CHAPTER THIRTY FOUR[Warning! Contains Disturbing Contents that depicts violence! Read at your own risk]MAINGAT ang mga galaw na tumayo si Willie mula sa pagkakahiga niya sa tarima. Tinalasan niya ang kaniyang pakiramdam habang isa-isang tinitigan ang mga kakusa na parehong mahimbing ang tulog sa mga oras na ito.Balisa ang kaniyang mga matang sumusulyap sa daku kung saan nakahiga si Dom habang hindi mapakaling tumatayo at maya-maya'y babalik na naman sa pag-upo sa gilid ng kaniyang higaan.Mabilis ang kaniyang paghinga habang pinagpapawisan ang noo. Magulo ang kaniyang isipan at hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na ito.Minamasahe niya ang sariling noo habang dahan-dahang bumalik sa pagkakahiga sa higaan. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata ngunit sa kasamaang palad ay parang walang plano ang kaniyang utak na patulugin siya hanggang hindi niya matapos ang dapat gawin sa gabing ito.Pagkatapos ang ilang minutong pag-iisip sa kung ano ang dapat gawin ay dahan-dahan uli
CHAPTER THIRTY FIVEHALOS mabingi si Dom sa samu't saring sigaw ng mga prisong nasa gilid ng pasilyong dinadaanan niya. Kahit may kasama siyang Jail Guards na nasa magkabilang gilid niya ay may mga priso pa ring sumubok na abutin siya. Mabuti nalang at maagap ang mga guards at madali nilang nahahampas ang mga kamay na sumubok umabot sa kaniya.Sa kabila ng ingay sa paligid ay kalmado at tuwid lang siyang naglalakad sa kung saan siya ihahatid ng mga jail guards na kasama.Halos wala na siyang pakialam sa kaniyang buhay sa mga sandaling ito. Binabagabag siya ng konsensya nitong nakaraang isang buwan at halos gabi-gabi niyang nakikita ang duguang katawan ni Willie.Dumagdag pa rito ang katutuhanang hawak niya ang kamay nito at nakita niya pa ang huling paghinga ng kakusa na naging kaibigan sa loob ng bilangguan. Kitang-kita niya rin sa mga mata nito ang unti-unting pagkawala ng buhay nito.Sa madaling salita, napagmasdan niya kung paano nalagutan ng hininga ang kaibigan. Naramdaman niya
CHAPTER THIRTY SIXKUNG mahirap ang buhay ni Dom noong nasa San Diego City Penitentiary pa siya dahil sa pinanggagawa ng grupo ni Magno, pambababoy ni Ronilo at ang pagpapahirap nina Don Antonio at Matilda, naging mas mahirap naman ngayon ang pinagdaanan ni Dom.Dahil sa unang araw palang niya sa Maximum Security Prison na ito ay nabugbog na agad siya. At hindi lang 'yon, dahil habang nawalan siya ng malay ay binaboy naman siya ng ilang mga kakusa niya.Hindi niya alam kung ilang tao ang kumant0t sa kaniyang puwitan, pero dahil sa sobrang sakit niyon nang magising siya, alam niyang hindi lang isang tao ang humalay sa kaniya.Kaya nadala agad siya sa infirmary ng kulungan at nanatili siya roon ng apat na araw.Nang maka-recover na siya't makabalik sa selda ay muli na naman siyang binugbog ng mga kakusa hanggang sa nawalan na naman siya ng malay. Ang kaibahan lang ay hindi na siya binaboy ng mga ito.Paulit-ulit itong nangyayari sa kaniya hanggang sa wala na siyang magawa kung hindi ang
CHAPTER THIRTY SEVEN"OHHH, akala ko bahag ang buntot ninyong lahat. So, may matapang pa pala sa inyo. Good. Good. Good. Since ilang oras na rin akong hindi nakasapak ng tao, papatulan ko na ito," nakangising wika ng lalaking nasa pinakaunahan ng grupong humarang sa kanila nang makita nitong umabante si Dom."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Carsel Group 'yang nasa harap mo gag0!" mahina ngunit matigas na banta ni Boss Choy kay Dom nang madaanan niya ito habang pasugod sa grupong nasa harapan.Ngunit walang pakialam si Dom kung sino itong nasa harapan niya. Basta malaki ang atraso ng amo ng mga ito na si Don Antonio sa kaniya. Kaya pagkarinig palang niyang galamay pala ito ng kinasusuklamang tao ay biglang dumilim ang kaniyang paningin at nawalan siya ng kontrol sa sarili.Sa kabila ng mahigpit na banta ng kanilang Mayor ay wala sa sariling sinugod ni Dom ang Carsel Group. Agad naman siyang sinalubong ng lider ng mga ito.Isang malakas at solid na right hook ang pinakawalan ng lider
