Share

Chapter 2 Nut crack way to him

LAKAD NANG LAKAD, walang humpay na paglalakad tila ba’y wala ng katapusan ang ginawa ni Kelly habang tinatahak niya ang madilim na daan. Napakalayo na ng kanyang nalakad ngunit napakalayo pa bago niya tuluyang marating ang daanang may liwanag. Sobrang dilim ng daang nilalakaran niya dahilan para magsimula siyang makaramdam ng anxiousness na unti-untong lumalamon sa natitirang katapangan niya sa kanyang katawan. Dahil sa kagustuhang makaalis na sa kadilimang 'yon ay mabilis siyang tumakbo patungo sa liwanag na nasa dulo ng daang kanyang tinatahak. Gusto niya nang umiyak at sumigaw nang sandaling iyon ngunit ipinagpatuloy niya ang pagtakbo kahit pikit ang kanyang mga mata  hanggang sa makarating siya sa liwanag na siyang lumamon sa kanyang pananaw. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay may naaninag niya ang isang pamilyar na tao kung saan binabalot ng matinding liwanag dahilan din na mahirapan siyang makita ito nang malinaw. Sinubukan niyang sumigaw para humingi ng tulong sa taong kanyang naaaninag ngunit walang tinig ang lumalabas sa kanyang lalamunan. Pilit niyang sumigaw ngunit walang boses talaga ang lumalabas sa kanyang lalamunan buti na lang ay lumingon ang taong gusto niyang tawagin. Ngunit laking gulat niya ng makita niya kung sino ang babaeng iyon.

“Mama…” mahina niyang usal.

Ang babaeng gusto niyang hingian ng tulong ay ang kanyang ina pala. Mas lalong bumuhos ang kanyang luha ng makita niya ang kanyang ina, may tuwa sa kanyang puso nang sandaling iyon. Ngunit naglaho ang mga ngiti sa labi ni Kelly nang unti-unting tumalikod sa kanya ang kanyang ina at naglakad papalayo sa kanya. Sa takot na muling iwan siya nito ay mabilis niyang inihakbang ang kanyang mga paa at tumakbo papalapit sa kanyang ina na papalayo. Binilisan niya pa ang kanyang pagtakbo, hindi na siya muling makakapayag na iwan siyang muli ng kanyang ina.

“Ma! H’wag mo akong iwan!” Pagpigil sa kanyang ina, ngunit tila wala itong narinig at tuloy-tuloy lang sa paglakad papalayo sa kanya.

“Ma!” muli niyang sigaw.

Ngunit kahit anong paghabol ang kanyang gawin sa kanyang ina ay hindi niya ito mahabol, maabot. Pakiramdam niya the more na habulin, abutin niya ang kanyang ina ay the more na lumalayo ito sa kanyang mga kamay at tanaw. Nakarating siyang muli sa isang liwanag na tuluyang lumamon sa kanyang paningin.

“Ma!” naluluha niyang bulalas kasabay ng kanyang pagbalikwas sa kanyang pagkakahiga.

Habol ang hiningang nakaupo siya sa kanyang kama at nakatingin sa kawalan habang inaanalisa ang kanyang napanaginipan. Ilang araw ng ganoon ang kanyang panaginip. Lagi niyang napapanaginipan ang panahong bigla na lang siyang iniwan ng kanyang ina at tuluyang naglaho sa kanyang buhay sa hindi niya malamang dahilan. Hindi niya rin alam kung na saan na ba ito o kung buhay pa ba ito. Naalala niya ang mga sandaling lagi niyang hinahanap ang kanyang ina. Dahil sa pagkawala ng ina niya sa kanyang tabi ay kinailangan niyang buhayin ang kanyang sarili para patuloy na mabuhay. Hindi niya alam kung saan niya hahagilapin ang kanyang ina. Hindi niya rin alam kung nasaan ang kanyang ama sa kadahilanang matapos na mabuntis ang kanyang ina ay inabanduna na sila nito na ayon sa kanyang ina. Wala siyang ibang mahihingian ng tulong kun'di ang kanyang sarili.

