Share

Chapter 1 E-mail and New Client

IT’S just another ordinary day for Kelly, with nothing to care about or do, and boredom is killing every inch of her. Not until she received an e-mail from an unknown individual named Mr. Hunter. She went straight to his e-mail.

From: Ian Hunter

Subject: Asking for an Appointment

Date: May 10, 2019, 10:31

To: Kelly Paxman

Miss Paxman,

Good day!

I'd like to schedule a meeting with you at CH Company. Please let me know when you are available so that we can work something out.

Ian Hunter

Her mind was filled with questions. She has no idea why he is requesting an appointment. She has never met him and has no recollection of anyone endorsing or referring her as a surrogate mother. But Mr. Hunter's arrogance in his e-mail hits her, or has she misunderstood it? Hindi niya na lang iyon pinansin at ni-replyan niya na lang para malaman kung ano ang kailangan nito sa kanya.

From: Kelly Paxman

Subject: Available

Date: May 10, 2019, 10:33

To: Ian Hunter

Mr. Hunter, I have some free time. How about right now? What is the purpose of your meeting with me, by the way?

Kelly Paxman

From: Ian Hunter

Date: May 10, 2019, 10:35

Subject: Expecting You

To: Kelly Paxman

I'd rather talk about it in person. I'll be waiting for you here.

Ian Hunter

“Gaano ba ka-confidential ang pag-uusapan namin at ayaw niya pang sabihin thru e-mail?” irita niyang tanong sa hangin.

Binasa niyang muli ang pagpapalitan nila ng messages at kinain siya ng kanyang kyuryosidad tungkol sa pagkatao nito.

“Ian Hunter? CH Company?”

“Ano kaya ang kaugnayan niya sa CH company?”

Dahil sa napuno na naman ng mga tanong ang kanyang utak ay naghanap siya sa web ng impormasyon tungkol sa CH company.

Christian Hunter Holdings and Company, also known as CH Company, is one of the world's leading perfume companies, led by Christian Hunter, who is regarded as one of the most successful and hottest bachelors of his generation by Dorbes Magazine. Mr. Hunter made his own name in the perfume industry at a young age, and it didn't take long for his business to take off.

And, as one of the hottest bachelors of his generation, many women wonder if he is hiding his girlfriend and simply wants a private life with her. And even if this unconfirmed detail is false, many girls will get excited just to have him. It's a grandiose dream, but they're still hoping that one day they'll be the lucky one who can captivate the iron heart of this hottest and most successful bachelor.

She read the entire article about CH Company, but there is no related article about Mr. Ian Hunter other than the fact that he shares the same surname as the head of the CH Company.

“Baka kapatid siya ng may-ari?” usal niya.

Isinara niya na ang laptop niya at mukhang wala naman siyang mapapala. Naghanap na lang siya ng maayos na maisusuot para sa pakikipagkita niya kay Mr. Hunter. Simple at presentable. Mukhang kakaiba pa naman ang pag-uugali ng lalaking iyon. Hindi niya alam pero pakiramdam niya may angking kasupladuhan at ma-awtoridad ang lalaking iyon. Ang mga salita nito ay makapangyarihan at kinakailangang masunod.

“Ano bang malay ko? Baka naman mali lang pagkakaintindi ko sa kaniya.” May pag-aalinlangan sabi niya sa kanyang sarili.

“Shit! Nagmumukha akong baliw sa lalaking iyon,” napabulalas niyang sabi sa hangin habang kausap ang sarili.

Klinaro niya ang kanyang isipan at itunuon niya na lang ito sa pag-aayos ng kanyang sarili. Maya pa ay mahuli pa siya at makita niya nang tuluyan ang tunay niyang pag-uugali.

Nang matapos na itong mag-ayos ay agad siyang nagtungo sa CH company. Gaya ng mga naririnig at nakasulat sa mga artikulo ay kitang-kita niya kung gaano kalaki ang kompanyang kinabibilangan ni Mr. Hunter. Talagang kamangha-mangha ang naipundar ni Christian Hunter para sa industriyang ito. No wonder kung bakit umabuso si Ian, mayaman ang pamilya nila at successful pa ang kuya niya. Pumunta ito sa lobby at nagtanong sa front desk.

“Good morning, Madam! “How may I assist you?” tanong ng clerk.

