Gueene pov:Nagising ako na masakit ang aking ulo at parang binugbog ang buong katawan ko. Mariin akong napapikit sapo ang aking ulo nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko. Pakiramdam ko panaginip lang ang nangyari sa amin ni Razen. Pero hindi. Totoo talaga na Razen and I had sex last night. Alas-onse na. Kaya pala kumakalam ang sikmura ko. Wala si Razen sa tabi ko. Ngunit may suot na akong damit. Siguro binihisan niya ako kagabi. Napagiwi ako ng maramdaman ang hapdi sa ibaba ko. Nag init ang magkabilang pisngi ko ng maalala kung gaano ako ka wild kagabi sa ibabaw ni Razen. Napatingin ako sa terrace. Naroon siya nakatayo. Walang pang itaas na damit at tanging pajama lang ang suot. Napasinghap ako kasabay ang pag-awang ng aking labi ng makita ang mga pulang marka sa likod niya. Para masiguro kung ano iyon nagmadali na bumaba ako sa kama at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo. "Oh my god! " bulalas ko ng makita ang maliit na pulang marka s
Gueene pov:Totoo nga ang narinig ko. Na hindi peke ang kasal namin. Hindi ko na kailangan ng pruweba dahil si attorney na mismo ang nagsabi. Ngunit kailangan ko parin malaman kung bakit at ano ang dahilan. Paano ko nalang ito matatakasan balang araw? "Hindi ko alam itong sinasabi mo, Gueene, " aniya. May kinuha siya sa kanyang bag at inabot iyon sa akin. "Narito ang address ng law firm ko at ng numero ko. Puntahan mo ako o kaya tawagan kapag may oras ka. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin iyan. Mukhang may pupuntahan ka pa. ""S-Salamat, attorney."Mahina niya akong tinapik sa balikat saka umalis. Nanghihina na umupo ako sa gilid pinapakalma ang sarili ko. Hindi muna ito ang iisip ko. Ang anak ko na nandoon sa loob muna ang alalahanin ko. Siya muna. Siya ang mahalaga dito ngayon. May natanaw akong bakery sa kabilang kalsada. Bibili muna ako ng chiffon cake para sa anak ko. Panigurado matutuwa iyon lalo na kapag nalaman niyang kay Razen ito galing. "Mama... "Mahigpi
Gueene pov:Malalim na ang gabi ngunit narito parin ako sa gilid ng bintana nakatanaw sa kawalan. Iyong anak ko kanina pa humihilik. Kung hindi ko pa pinagsabihan si Razen hindi pa matigil ng pag-uusap nila kanina. Gusto kong magalit sa kanya. Sa pagsisinungaling niya sa akin. Sa paglihim tungkol sa kasal namin. Okay sana kung pareho kami ng nararamdaman, ngunit hindi. Ako lang kasi iyong nagmamahal. At hindi na ako aasa na mahalin niya rin ako katulad kung paano ko siya mahalin. Ang hindi ko lang alam ngayon ay paano siya haharapin at umakto na walang alam sa nangyari sa kasal namin. At lalo na ngayong napatunayan kong siya at si Zen ay iisa. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Mama... "Bumalik ako sa kama at tinabihan siya. Kaagad siyang sumiksik sa bisig ko ng yakapin ko siya. Maya-maya hinila na ako ng antok hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.Nagising ako ng marinig ang isang hagikhik. Pagmulat ko iyong anak ko kaagad ang nakita ko, nasa tainga nito ang cellphone at may kausap
Gueene pov:Mababaliw ako. Sa lahat ng tao bakit ang anak ko pa ang na kidnap? Marami namang masamang tao diyan pero bakit ang anak ko pa ang pinuntirya? Hindi ako maka uwi. Gabi na at wala na akong masakyan pa paluwas ng siyudad. Dilikado na rin kung sa laot ako dadaan. Wala rin akong load para tawagan si Inay. Walang landline dito sa bahay ni Razen kaya wala akong ibang choice kundi ang lumabas sa bahay at magpaload doon sa baybay. Ngunit hindi pa ako nakalabas sa bahay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napahagulgol nalang ako. Ngayon ako kailangan ng anak ko pero wala ako doon para hanapin siya. Wala akong silbi na ina. Ang tanging dasal ko ay sana nasa maayos siya. Walang mangyari na masama sa kanya. Kasi hindi ko kakayanin. Hindi ko matanggap kapag may nangyari sa kanya lalo na at hindi maganda ang kondisyon niya. Sa nanlalabo kong mga mata at ng paligid dahil sa lakas ng ulan, bigla akong kinabahan nang maaninag ko ang ilaw ng sasakyan ng paparating. Hindi pa ako handa