Napahugot siya nang isang mahinang buntong-hininga at sinubukang pakalmahin ang kanyang sarili. Pinagmasdan niya ang magandang tanawin sa labas ng kanyang bintana.

“Napakaganda ng umaga,” sambit niya habang ninanamnam ang magandang tanawin sa kanyang bintana.

Narinig niya ang mga huni ng mga ibon sa mga puno na rinig sa kanyang bintana. Ang malamig na simoy ng hangin na yumayakap at nagpapakalma sa kanyang isipan.

“Aah! Ang sarap talaga dito buti ito ang pinili ko kaysa bumili ng condominium. Hindi ko sana mararanasan ang umaga na napakaganda,” nakangiting niyang sambit sa kanyang sarili.

Lumabas siya ng bahay at naupo sa duyan na dahan-dahan niyang iniugoy. Kasabay ng ihip ng hangin ay ang pagtangay nito sa halimuyak ng mga bulaklak na namumukadkad sa paligid ng kanyang maliit na garden. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para mas lalong damhin ang sariwang paligid at bigla-bigla na lang ay napangiti ito nang mapait.

“Sana nandito kayo,” mahina niyang usal at isang mapahangas na luha ang bumagsak sa kanyang pisngi.

Bigla niyang naidilat ang kanyang mga mata at agad na pinunasan ang kanyang luha.

“Ano ba ‘yan? Ang ganda-ganda ng umaga masisira pa,” anas niya sa kanyang sarili at pilit na pinakalma ang kanyang sarili sa pag-iyak.

Matapos ang ilan pang pagmamasid, napagpasyahan niyang pumasok na sa kanyang bahay para maghanda ng kanyang makakain. Pagkapasok niya ay napatingin siya sa orasang nasa dingding at nakita niya na pasado alas-syete na pala ng umaga.

“Alas-syete na pala, masyado akong nalibang,” aniya sa kanyang sarili.

Isasara niya na sana ang pinto nang biglang may naalala ito.

“8 a.m. on Marygold St. in Californian Heights.”

Bigla itong napaiktad sa kanyang pagkakatayo nang um-echo sa kanyang tainga at isipn ang boses ni Mr. Hunter. “Oh my! Nakalimutan ko!” bulalas niyang sabi.

Dali-dali siyang pumunta ng kanyang k'warto para maghanap ng masusuot at dali-dali na nagtungo sa banyo para makaligo.

“Shit! Patay ako nito kay Christian!” nangangambang at nagmamadaling anas niya.

Binilisan niya ang kanyang pag-aayos, wala ng sapat na oras para magpapatay-patay pa siya. Mahuhuli na siya at hindi niya alam ang maaaring gawin sa kanya ni Christian kapag nangyari iyon. Hindi niya pa lubos na kilala ang buong pagkatao nito kaya nilalamon siya nang matinding anxiety habang halos hindi na ito magkandarapa sa pagmamadali.

Muli itong napatingin sa orasan at dalawampu’t-limang minuto bago mag-alas-otso at hindi pa rin siya nakakapag-ayos.

“Shit!”

Hindi niya na inisip ang itsura niya. Ang importante ay nakaligo na siya at maayos na ang kanyang pananamit. Hindi naman malaking problema sa kanya ang paglalagay ng make-up gawa ng hindi naman siya naglalagay ng kung ano-ano sa kanyang mukha. Bb cream, konting concelear, mascaraz eyeliner at lipstick lang naman ang nilalagay niya. Dali-dali siyang lumabas ng bahay at nag-abang ng cab. Mabuti naman at sinuswerte pa siya at agad siyang may matanaw na cab na paparating at dali-dali itong pinara.

“Manong, Marygold St., Californian Heights,” sabi niya pakatapos niyang makaupo.

Agad niyan hinanap ang suklay sa kanyang bag para maayos ang kanyang buhok ngunit napatigil ito ng pakiramdam niyang nakatingin sa kanya si Manong driver.

