Share

KABANATA 11

KABANATA 11: Upper Deck

NALA

Pinabayaan ko lang ang natural kong kulay brown na buhok na liparin ng hangin habang nakahawak ang kamay ko sa glass railing ng yate dito sa front deck. Ang asul na kulay ng dagat lang ang aking nakikita. Wala man lang akong natatanaw kahit isla na pwede naming tigilan.

Alas syete pa lang pero gising na gising na kaagad ang diwa ko. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako ng mahimbing kagabi pagkatapos ng mga nalaman ko. Basta nagising na lang ako wala na si Hugo sa cabin kung saan kami nag-usap pati ang mga gamit niya ay wala na rin roon. Hindi ko alam kung saan siya natulog pero sigurado naman ako na hindi niya ako iiwan dito mag-isa lalo na’t may sugat pa siya.

Natulog siguro siya sa kabilang cabin.

Huminga ako ng malalim nang pumasok na naman sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Hugo kagabi. Marami pa akong tinanong sa kaniya pero lahat ‘yon ay tinanggihan niya nang sagutin kaya wala rin lang naman akong napala.

Dumako ang paningin ko sa floral maxi d
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status