Share

Kapitulo 52

INIANGAT niya sa balikat niya si Seymour habang hinihimas pababa ang likod nito para dumighay, sa ilang araw na inaalagan na nila ang sanggol marami na silang nalalaman kung paano alagaan ito dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan niyang may mga anak na.

Mahinang natawa naman siya nang marinig na itong dumighay at tumahan, ang maliliit nitong kamay ay inaabot ang kaniyang ilong nang binalik niya ito kay Fauzia.

Ang kaniyang ama ay naaliw sa bata lalo na noong napatingin ang mata ni Seymour dito. Nahihiwagahan pa si Laurent sa nasasaksihan sa kabahayan ng kaniyang anak.

Hindi aakalain ng ama niya na magiging maalagain ang kaniyang anak, kung babalikan ang nakaraan nong bata pa lang si Austin ay naiibahan at kinikilabutan ito tuwing naglalambingan sila ni Athalia.

Masarap nga namang balikan ang mga panahong maayos at buo pa ang pamilya nila Austin.

Bumalik na ang binata sa oven para kunin ang Frittata, itinaob niya ito para ilagay sa wooden serving board bago sinimulan na itong hiwain
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status