Share

Chapter 2

Zi Shien's POV 

Halos magkandarapa na ako dahil sa kakagawa ng mga projects at assignments na hindi ko pa natapos, nang lumapit si Stephanie sa kinauupuan ko.

Ano na naman kayang kailangan nito? 

“Baby, gusto mo bang sumama?” tanong nito habang nilalaro-laro ang kanyang nakaponytail na buhok.

Nasanay na itong tawagin akong baby na para bang nobyo niya ako. Sa buong pag-aakala niya ay gusto ko ito kahit ang totoo namaʼy kinikilabutan ako sa tuwing naririnig ko siyang tumatawag sa akin.

“Baby, what?!” may pagkasarkastiko at halong inis na tanong ko dito.

"Yes baby, ayaw mo ba? Ang sweet kaya nang endearment na `yan...” Tumingin ito sa kanyang mga kaibigan, “di'ba girls?”

Tanging tango lamang ang nakuha niya bilang sagot ng mga ito.

Napatawa naman sina Rhein na para bang inaasar pa si Stephanie.

"Paʼno ba yan bro, panindigan mo yan," sabi ni Louise na tawang tawa pa

"Stephanie, alam mo naman siguro na walang tayo," diretsahang saad ko sa kanya. 

Parang umuusok naman ang ilong niya sa sobrang galit dala siguro ng hiya.

“What?! Pagka tapos noʼng isang gabi?” galit niyang turan.

“Ikaw naman ang nagyaya diba? Hindi naman ako nag presinta na mag sex tayo, at saka hindi kita gusto, at walang tayo!” sagot ko na pinagdidiinan ang salitang 'walang tayo'.

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. “Baby please, bakit ba ayaw mo sa'kin?” Tanong niya na lalong nagpairita sa akin.Pinaka ayaw ko sa lahat ay `yong babaeng desperada.

“Simply lang, hindi kita gusto at sinakyan lang kita ng isang gabi para libangan lang.”

Lumuhod siya sa harap ko. Nagmamakaawang siya na lang ang piliin ko, pero anong magagawa ko? Hindi ko siya gusto.

“Tandaan mo to Zi, hindi ako susuko hanggaʼt hindi mo ako nagugustohan!” Pinahiran niya ang kanyang luha at nagdadabog na umalis.

Lumapit sa akin ang tatlo, “Ang tindi mo talaga, bro,” si Louise na patawa tawa pa.

“Aba! kasalanan ko ba na pinanganak akong gwapo,” pilyong sagot ko.

Bwesit na bwesit ako kay Stephanie kayaʼt itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa ginagawa ko kanina. Insakto namang na tapos ko yung ginagawa ko 'nong pumasok na yung professor namin.

“Ladies and lads, I would like to announce that you will be having your new classmate starting next week,” excited na announce ni Prof.

Nagkagulo naman ang buong classroom “Babae ba ma'am?” ani Joshua na kumikinang ang mga mata.

Ano na naman kayang nasa isip nito? 

"Secret,” pangiti ngiting sagot ni Prof at inumpisahan ang chapter test para sa psychology na subject namin buti nalang at medyo sisiw lang ang test dahil kung hindi naku! aaligid na naman `tong tatlong mokong.

Louise's POV 

“Chocolate discharges the same chemical into your body which is produced when you start falling in love. The smell of chocolate increases Theta brain waves which triggers relaxation,” discuss ni Prof pagkatapos naming mag chapter test .

Hindi ko na naririnig at naiintindihan ang mga pinagsasabi ng professor namin, halos lumipat na ang mga mata ko sa wristwatch na suot ko dahil sa kakasilip ko dito, uwing uwi na talaga ako.

“Okay class that's all for today.” Niligpit na niya ang kanyang mga ginamit na laptap at projector.

Nag- inat ako ng aking mga kamay. 

'Hays, salamat natapos din' sa isip -isip ko.

“Bro, una na ako sa inyo,” paalam ko.

“Sige bro, see yaʼ tonight!” si Zi 

Pagkatapos kasi ng klase ay nagba-bar kami, at doon kami tumatambay sa bar ng pamilya ko na ako ang nagma-manage. Student sa umaga, businessman sa gabi.

“Hindi niyo ba kami isasama?” tanong ni Rhein at nag pout pa ito.

“Hindi naman siguro kayo magpapabuhat,” ani Zi .

“Game! May chiks ba?” At umiral na naman ang pagka chikboy ni Joshua.

“Mawawala ba 'yan?” sagot ko na pangiti ngiti pa.

“I'm in!” usal ni Joshua na halatang excited para mamaya.

Kinagabihan, dumating na silang tatlo sa club, “Lou nasaan ang mga chiks?” Inilibot pa ni Zi ang kanyang mga mata sa buong club.

“Ayon oh,” ani ko sabay turo doʼn sa mga babaeng halos mag hubad na.

“Good taste huh,” pangiti ngiting tugon ni Zi.

“Pangalawa lang kami sa'yo” sagot ni Rhein.

“Let the party begin!” I shouted then raised a glass of tequila for a toast.

Lasing na lasing na si Zi habang nakikipag halikan doʼn sa babaeng ka-table niya kanina.

“Baby let's have privacy,” malanding sabi ng babae.

“Oh baby you're turning me on” ani Zi. And kiss the girl.

Nagpaalam silang dalawa sa amin, and guess what would they do.

“Zi's enjoying the night huh,” usal ni Rhein. Then sip his tequila.

Napangiti naman ang babaeng ka-table namin “Yeah, he's good in bed you know.” Then sip her margarita.

Yeah you heard it right, naka one night stand na ni Zi itong babaeng ka-table namin. No string attached just sex, pure sex.

Umakbay si Rhein sa babae, “And I heard you're also good in bed,” usal ni Rhein, at nag halikan sila sa harap namin, well hindi na bago `yan sa amin.

“Bro,excuse me for a while,” si Joshua nang may makitang sexy sa kabilang table.

Nag excuse din ako para asikasohin ang cashier area, pinagpahinga ko muna ang cashier at ako ang pumalit dito. Hindi pa sana ito papayag pero napapayag ko rin. Habang abala sa pag ca-cashier, may lumapit na babae. May katangkaran ito, balingkinitan ang katawan at morena, in short maganda ito.

“Hey, 'wanna have some fun? ” pagyaya nito sa' kin. Alam kong ibang 'fun' ang tinutukoy nito, kaya di na rin ako tumanggi. Blessing na ang lumapit, nagpakabait ako dito.

“Sure! Wait for me, I'll just finish this one.”

She lean on the counter top and cupped my face, “Madali akong ma-bored,” usal niya and bite her lips.

“Don't worry woman, you'll enjoy this night,” I reply and winked at her.

Minadali ko ang ginagawa ko at tinungo ang table niya, agad naming tinungo ang office ko na nasa second floor ng club at doon namin ginawa ang hangarin ng aming bawat katawan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status