Share

CHAPTER 31

CHAPTER 31

PAGSAPIT ng kinabukasan, sobrang tamlay ng gising ko. Para akong pinagpasan ng isandaang kilo ng bigas dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko, lalagnatin pa ako.

Napagpasyahan kong iligo na lang ang masamang pakiramdam, baka sakaling maibsan no'n ang matamlay kong diwa.

Pagkatapos kong maligo at magpalit ng simpleng maong short na pinaresan ko na lang ng puting t-shirt, ay lumabas na ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko pang nakatayo sa harap ng kitchen counter ang boss ko. Nakatitig ito sa mga kasangkapang nasa harapan n'ya.

Natawa ako ng mapansing hindi nito alam kung ano ba ang unang gagawin.

Samantalang naka-upo naman si Tyron sa high stool malapit sa kinaroroonan ng aligagang pinsan. Nakahalumbaba ito sa mesa with his usual bored look. Tamad na nakatingin sa gagawin ng pinsan.

"You should do something now, 'couz. Tanghali na oh! Maya-maya lang ay bababa na si Dollface. Isang oras ka ng nakatayo d'yan pero wala ka pang naluluto." Bakas ang pang-aasa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status