“Manong, please paandarin niyo na po. Patay ako sa amo ko kapag nahuli ako. Huwag niyo na lang po akong intindihin dito, magmaneho lang po kayo,” aniya at pilit niyang binigyan ito ng ngiti.

Sa wakas ay sinimulan na rin ni Manong paandarin ang cab at habang naman nasa biyahe ay agad naman itong nag-ayos para magmukhang maayos at presentable sa pagmumukha ni Christian.

Nailang siya sa mga tingin ni Manong driver sa kanya sa rear mirror nito, hindi tuloy siya makapag-concentrate sa pag-aayos. Kung hindi lang sana siya masyadong nalibang ‘di sana hindi ganito ang nangyari, iyon ang sabi niya sa kanyang sarili habang patuloy sa paglalagay ng make-up sa kanyang mukha. Napatingin siya sa kanyang relo at ilang minuto na lang ay mag-aalas-otso na dahilan para mas lalo siyang makaramdam ng kaba sa kanyang tiyan.

“Patay talaga ako nito baka i-decline niya na lang ang proposal niya sa akin dahil sa pagiging late ko,” nag-aalalang sabi niya sa kanyang sarili. “Sayang din ang ibabayad sa akin 'pag nagkataon,” aniya sa kanyang sarili.

Hindi ba ito ‘yong gusto ko? Bakit ba ako nag-aalala kung i-de-decline niya ang kontrata sa pagiging surrogate ko? Hindi ba inis ako sa kanya dahil sa magaspang niyang pag-uugali? Hindi ba mas maganda kung siya ang magtatanggal sa akin sa pagiging surrogate nang sa ganoon ay hindi ko na kailangan pang mag-isip ng iaalibi pa sa kanya. At hindi na rin ako mahihirapan na pakisamahan pa ang pangit niyang pag-uugali. Iyon ang mga salitang tumakbo sa kanyang pasaway na utak.

Napatigil si Kelly sa pagkausap sa kanyang sarili nang maalala niya ang nakita niyang pait at sakit sa mga mata ni Mr. Hunter ng araw na iyon dahilan para matauhan siya. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib. Hindi niya alam pero ramdam niya ang sakit na tinatago niya sa likod nang matigas nitong pagkatao.

“Shit! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ba ako masyadong naapektuhan ng presensiya niya? Anong hipnotismo ang ginawa niya para magkagan’to ako?” naguguluhang tanong ni Kelly sa kanyang sarili.

Muntikan pa niyang sabunutan ang kanyang sarili dahil sa kanyang gulong-gulo na isipan. Ngunit biglang nagsalita si Manong driver rason para manumbalik siya sa kanyang huwisyo. Agad siyang nagbayad at naglakad nang matulin papasok sa isang napakalaking village. Napatigil siya sandali at pinagmasdan ang buong paligid.

“Shit! Ang ganda!” mangha niyang bulalas.

Ninamnam niya ang bawat matanaw ng kanyang mga mata. Labis na kamangha-mangha ang mga kabahayan na naroon, tunay ngang mayaman lang ang maaaring tumira sa mga ganitong uri ng pabahay. At imposibleng mangyari sa isang tulad niya na isa lamang mahirap na tao na kung hindi pa dahil sa kanyang trabaho ay imposible siya makabili ng bahay na siyang tinitirahan niya ngayon. Isang malaking pangarap na lang ang tumira siya sa ganitong uri ng mga bahay. Isang malaking jackpot ang mangyayari kung gugustuhin niyang tumira sa ganitong lugar. Ngunit natauhan siya bigla sa kanyang pagkamangha nang biglang pumasok sa kanyang isipan ang isang tanong.

“Shit! Alin ang bahay niya rito?” bulalas niyang tanong sa kanyang sarili.

Muli niyang iginala ang kanyang mga mata pero wala siyang matanaw na kahit isa man lang taong nasa labas ng pamamahay nila para man lang sana mapagtanungan niya. Kahit kasambahay man lang na naglilinis sa tapat ng bahay ‘e wala.

“Kanino tuloy ako magtatanong nito?” nag-aalala niyang tanong sa kanyang sarili.