“I have a meeting with Mr. Ian Hunter,” sagot niya.

“Wait a minute, Madam,” anito at saka may tinawagan sa telepono.

Nang makumpirma nito ang kanyang appointment kay Mr. Hunter ay itinuro nito sa kanya ang patungo sa opisina nito na nasa ika-walong palapag ng gusaling ito. Sumakay siya ng elevator at hinintay na makarating ito roon. Saktong pagbukas ng elevator ay bumungad sa kanya ang opisina ni Mr. Hunter na tanging salamin lamang ang naghihiwalay sa labas. Kitang-kita ang maaaring gawin at magiging kilos ng binata roon mula sa labas pati na rin ang magandang kabuuhan ng siyudad at ang napakalawak na lawa na nakapalibot dito.

“Siguro, napakaganda rito pag-gabi,” namangha niyang sabi sa sarili.

Iginala niya ang kanyang mga mata para hanapin nito ang kanyang katatagpuin ngunit bigo siya na makita ito. Naagaw ang kanyang atensyon ng upuang nakatanaw sa kabuuhan ng siyudad.

“Malamang siya na ata ito,” paghihinala niyang sabi  sa kanyang sarili.

Kumatok siya sa salaming pinto at awtomatiko itong bumukas na animo'y may sariling buhay.

“Woah! Electronic operated!” mangha niyang sabi sa kanyang isipan.

As soon as she entered Mr. Hunter’s office, she feels an electricity running all over her body that made her body shivers.

“Malamig lang ba talaga o talagang may kakaibang awra sa opisinang ito?” tanong niya sa kanyang sarili.

Agad niyang itinuon ang kanyang paningin sa taong nakaupo sa swivel chair na biglang humarap na sa kanya.

“Miss Paxman?” tanong nito na may pagsusuring mga tingin sa kanya.

“Holy crap!”

Sa sandaling pagharap nito, pakiramdam niya nalaglag ang kanyang panty sa sahig dahil sa makalaglag panga nitong pangangatawan at angking kagwapuhan. Hindi man ito nakahubad sa kanyang harapan ay bakat pa rin ang magandang pangangatawan nito lalo na sa suot nitong puting long sleeves. Hindi na siya magtataka kung bakit maraming nagkakandarapang babae rito at patuloy nangangarap at umaasa kahit na imposible. Sino nga ba hindi pagpantasyahan ang nakagandang Adonis na ito? Katawan pa nga lang katakam-takam na paano pa kaya ang pagkalalaki nito? Idagdag pa ang limpak-limpak na salapi na kinikita niyo sa kanyang sariling kompanya. Kaya siguro hindi ito makita sa kahit na anong litrato ay dahil ayaw niyang mahayag ang kanyang kagwapuhan at baka gamitin pa ito bilang kasangkapan sa gayumang maaaring gamitin sa kanya.

“Ay! Ano ba itong iniisip ko?” natatarantang saad ni Kelly sa kanyang sarili.

Kinalma at inayos niya ang aking sarili bago muling humarap sa katakam-takam na lalaking nasa kanyang harapan.

“I’m Christian Hunter,” pakilala ng mala-diyos na lalaking nasa kanyang harapan.

“Ha? Siya si Christian Hunter?” gulat at hindi niya makapaniwalang sabi sa kanyang sarili.

Iginala niya ang kanyang mga mata para mapatunayang ito nga talaga si Christian Hunter at doon ay nahigilap ng kanyang mga mata sa desk nito ang nameplate na nasa ibabaw ng mesa nito.

“Double crap!” napamura niyang sabi sa kanyang isipan.

“Assist yourself in getting comfortable,” he says, pointing to the couch on the side.

Hindi niya alam pero ramdam niya talaga ang pagka-arogante ng lalaking ito. G’wapo nga ito ngunit hindi gaano kaganda ang kanyang pag-uugali. Hindi na lang pinahalata ni Kelly sa binata ang bahagyang pagkairita at ang pagkadismaya rito sa pag-uugali nito. Naupo na lang ito gaya ng sabi ng binata.

“I won’t make this conversation long, I want you to carry my child,” walang paligoy-ligoy nitong saad.

