Sarina
“Bakit nandito ka? Akala ko ay lumayas ka na?” Galit na sabi ng lola ni Maximus. Mainit ang ulo ko at hangga’t maaari ay gusto kong pagpasensyahan siya. Pero sa tagpong nadatnan ko ay mukhang malabong mangyari iyon kung hindi siya titigil.
“La, asawa ko ho si Sarina.” Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya at hindi ko yon itinago sa kanya. Akalain mong sinaway niya agad agad ang matanda.
“Wala akong pakialam!” Galit na galit na sabi ng lola niya at nanlilisik pa ang mga mata niya sa pagkakatingin sa akin.
“Eh kung alam ko lang ho na nandito naman pala kayo at ang malanding babaeng yan eh di sana hindi na lang din ho ako umuwi at patuloy na nagpakasaya sa bakas
Maximus“Hello,” ang sagot ko sa tawag ni Aries,“Nakita ko po si Ma’am Sarina,”“Sundan mo and huwag mong hayaang mawala siya sa paningin mo. I want to know kung saan siya puppunta.”“Okay po, sir,” tapos ay in-end ko na ang call at hinarap ang lola ko pati na rin si Midori. Sobrang galit ang nararamdaman ko kaya lang ay lola ko pa rin naman kasi siya.“Midori, I don’t want to see your face ever again. Kung hindi ka titigil sa kakalapit ay hindi ko rin papatahimikin ang pamilya mo. Tandaan mo yan,”“But babe,”“And stop calling me your fucking babe because I’m not!” napapitlag siya ng dahil sa sigaw ko.“Maximus,” ang tawag sa akin ng kaibigan kong doktor na hindi na rin nakahuma dahil sa mga pangyayari.“Stay out of this, Jerold.” Tumingin ako sa kanya at tumango naman ito,“Maiwan ko muna kayo,” paalam niya na sinang-ayunan ko na rin. Ayaw ko ring marinig niya ang kung ano mang sasabihin ko sa mga babaeng kaharap ko ngayon.“Hindi mo na ako ni respeto, Maximus!” galit ang lola ko, k
SarinaNapakasarap sa pakiramdam at para akong pinaghehele. Hindi ko alam kung dahil ba sa lakas ng aircon kaya parang napakagaan ng aking pakiramdam. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata bago pupungas pungas na sinino ang nasa aking tabi na nakatingin pa sa akin.Kinusot ko pa para lang matanggal ang luhang natuyo sa aking mga mata na naging muta para lang maka sigurong may katabi nga ako. “Maximus?” ang gulat kong sabi sabay balikwas ng bangon na naging dahilan ng bahagya kong pagkaliyo. Agad naman niya akong nahila palapit bago pa ako matumba at bumagsak sa sahig mula sa kama.Nagpalingon lingon ako sa paligid para lang masiguro kung nasaan ako. At kagaya kaninang bago ako makatulog ay napansin kong nasa hotel pa rin ako. “Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?”“I don’t see any reason para hindi ako makapasok dito,” ang sabi niya bago prenteng sumandal pa sa headboard ng kama habang nakahalukipkip ang mga braso.“Anong you don’t see any reason? Eh hotel room ko ito! Hi
Sarina“Why stay in this room when you can get better?” tanong ni Maximus. Kakatapos lang naming kumain at aaminin kong marami ang nakain ko kaya pasalamat ako dahil marami rin ang in-order ng asawa ko. Wala akong kamalay malay eh gutom na pala ako. “Wala akong pera,” sagot ko naman habang patuloy siya sa paghimas sa kamay kong hawak hawak niya. Kasalukuyan kaming nasa couch at nakasandig ako sa kanyang braso habang ang isang kamay naman niya ay nakayapos sa akin. “What about the card I gave you?”“Ayaw kong gamitin kahit na natetempt na talaga ako kanina. Naisip ko lang ang lola mo na manggagalaiti na naman sa galit kapag nalaman iyon kaya pinigilan ko ang sarili ko.”“You don't have to think about her. Obligasyon ko bilang lalaki at bilang asawa mo to provide for everything you needs and wants. So next time, huwag kang magdalawang isip na magwaldas ng pera ko.” “No need, Maximus. May sarili akong pera.” Kahit na ang sarap pakinggan ng sinabi niya eh hindi din naman para waldasin k
Sarina“Sana naman ho nay ay nagsabi muna kayo bago kayo nag desisyon lumuwas.” Sabi ko ng sunduin ko sila sa Cubao. “Kakagaling ko lang doon eh na miss nyo na ho ako agad,” dagdag ko pa.“Hay naku anak, ikaw pa eh alam ko namang babawalan mo kaming gawin ito. Mabuti na rin yung surprise para wala ka ng maidahilan. Matagal ko ng gustong lumuwas para malaman ko naman kung anong klase ba ang pamumuhay mo dito sa Maynila. Aba mahirap na eh mag-isa ka lang dito,” sagot ng nanay mo.“Tsaka anak, gusto kong personal na rin na magpasalamat sa boss mo dahil sa pagpapahiram nya sa atin ng ipinambayad ko sa utang ko,” dahdah naman ng tatay ko bago kami sumakay sa grabcar na bi-nook ko.“Eh wala na hong katapusan ang pasasalamat natin niyan, nagpasalamat na nga po ako eh magpapasalamat pa kayo.”“Ikaw talagang bata ka, alam mo ng malaking tulong iyon sa atin,” sabi ni nanay.Nasa opisina si Maximus ngayon at kagabi ay hindi ako tumigil hanggat hindi ko siya napapayag na huwag sabihin sa mga magul
