Share

32: The Past Part 17

CHAPTER THIRTY TWO

DAHIL sa presensya ng dalawang higher ups ay hindi nagawang maparusahan ng warden si Dom. Kaya naman malaya siyang nakabalik sa infirmary matapos siyang i-dismiss ng mga ito.

Hindi naman sa nabura na 'yong pangalan niya sa listahan ng suspects na nanakit kay Janet, pero nagawa niyang makaiwas sa direktang kaparusahan mula sa warden. Siguro, aabot ng ilang araw ang imbistigasyon. At kung ano man ang magiging resulta no'n, wala na siyang pakialam.

Handa siyang papasok ulit sa bartolina, ang mahalaga nakaganti na siya sa babae.

Totoong natakot siya dahil sa naging resulta ng ginawa niya. Naroon ang pag-alala na baka ano nang nangyari rito. Nakaramdam siya ng konsensya dahil sa ginawa.

Pero naniniwala naman siyang masasanay rin siguro siya rito sa katagalan. Lalo pa't marami pa siyang gustong paghigantihan.

Nand'yan pa sina Magno at mga tauhan nitong palaging nagpapahirap sa kaniya. Si Ronilo na bumaboy sa kaniya at sina Don Antonio at Matilda - ang mga taong siyang pan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status