Nagulat si Kelly sa kanyang narinig. Oo maaaring iyon ang kanyang trabaho ngunit hindi niya alam kung maiinis ba siya sa pagiging matahas nito o hindi? Hindi rin naman na bago sa kanya ang ganitong uri ng negosasyon ngunit umaasa siya na kahit papaano ay bibigyan siya ng kahit respeto man lang kahit hindi sa kanyang pagkababae kun’di bilang isang empleyado o kahit sa pagiging tao niya man lang.

“Parang wala naman pagkatao ito, lalaking 'to. G'wapo sana wala naman manners,” aniya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang binata.

Napahinga ito nang malalim at ikinalma ang kanyang sarili, hindi niya kailangan makaramdam ng kahit na anong sama ng loob sa taong ito dahil gusto niya lang magkaroon ng anak. Inisip niya na lamang na mapalad siya dahil may kakayahan siyang manganak at makabuo ng anak hindi tulad ng iba. Napahinga itong muli nang malalim at inayos ni Kelly ang kanyang sarili bago humarap kay Mr. Hunter.

“I was not informed, Sir, that this meeting is related to that type of matter,” seryosong pagtatapat niyang sabi.

“That is why I have scheduled a meeting with you to discuss it in person. I don't want to discuss this particular matter via e-mail,” pagpupuntong saad ni Mr. Hunter.

Pinagmasdan niya nang mabuti ang binata, wala talaga itong balak na baguhin ang tono ng kanyang pananalita para maging maganda at kaaya-aya man lang ang pakikitungo nito sa kanyang kausap.

“I'm going to take that as a yes for this proposal,” anito habang nakatitig kay Kelly na nanatiling kampante at buong-buo ang composure.

Ganito na lang ba kataas ang kumpyansa nito sa sarili na makuha nito ang lahat ng gusto niya? Ganito ba ang epekto ng mga natatamasa niyang salapi kaya ganito siya umasta? Ito ang mga tanong na naglalaro sa isipan ni Kelly habang nakatuon ang kanyang tingin kay Mr. Hunter. Ngunit hindi gano'n kadali ni Kelly ibibigay kay Mr. Hunter ang kanyang sagot kailangan niyang malaman ang rason nito bago siya umoo sa proposal nito sa kanya. Maaaring labas na ito sa usapan at hindi niya na kailangan na malaman ang mga ganitong rason ang mahalaga ay ang bayaran siya ngunit may kung ano sa pagkatao ni Mr. Hunter ang hindi makapagpalagay sa kanyang isipan at sa kanyang sarili.

"Why me?" Unconsciously, she blurted out.

Curiosity devoured her inner thoughts. She'd like to know why he chose her over other surrogates.

“Why? It’s your job. Is there any reason why should to hire you?” With annoyance, he answered.

It hits her. He’s right. Ano pa nga ba ang rason kung bakit siya ang pinili? Iyon ay ang dalhin ang magiging anak niya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa lalaking tulad niya? Walang matinong lalaki ang papatol sa isang babaeng binabayaran para magbuntis sa ibang tao. Halos wala siyang pinagkaiba sa ibang bayarang babae na handang magbigay aliw at pansamantalang kaligayahan kapalit ng salapi.

“I did a thorough background check on you. You don't have any criminal records or anything else that would disqualify you from carrying my child. Furthermore, your gene appears to be superior to others, and you are not new to this type of job, so I anticipate your professionalism,” he said directly.

Hindi na nabigla si Kelly sa basic procedures na ginawa nito para kumuha ng isang surrogate lalopa’t gusto niya makakuha ng maayos na magdadala ng anak niya. He has standards and I can’t argue with him that.

“May I ask you a question, Sir?” lakas loob ni Kelly na tanong.

“Miss Paxman, your body appears to be full of curiosity.” Dahilan para tumaas ang isa nitong kilay.

“Please accept my apologies if I have done so. I just want to know so that I can clear my mind,” diretsang sagot ni Kelly.

“Then let's get this straight,” saad ni Mr. Hunter.

"Is this the reason you want me? Because your wife is unable to give birth?” walang kagatol-gatol na tanong ni Kelly kay Mr. Hunter.

“I don't have a wife because I'm not in that kind of relationship and don't want to be.”

“How come?” she blurted out of her curiosity dahilan para mapamura ito sa kanyang sarili.