Gueene pov:May mga tao parin na mabuti ang kalooban. Na handang tumulong kahit hindi nila kilala basta ang mahalaga ay makatulong sila at walang hinihingi na kapalit. Palaisipan sa akin kung sino ang tumulong sa anak ko ngunit hindi na muna iyon mahalaga sa ngayon. Ang gusto kong malaman ay kung bakit na kidnap siya. "Mama, tatapusin ko lang iyong ginagawa ko. Kailangan na kasi iyon ipasa kay teacher bukas. "Tumango ako at ginulo ang kanyang buhok. "Sige anak. "Nanakbo siya papasok sa kwarto ko at patalon na sumampa sa kama. Napangiti ako dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari sa kanya nitong nakaraang araw. Parang hindi man lang siya natakot. Inabot ko ang kamay ni Inay at masuyo siyang nginitian. "Nay, wag niyo na sisihin ang sarili niyo. Hindi mo kasalan kung bakit si Azane ang pinuntirya ng mga kidnapper. "Dismayado siyang umiling. "Ilang linggo ko ng napansin na parang may nagmamasid sa amin araw-araw. May sumusunod rin kahit saan ako magpunta basta kasama ko si Azane
Pumunta ako sa likod ng bahay. Doon sa puno kung saan ako naaksidente noon. Sumandal ako at ipinikit ang mga mata dinadama ang presko at malamig na hangin na tumatama sa aking balat. Nakatulong ang payapang paligid at sariwang hangin para kumalma ako. Parang sasabog na ang puso ko sa subrang galit na nararamdaman ko sa dalawang babae kanina. Mabuti nalang na kahit galit ako nagawa ko paring makapagtimpi na wag sampalin si Ma'am Elizabeth. Nanay parin siya ng lalaking mahal ko. Lola ng anak ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatambay rito. Hindi pa ako handa na umuwi sa bahay. Hindi pa ako handa na makaharap si Razen. Baka umusbong ulit ang galit ko at may masabi akong masama sa kanya. Unti-unti nang dumilim. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. Ni hindi ako nakaramdam ng pangangalay sa tagal ng pagka upo ko. Gusto ko lang manatili rito hangga't gusto ko. May sasakyan na paparating. Ngunit hindi na ako nag abala pang tumayo upang tingnan kung sino iyon da
Hindi niya makuha si Razen sa pakiusap at pagbabanta na paraan laban sa akin kaya ang buhay ko ang una niyang pinuntirya. At ngayon, sa ikalawang pagkakataon dinamay na naman niya ang anak ko na walamg kasalanan. "Naka dalawa ka na sa anak ko, Chloe. Iyong bata na walang kamuwang-muwang dinamay mo sa galit mo sa akin. Baliw ka yata, e! Wala naman akong ginagawa sayo. Kung tutuusin ikaw nga itong may maraming atraso sa akin. Ako dapat ang may karapatan na magalit sayo! Pero binaliktad mo ako at magdadrama ka kay Razen!Iyang mga galos at kalmot mo sa katawan ni isa wala akong bakas d'yan, at alam mo yan. Dahil hindi lang iyan ang aabotin mo kung sasaktan kita, " mariing wika ko galit ang mga mata na nakatingin sa kanya. " Gueene, ano itong mga pinagsasabi mo?" Puno ng pagtataka na usal niya. Hindi na ako nag-abala na balingan siya ng tingin dahil naiiyak ako. "I'm scared of her, Zen. Ilayo mo ako sa kanya, " nanginginig na usal ni Chloe, nagtago sa likod ni Razen. Ngunit hindi man
Razen pov: Six years ago. "Chloe is my friend, ma! And I love her. Bakit ba gusto mo akong ilayo sa kanya!? And please... Wag niyo akong ipagtulakan sa kung sino-sinong babae para lang pakasalan ko. "She wants me to settle for good. Pero ayaw niyang si Chloe ang papakasalan ko. For what reason? Kilala naman niya si Chloe because she is my childhood friend. "I am your mother. I know what is the best for you."Hinarap ko siya. "At ang ipaglayo kami ni Chloe sa isa't isa ang rason? Ma, hindi na ako bata. May sarili na akong desisyon. Kaya ko nga magpalago ng isang negosyo tapos pagdating sa babaeng pipiliin ko didiktahan mo ako? Stop this nonsense, ma. Ayoko na ito ang dahilan upang lumayo ang loob ko sayo. "Pagkatapos kong sabihin iyon, umalis na ako. Araw-araw nalang ganito kami. Palaging nagtatalo sa ganitong bagay. Nakakasawa. "Razen, come back here! We are not done talking yet!"Pumasok ako sa loob ng sasakyan na hindi siya sinagot. Mabilis na pinaharurot ko iyon paalis. Gusto