Bahagya siyang humakbang ng ilang hakbang habang iginagala niyang muli ang kanyang mga mata sa buong paligid.

“Wala man lang bang guard dito para mapagtanungan man lang?”  palingon-lingong tanong niya sa kanyang sarili. “Bahala na nga!” inis niyang sabi.

Nagsimula na muli siyang maglakad nang bigla siyang nakarinig ng sirena dahilan para mataranta ito.

“Shit! Anong nangyayari? Sa’n nanggaling ‘yon?” tanong niya sa kanyang sarili habang iginagala ang kanyang paningin para hanapin ang pinagmumulan ng pagtunog ng sirena. Hanggang sa may nakita siyang guard na lumabas sa isang hindi kalakihang bahay.

“Ma’am bawal po kayong basta-basta na lang pumapasok sa village ng hindi dumadaan sa identification checking,” saad ng guard na lumapit sa kanya.

Ano bang malay ko na mayroong kaartehang gan’yan dito? Saka paanong hindi ako papasok ng basta na lang ‘e ni anino nga nila hindi ko makita. Kung nagpakita siya ‘e ‘di sana may mapagtatananungan ako saka ano bang malay ko na ni-level up na pala ang outpost ng guard? Aniya sa kanyang loob habang pinagmamasdan ang bahay na pinanggalingan ng guard.

“Pasens’ya na po hindi ko po kasi alam na may ganitong inspeksyon pa pala rito. Hindi naman sa akin nasabi agad ni Mr. Hunter na ganito pala rito. Basta niya na lang akong sinabihan na pumunta ako rito para sa appointment ko sa kanya,” paliwanag niya habang itinatago ang pagtataray na gusto niyang ilabas.

“Malalaman natin ‘yan kung nagsasabi ka ba talaga ng totoo,” ani ng guard sa kanya sabay hila kay Kelly papunta sa isang malaking monitor at nag-face scan sa kanya.

Muli binalot ng kaasiman ang isipan ni Kelly habang sinasagawa ng guard ang identification checking sa kanya. At habang naghihintay siya na matapos ay walang kamatayang pagmumura ang kanyang ginawa sa guard na nasa kanyang harapan sa kanyang isipan. Punyetang guard ito! Ito ba ang mukhang gagawa ng hindi maganda? Isang kriminal? Mukha ng hindi mapagkakatiwalaan? Ito pa talagang mukhang ito? Nakakagigil ang guard na ito! Sarap sapakin at sipain!

Kahit sobrang nanggagalaiti na siya sa inis ay sinunod niya na lang ang guard at nakangiti lang kahit punong-puno iyon ng pagpapanggap. Naghintay siya ng ilang minuto para makumpirma ang kanyang identity.

“Sir, nagsasabi nga siya ng totoo. Siya nga ang hinihintay ni Mr. Hunter ngayong umaga,” pagkumpirma ng batang guard na nasa harap ng computer saka ito humarap kina Kelly at sa medyo matandang guard at inayos ang kanyang suot na salamin.

“Pasens’ya na, Ma’am, sa pagsusungit na ginawa ng matandang ito. Hayaan niyong ihatid kita sa bahay ni Mr. Hunter,” nakangiting sabi ng batang guard sa kanya.

“Hindi ako nagsusungit at huwag mo nga akong matawag na matanda! Ama mo ako!” galit na bulyaw ng matandang guard sa sinasabi niyang anak at sabay na kinutusan.

“Pa! Sa bahay lang kita ama pero ‘pag nasa trabaho tayo ibang usapan na ‘yon! Magkatrabaho na tayo! Pantay lang tayo,” pagrarason ng kanyang anak habang hinihimas nito ang pinagkutusan ng ama. Napangiti si Kelly ng simple sa diskusyon ng mag-ama.

“Ikaw na bata ka masyado kang marason! Mabuti pang ihatid mo itong bisita ni Mr. Hunter at baka makatikim ka uli sa akin,” utos nito sa kanyang anak at saka pinagtulakan at sinipa ang anak palabas ng bahay.