CHAPTER THIRTY EIGHT[Warning! Contains Disturbing Contents that depicts violence! Read at your own risk]INIHANDA na ni Dom ang sarili sa anumang posibleng mangyayari sa kaniya nang tumapak ang kaniyang mga paa sa entrance ng Building 4 na sinasabing hawak ng Carsel Group. Ang mismong grupong naka-engkwentro niya at ng mga ka-grupo kaninang umaga.Dahil oras ng kainan ngayon para sa hapunan nila ay napakatahimik ng buong building habang naglalakad siya kasama ang mga Jail Guards na naghatid sa kaniya patungo sa kaniyang magiging selda.May mangilan-ngilang mga priso pero tahimik lang ang mga ito habang tinitigan sina Dom.Hanggang sa makarating si Dom sa kaniyang magiging selda ay gano'n pa rin ang nangyari, napakatahimik.Tinawag naman ng mga Jail Guards ang mayor ng kaniyang magiging selda upang makilala siya nito. Ilang saglit lang ay dumating ang mayor at nakangiti pa nitong ni-welcome si Dom. Pagkaalis ng mga Jail Guards ay tinulungan pa siya nitong mailagay sa lagayan ng mga da
CHAPTER THIRTY NINEONE MONTH LATER..PARANG naging impyerno ang buhay ni Dom sa loob ng kulungan. Pinoprotektahan nga siya ng kaniyang mga kakusa sa pamumuno ni Damian Wayne, ang kanilang Selda Mayor, ngunit pagkalabas naman niya ay palagi nalang may umaatake sa kaniya.Bugbog lang naman ang inabot niya sa tuwing inaatake siya ng mga membro ng Carsel Group, hindi kagaya noong nakaraang buwan na nanatili talaga siya sa Prison Infirmary nang halos dalawang linggo dahil sa laki ng pinsala sa kaniyang mukha. Mabuti nalang talaga at hindi naapektuhan ang kaniyang facial features, may mga peklat nga lang iyong natira dahil sa sugat na tinamo niya.Awang awa man sa kaniya ang kaniyang mga kakusa ay hindi naman siya kayang ipagtanggol ng mga ito dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Miguel.Sa tuwing bubugbogin siya ng mga ito ay magkakaroon talaga ng riot. At sa bawat riot na ito ay palaging may nasusugat ng malubha. Wala pa namang namatay, pero 'yon na nga, napakaraming nadadamay.Ilang
CHAPTER FORTY"AHH," mahinang d***g ni Dom sa bawat pagdampi ng bulak na binasa ng alcohol na kasalukuyang ginagamit ng isang magandang nurse bilang disinfectant sa kaniyang sugat.Nasa loob sila ngayon ng Quarter 1 na pagmamay-ari ng Rossi Mafia. Napakalalim kasi ng sugat ni Dom at muntik na siyang mawalan ng malay kanina.Pagkatapos magsitakbuhan no'ng mga kalaban kanina ay kaagad siyang dinala ng mga tauhan ni Salvatore sa quarter nito. At dahil isa itong high profile inmate na may koneksyon sa mismong management ng kulungang ito ay nagagawa nitong makakuha ng personal nurse na siyang mag-aasikaso sa kanila kung sakaling magkaroon sila ng sakit.Isa ito sa mga special privilege na ini-enjoy mga mga mayayamang inmates dito sa loob."Thank you so much for saving him, Boss," magalang na wika ni Damian sa middle aged na lalaking kampanteng nakaupo sa malambot na sofa ng quarter na kinaroroonan nila."It's nothing. Alam mo naman ako, ayaw ko talaga 'yong makakita ng taong pinagtutulungan
CHAPTER FORTY ONE"GOOD Job, Dom," masayang wika ni Salvatore nang salubungin siya nito. "I heard what you did. And you really did a good job out there," dagdag pa nito habang napakaluwang ng ngiti.Anim na buwan na ang nakalipas simula no'ng pumayag si Dom na maging isa sa mga tauhan ni Salvatore.At sa loob ng panahon na ito ay nakapagtapos na siya ng tatlong misyon. Syempre, tatlo palang ang nagawa niya dahil ginugol niya sa training at pag-aaral ang halos kabuoan ng anim na buwang iyon.Binigyan siya ni Salvatore ng personal trainer para sa Martial Arts at combat sports. Binigyan din siya nito ng trainer sa paghawak at paggamit ng baril. May sarili rin siyang tutor na nagtuturo sa kaniya ng mga bagay na gusto niyang malaman pagdating sa academics.At sa loob lamang ng anim na buwang ginugol niya sa training at pag-aaral ay para siyang naging ibang tao kompara sa kung ano siya dati. Nagawa niyang lahat ito hindi lang dahil sa likas na matalino siya sa academics kaya madali siyang n