal
Continuation..."Dad I think she's awake! She's mumbling something!" Dinig kong sigaw ng boses ng lalaki pero hindi ko pa iyon lubos na maintindihan.May ears are still ringing and my sight are all blurry!Paulit ulit kong ikinurap kurap ang mga mata ko pero hindi pa rin lumilinaw ang paningin ko!Tanging malabong pigura lamang ng isang lalaki ang nakikita kong nakatayo sa gilid ang naaaninag ko mula sa pag kakahiga.Gusto kong itanong kung sino sya at kung nasaan ako at anong nangyari sa akin pero parang walang boses ang gustong lumabas sa bibig ko.Sobrang tuyo ng lalamunan at bibig ko na halos hindi ko man lang magawang lumunok!"Sige na umalis ka na! Dumiretso ka agad sa safe house at wag na wag ka na uling lalabas! Susunod ako kaagad kapag nasiguro ko nang maayos na ang batang ito," utos ng isa pang tinig ng lalaki bago tuluyang umalis ang unang lalaki!Hindi ko maintindihanang pinag uusapan nila pero may kutob akong may kinalaman iyon sa akin.Pero ano nga bang nangyari sa akin?
"Hmmm... " malungkot na napanguso si Ezrah nang marinig ang mga katagang binitawan ng kanyang nobyo na Si enzo.Batid naman niyang parte na iyon ng routine nilang dalawa at inaasahan na rin niyang mangyari iyon pero Hindi Pa rin maalis sa kanya ang malungkot sa tuwing mag papaalam ito."Baby Please don't make this hard on me than it already is... Alam Mo naman nahihirapan ako kapag nalulungkot ka ng ganyan eh," malambing namang tugon ng nobyo sa kanya habang hinihimas nito ng kanyang hinlalaki ang baba niya.Mapait namang napangiti si ezrah at napabuntong hininga pagkatapos ay napayoko."I know... I'm sorry,"tugon niya habang nilalaro ang mga kuko, "pero kailangan mo ba talagang lumayo kapag nag tatrabaho ka?" Nakasimangot na tanong niya sa lalaki."Alam mo namang delikado ang trabaho ko Hindi Ba? ayoko Lang na mapahamak ka," buong suyong sambit nito na mas lalo niyang ikinabuntong hininga ng malakas."Yun na nga eh!" Bahagyang nagtaas ang boses niya na tila may bahid ng pagkainis, "a
FEW MONTHS LATER"Ezrah iha! Akin na nga iyan! Sinabi ko naman sayo na tawagin mo nalang ako kung may kailangan kang gawin hindi ba? Para Ako na ang gagawa para sayo," bahagyang napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni mang Nolan na bigla nalang lumitaw sa kung saan.Kasalukuyan akong nag wawalis sa malawak na bakuran ng bahay ko...Or should I say bahay namin ni enzo."Ayos Lang ho mang Nolan. Gusto ko rin ng may ginagawa ako, Sa ganitong paraan kasi naiiwasan ko ang mag isip ng sobra," malungkot na tugon ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pag wawalis ng mga tuyong dahon patungo sa kumpol ng iba pang mga kalat na kanina ko Pa nawalis."Hmm! Maiwasan mag isip ng sobra? Kaya ba ganun nalang ang gulat mo ng marinig ako?" Pag kontra niya sa sinabi ko.Bata Pa Lang ako ay kasama ko na Si mang Nolan kaya naman kilalang kilala na niya ako.alam Kong alam niya na nag sisinungaling ako nang sabihin Kong hindi ako nag iisip ng sobra, dahil ang totoo ay malalim ang in
"Mang Nolan, hindi ba mas maganda ho atang dinala nalang ninyo ang taong iyan sa hospital, kapag namatay yan sa atin problema pa natin ang taong iyan!" naiiling na sabi ko kay mang Nolan habang magkaharap kaming nag kakape sa mesa habang parehong nakatanaw sa hindi kilalang lalaki sa kwarto.Masyado na akong maraming problema at iniisip para dumagdag pa ang lalaking iyan at mag paalaga! I don't even know him! Ilang araw na siyang nandito at walang malay, at hindi ko alam kung magigising Pa ba siya o hindi na.at kung hindi na nga siya magising ay paniguradong magiging problema Pa namin siya! Maging si mang Nolan ay ilang araw na ring hindi umuuwi para lang samahan akong bantayan ang taong ito.Masyado na siyang nagiging abala sa ibang tao! "Sa kalagayan niya ngayon paniguradong hindi kakayanin ng katawan niya ang bumiyahe palabas rito, mas malaki Pa ang tsansa na mabuhay siya rito, at isa pa stable naman ang kondisyon niya kaya huwag kang masyadong mag alala," sagot ni mang Nolan
"Oh maaga ka yatang gumising ngayon... Hindi ka nanaman ba makatulog? Hanggang ngayon ba ay dinadalaw ka pa rin ng mga bangungot mo?" Bungad na tanong ni mang Nolan sa Akin pag karating niya.Dala niya ang balde, gamit panlinis at mga lalagyan marahil ng pagkain ng mga manok na malamang na napakain na niya ngayon.Malungkot akong napabuntong hininga sa tanong niya, Malamang ay sobrang haggard na nga talaga ng hitsura ko para mapansin niya ang kakulangan ko sa tulog kahit malayo pa lang siya! "Oho mang Nolan... Kanina pa akong madaling araw nagising at hindi ko na magawang makatulog ulit, " makasimangot na sagot ko sabay pahampas kong winalis ang mga nakakalat na dahon habang nanunulis ang nguso ko. Bahagya lang siyang napabuntong hininga sa sagot ko... Alam kong hindi na bago sa kanya ang marinig iyon.Simula kasi nang umuwi ako rito at simula nang gabing iyon ay hindi na ako makatulog ng maayos, madalas na managinip ako ng hindi maganda dahilan para hindi na uli ako makatulog.Sa tu