“Ano ba, pa? Hindi mo naman kailangang ipagtulakan at sipain! Tao ako at anak mo ako!” nakangusong sabi ng anak.

“Kaya bilisan mo na nang hindi tayo malintikan kay Mr.Hun—”

“Talagang ihahatid ko si Ms. Paxman at ayoko rin naman na pareho tayo mapagalitan ni Mr. Hunter,” sabal na sabi ng anak sabay ayos ng kanyang sarili.

“Mabuti at alam mo ang mangyayari sa atin kung ganoon, kaya bilisan mo na,” utos ng kanyang ama at muking tinulak ang kanyang anak.

“Oo na,” walang kabuhay-buhay na tugon ng anak.

May dinukot sa kanyang bulsa ang batang guard na tila isang car key. Pinindot niya ito matapos noon ay nakarinig ako ng pagpito ng kotse at ingay ng mga gulong. Ilang segundo lang ay biglang pumarada sa aming harapan ang isang puting kotse.

“Shit! Ganito na ba ka-garbo ang mga guard ngayon? One click away at kusang tatakbo ang kotse sa’yong harapan kahit walang drayber?” nanlalaking mga matang bulalas ni Kelly sa kanyang isipan.

Iba rin talaga kapag mayaman halos lahat ng bagay sa kanila ay walang imposible. Iba rin talaga ang nagagawa ng pera. Bahay, pagkain, luho at kung ano-ano pang bagay na nanaisin ay mabibili lang talaga ng pera. Pera ang nagpapaikot sa buhay ng tao. Iyon ang nasabi ni Kelly sa kanyang isipan habang umiiling at tinititigan ang kotseng nasa kanyang harapan.

“Sakay na po, Miss Kelly,” magalang na anyaya ng batang guard.

Ikinumpas ni Kelly ang kanyang sarili saka ngumiti na lamang bago siya sumakay ng kotse. Dali-dali ngunit maingat siyang sumakay at baka makadisgrasya siya at hindi niya kakayanin ang umabono ng malaking halaga dahil isa rin siyang hikahos kaya nga siya nagtatrabaho. Nang makasakay na siya ay mabilis na pinaandar ng batang guard ang makina ng kotse at nagsimula ng magmaneho. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ni Mr. Hunter dahil madali naman silang nakarating kaagad ni hindi nga iyong umabot ng isang minuto.

“Sana naglakad na lang kami ang lapit lang naman pala,” sa loob-loob na sabi ni Kelly nang makaparada ang kotse sa isang malaking bahay.

Nasa tapat na sila ng bahay ni Mr. Hunter at hindi talaga maikakaila na isa talaga siyang mayamang tao. Halos malaglag ang panga ni Kelly ang bahay ni Mr. Hunter sa labas pa lang ng bahay ay sobrang kamangha-mangha na paano pa kaya 'yong buong kabahayan? Lahat naman ng bahay sa village na ito ay maganda pero siya lang ang natatanging bahay na gawa sa tinted glass ang buong kabahayan.

“Iba rin talaga kapag mayaman,” mahinang usal ni Kelly.

Muli, humugot siya nang isang malalim na hininga bago niya tuluyang pinindot ang doorbell. Biglang namang may nagsalitang babae sa intercom matapos niyang mag-doorbell ng dalawang beses.

“Please look at the camera for your identification scanning,” saad ng boses babae sa intercom.

Napanganga na lang si Kelly sa kanyang narinig. Grabe! Ganito ba talaga sila kahigpit sa mga taong papasukin nila sa village na ‘to? O sadyang sigurista talaga itong lalaking ito? Hindi siya makapaniwala sa tindi ng security system sa village na 'yon.

At dahil sa wala naman siyang magagawa ay sinunod niya na lang babaeng nagsalita sa intercom. Tumingin siya sa monitor at may ilang random faces ang lumitaw dito habang nag-i-scan ito hanggang sa may nag-match sa mukha niya.

“Identity confirmed. Kelly Paxman, Mr. Hunter’s appointment.”