Shit! Bakit ba puno ako ng tanong tungkol sa kanya? Baka lalo pa ito mairita sa akin at hindi na ako ang kunin niyang surrogate sayang ng pera!

Tinignan ni Kelly si Mr. Hunter sa mga mata nito at naghihintay siya ng sagot nang sandaling iyon, pero hindi niya alam kung namalikmata lang ba siya o nakita niya talaga na mayroong pait sa mga mata nito? Ngunit, agad din itong nawala dahil sa mabilis nitong ikinumpas ang sarili niya.

“I believe it is too far for a surrogate to know, and we are not close enough to tell you everything about me, particularly my private matters,” he said in monotonous voice.

Ano ‘yon?

“Miss Paxman,” he said, piqued her interest.

She snapped out of her reverie and turned to face him. He's still staring at her, waiting for her response.

“Where can I find the contract I need to sign?” pagbabago ng topic ni Kelly dahil sa tension na pumupuno sa buo nilang paligid.

“I'll take that as a yes to my proposal. Let's see what happens tomorrow; I'll have the contract ready by then. “I'll also e-mail you the location where we should meet,” he added.

“All right, Sir. Then I'll leave,” mabilis niyang paalam.

Tumayo si Kelly at inaabot ang kanyang kamay kay Mr. Hunter.

“I look forward to seeing you,” maikling saad ni Mr. Hunter.

Ngumiti na lang si Kelly bilang tugon at naglakad na palabas ng opisina ni Mr. Hunter.

NAKARATING si Kelly sa kanyang bahay ng hindi niya namamalayan. Laking gulat niya na lang na nakauwi na pala siya.

“Darn! Ano bang nangyayari sa akin?” gulong-gulo niyang tanong sa kanyang sarili sabay sabunot sa kanyang buhok.

Hindi niya alam kung anong ginawa sa kanya ni Mr. Hunter. Nang sandaling nagka-usap sila ay parang nahipnotismo siya nito dahilan para mawala sa kanyang sarili.

“Hindi kaya nabudol niya ako?” nanlalaking matang tanong niya sa kanyang sarili.

Naalala niya na naman ang nakita niya sa mga mata ni Mr. Hunter nang sandaling iyon. Iglap lang iyon pero kitang-kita niya ang pait at sakit sa mga mata ni Mr. Hunter. At nagsimula na naman binalot ng kuryusidad ang kanyang katawan.

Ano ba ang tunay na pagkatao ni Christian Hunter? Ano ba ang tinatago niya? Bakit kailangan niya ng anak kung wala naman siyang asawa o girlfriend? Iyon ang ilan sa tanong nagsimulang magsilitawan sa kanyang isipan.

“Shit! Siya lang ang naging kliyente ko na ginasta masyado ang utak ko sa kaiisip sa mga dahilan niya!” nanggigigil niyang sigaw.

Buong araw siyang parang baliw ng dahil kay Christian Hunter. Isang g’wapo, matipuno, arogante, at supladong negosyante na gusto magkaroon ng anak sa hindi malamang dahilan at ayaw mag-asawa.

“Makatulog na nga lang baka tuluyan pa akong mabaliw sa Christian Hunter na ‘yan!” naiirita niyang wika at pilit na ipinikit ang kanyang mga mata.

Matutulog na sana siya ng biglang tumunog ang laptop niya kaya tinignan niya ito. May natanggap siyang e-mail kaya binuksan ito at tinignan ito kung kanino ito galing. Nang buksan niya ito ay bumungad sa kanya ang pangalan ni Christian Hunter.

“Kanino pa nga ba manggagaling?” inis niyang sabi na may nanliliit na mga mata.

From: Ian Hunter

Subject: Schedule

Date: May 10, 2019, 20:07

To: Kelly Paxman

8 a.m. on Marygold St. in Californian Heights.

“Ano ba ‘yan? Hindi talaga siya marunong makiusap. Napaka-arogante talaga ng lalaking ito! Bakit ba kasi pumayag ako na tanggapin ang proposal niya?”

Sa sobrang inis ay sinara niya ang laptop at pinilit niya ang kanyang sarili na makatulog para makakawala sa hipnotismong ginawa ng napakag'wapong nilalang na kanyang nakilala sa araw na ito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Debbie Mann
the whole story needs to be in English, to hard to follow like it is,can't read it. too messy.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status