Share

CHAPTER 82

THIRD POV

Lumipas ang maghapon at nakailang subok si Brenna na tawagan at kausapin si Trevor ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Maghapon lamang siyang nakatambay sa park dahil umaasa pa siyang tatawagan siya ng binata ngunit nabigo siya. Halos wala na rin siyang mailuha pa dahil sa sobrang pag-iyak niya nang umagang iyon. Hindi niya akalain na masasaktan siya ng ganito dahil buong akala niya ay umaayon na sa kaniya ang tadhana.

Hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari sa kaniya ang lahat ng ito. Lahat ng tao na akala niya ay mapapagkatiwalaan niya ay niloloko pala siya. Ang buhay na akala niya ay mapalad siya ngunit tila mas masalimuot pa pala kaysa sa naging buhay ni Emerald.

Wala sa sariling umuwi si Brenna at mapait siyang napangiti nang maabutan na kumakain sa bahay ang kaniyang ina at si Anna. Nang makita siya ni Anna ay agad itong tumayo.

“Mabuti at nariyan ka na. Halika, sabayan mo kaming kumain,” nakangiting sambit sa kaniya ng ginang.

“Nagluto si Tita Anna m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Olive Alfonso Marquez
bat d na po nag update.........
goodnovel comment avatar
Azure moon
baliw na si brenna. like mother, like daughter talaga eh noh. kung alam mo lang Yong totoo na ang mommy mo naman tlga ung mang-aagaw diba? ang mommy naman ni emerald Yong first love ng ama mo at pinakasalan lang ng ama mo ang mommy mo hindi dahil sa love kung di sa kailangan lang.
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
naku trevor kala mo naisahan mo si brenna ayan nasundan ka tuloy at malaman pa na buhay si emerald,,dapat may bodyguard sya sa bahay or ilipat mo masyado kang naging kampante sa sitwasyon ni emerald
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status