Matapos noon ay bumukas na ang gate at nang makapasok si Kelly ay kusa na rin itong nagsara.

“Gate locked.”

“Grabe!” Iyon na lang nasabi niya na may labis na pagkamangha.

Nagsimula na siyang maglakad papasok ng bahay ni Mr. Hunter at doon niya nakita ang binata, nakatayo sa main door at malalim ang tingin sa kanya. Bigla naman siyang nakaramdam ng kaba dahil sa alam niyang huli na siya sa sinabi nitong oras.

“You're running late,” matipid na sabi ni Mr. Hunter.

“So—"

Hindi niya na naituloy ang kanyang paghingi ng dispensa at magiging paliwanag dahil mabilis siyang tinalikuran at naglakad papasok ng bahay.

“Arrogance!” mahina niyang anas na may malalim na paghinga.

Sumunod na lang siya sa binata papasok ng bahay hanggang sa makarating sila sa sala.

“Since you're late, let's get right to the point. Here is the contract for you, as the vessel for my child,” diretsang sabi ni Mr. Hunter sabay abot sa kanya ng nakahandang kontrata.

Bahagyang napataas ng kilay si Kelly sa pagkakasabi ng binata sa kanya ng “as the vessel for my child”.

Anong akala niya sa akin bagay? Tao ako at hindi isang operated robot na para pagsalitaan niya na parang sa akala niya ay wala akong pakiramdam. Pagwawalang sabi ni Kelly sa kanyang isipan na halos gusto niya ng saktan ang binatang nasa kanyang harapan.

“All of my conditions are there, so assist yourself in comprehending the contents. Please let me know if you have any additional terms.” Dagdag pa nito habang abala sa pag-aayos ng kanyang cupplings.

Napataas na ng tuluyan ang dalawang kilay ni Kelly dahil sa aroganteng pakikitungo ni Mr. Hunter sa kanya.

“G’wapo sana kaso napaka-arogante!” Sa isip-isip niya na may labis na panggigigil.

“First, Mr. Hunter, I'll read the contract.” Iyon ang panimulang saad ni Kelly kay Mr. Hunter simula ng makapasok siya sa bahay nito.

“I assume you already agree with what we discussed yesterday,” nakakunot-noong sabi ni Mr. Hunter.

“I believe I should review the contract before accepting this contract,” sagot ni Kelly kay Mr. Hunter.

Binigyan ng mapanuring tingin ni Mr. Hunter si Kelly bago nagsalita. “All right, if that's what you want. I anticipate that your response will be favorable to me.”

“I'll let you know as soon as I finish it if the contract isn't too difficult to manage. "Sure, I'll take it,” pagkukumpirmang sagot ni Kelly.

“And so it comes to an end. I have to leave. Tyler will transport you home,” saad ni Mr. Hunter na wala man lang kakari-cariño kay Kelly.

Matapos noon ay may tinawagan siya sa telepono. Hindi na umimik si Kelly at sumabay na siya sa paglabas ng binata lalopa't naubos ang energy niya kakamadali at sa pagtitimpi niya sa kanyang sarili na hindi makapagsalita na maglalagay sa kanya sa alanganin. Nakita niya ang dalawang kotse na pumarada sa harap ng bahay ni Mr. Hunter, isang matte black at ‘yong puti na sinakyan niya kanina.

“I'll leave her to you, Tyler,” ani nito bago tuluyang sumakay sa kotse at pinaharurot iyon paalis.

Napanganga na lang si Kelly na may labis na pagkadismaya sa pag-uugali ng binata. Grabe!

“Miss Kelly, sakay na po kayo. Ihahatid ko na po kayo sa bahay niyo,” nakangiting wika ni Tyler, ang binatang guard kanina.

Naibaling ni Kelly ang kanyang atensyon kay Tyler at binigyan ito ng ngiti nang bigla siyang mapatingin sa hawak niyang envelope ay napahugot siya nang malalim na buntong-hininga. Sumukay na siya sa kotse at maingat naman siyang inihatid ni Tyler pauwi sa sarili niyang bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status