SarinaLumabas ako ng kanyang silid matapos niya akong punasan. Isang bagay na gustong gusto kong ginagawa niya para sa akin. Hindi siya ang tipo ng partner na kapag nakatapos na ay hahayaan na ang kapartner nila. Feeling ko ay alagang alaga niya ako at hindi ko maiwasang hunanga sa kanya. Naisip ko tuloy na iyon din marahil ang dahilan kung bakit maraming mga babae ang nahuhumaling sa kanya at kagaya ng sinabi niya ay humihingi ng second time. “Nakita mo ba ang hinahanap ng boss mo?” tanong ni nanay. Oo nga pala,“Hindi ho eh,” sabi ni Maximus na nakasunod na sa akin ng hindi ko namalayan. “Baka po si Manang Lisa ang nakapag tabi.”“Manang Lisa?” usisa ni tatay na kakagaling lang sa kusina. “Opo, tay. Kasama po namin siya dito sa bahay din. Kaya lang po sa ngayon ay kailangan siya ng manugang niyang bagong panganak kaya wala po siya dito.” Paliwanag ni Maximus sabay upo sa tabi ko bago ipinatong sa kanyang kandungan ang laptop niya at binuksan iyon. Ano kayang naisip ng manyak na it
SarinaMabilis kaming umayos ni Maximus at pihadong sobrang pula ng aking pisngi. Hindi ko malaman ang gagawin ko habang tahimik lang ang asawa ko. “Magbihis ka Sarina at mag-usap tayo.” Mukhang galit ang nanay ko kaya naman sinikap kong magpaliwanag.“Magpapaliwanag ako ‘nay,”“Ang sabi ko ay magbihis ka!” galit niyang sigaw kaya naman tumango na lang, “Ikaw din Maximus, ayusin mo ang sarili mo,” baling niya sa lalaking tahimik lang sa tabi ko.“Sige po ‘nay.” Hinila na ako ni Maximus ng makita niyang ayos na ako at inihatid sa silid namin.“Ang kulit mo kasi eh!” ang sabi ko sa kanya ng tuluyan na kaming makapasok sa aming kwarto. “Hindi dapat tayo mahuhuli kung hinintay mong makauwi muna sila. Kamanyakan mo,”“Quiet Sarina and get dressed, naghihintay sila nanay.” Kumuha na rin siya ng damit niya pagkatapos niya akong abutan ng damit ko na isinuot ko na rin.“Hindi ko inaasahan na gumagawa ka na ng bagay na hindi dapat, Sarina.” Sabi ni Tatay, na ikinayuko ng aking ulo.“Gusto mo ba
MaximusMay tatlong araw na ng makabalik na sa probinsya ang mga magulang ni Sarina, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagiging boto at concern nila kay Jason. Ang kaalamang inilalagay nila ang aking asawa sa kamay ng lalaking iyon habang nandito siya ay masakit para sa akin kahit na alam ko rin na hindi nila alam na mag-asawa na kami ng anak nila.Hinding hindi rin mawala sa isip ko ang mabilis na naging pagtanggi ni Sarina ng tanungin siya ni tatay kung gusto na ba niya ako. Masakit iyon para sa akin dahil mahal ko siya. Pero hindi ko kayang aminin iyon sa kanya ngayon lalo’t alam kong wala siyang pagtingin sa akin. Hindi sa pagiging segurista, pero may pride din naman ako.Yung mga maliliit na bagay na nagiging tuksuhan naming mag-asawa ay talagang chine-cherish ko. Lalo na kung nakikita ko ang pamumula ng kanyang pisngi na tila ba hindi pa rin siya nasanay sa akin kahit na ilang buwan na kaming nagpapasasa sa kandungan ng isa’t isa. Kung hindi man ako maha
Sarina“Ayaw ko nga kasing sumama bakit mo ba ako pinipilit?” ang tanong ko kay Maximus. Kinukulit kasi ako nitong aalis kami papuntang Las Vegas.“Bakit nga ayaw mo?” ang tanong niya.“Makulit, takot nga ako sa eroplano! Nasabi ko na yan sayo di ba?” “Kasama mo naman ako, anong ikinatatakot mo? Tsaka di ba nag eroplano ka nung umuwi ka ng Catanduanes?” Oo nga ano?“Eh iba yon, dahil saglit lang nasa ere, ibang usapan na kapag international flight.” Nakita ko ang pagbuga niya ng hangin, siguro ay iniisip niya na napaka unreasonable ko. Kaya lang ay nakakatakot talaga kapag matagal na nasa himpapawid. “Paano kung biglang mag plane crush? Syempre una mong ililigtas yung sarili mO tapos yung magandang babaeng makikita mo lalo na ang mga flight attendant na ang sesexy!”“Seriously Sarina? Naiisip mo ang mga bagay na yan?” ang parang nauubusan ng pasensya niyang tanong. Bakit, masama bang mag-isip ng ganun? Eh sa totoo naman ang sinasabi ko.“Malay ko ba, hindi mo masasabi. Alam ko kung ga