Raphael Linux Yapchengco, para sa kanya perpekto lahat. Matalino siya, mayaman at higit sa lahat gwapo. Pero nagsimulang magbago ang buhay niya nang maging asawa ang si Athalia. Galit na galit siya sa lahat ng kagaguhang nagawa ng asawa niya. Sa loob ng halos limang taon ay nagtiis siya. Iniiwasan si Athalia, dahil kapag nakikita niya ito ay naaalala niya lahat.Pero noong may tumawag sa kanya at sinabing naaksidente ito ay hindi siya naniwala. Akala niya minor injury lang, do’n niya lang narealizd no'ng nakaratay ito at puno ng kung anong bagay na nakakabit sa maliit nitong katawan. Nawala iyong galit niya, napalitan ng awa. Pero no’ng gumising ito at walang maalala, hindi rin siya agad naniwala hanggang sa nakita niya itong nahihirapan.At ngayon, nasa harap niya ang asawa. Nawalan ito ng malay. Napuno ng takot ang puso ni Raphael, kahit pa ay galit siya ay ‘di maiwasan matakot. “Athalia!” natatarantang wika ni Raphael, ilang minuto bago siya kumalma at nag-drive patungo sa ospit
Ilang araw makalipas ang mga nangyari balik sa normal si Tati at Raphael, this time. Raphael found a new secretary. Habang si Tati naman ay balik sa pagigig tambay at nakabuntot kay Raphael. Ang pinagkakaabalahan ni Tati ngayon ay ang pagbabasa ng mga pocket books. Raphael told her that she collapsed, siguro dahil sa sobrang pag-iisip na bumalik ang mga alaala niya. Kaya hindi na niya pinilit na magtanong pa. Kung ano ang meron siya ngayon, iyon na lang ang iisipin niya. Tumunog ang cellphone ni Tati kaya nahinto siya sa pagbabasa, binitawan niya ang hawak na libro at pinulot ang cellphone na nasa mesa.“Who’s that?” si Raphel.Napailing si Tati, “‘Di ko pa nga nabubuksan. Atat ka masyado.”Raphael granted, “Answer that.”Hindi na siya sumagot pa, pinindot niya ang cellphone. It was Raphael’s mother, agad niya iyong sinagot.“Hello, Mom?” aniya saka sumulyap saglit kay Raphael, nang nakita niya itong nakatingin sa kanya ay agad niyang ibinaling ang mata sa ibang direksyon.“Darling!
Bumungad sa kanila ang nagkikinangan na mga chandeliers at palamuti. Napaawang ang labi ni Tati sa pagkamangha. Laki siya sa hirap, nakikita niya lang ang mga ganito sa mga palabas o di kaya sa mga litrato. Naka-abrisiete siya sa braso ng asawa. Wala na siilang nagawa kundi dumalo sa party. Minu-minuto ba naman tumawag ang magulang ni Raphael para i-remind sila na dumalo.Halos mabali na ang leeg ni Tati kakalingon kung saan-saan. It was a formal party, kaya bihis ma bihis si Tati at Raphael. Suot ni Tati ang kulay lavender na dress na hapit na hapit sa katawan niya. May suo rin siyang kwintas— it was a three layer necklace with diamonds. Takot na takot nga siya ng suotin iyon, baka mahold-up kako siya sa kanto.“You, okay?” si Raphael na nakangiti— halatang pekeng ngiti iyon. Hindi kumikinang ang mga mata nito sa tuwa.“Yeah. Ang ganda ha. ‘Di ko aakalain makakadalo ako sa ganitong pagtitipon—”“Really? Pagtitipon?” amusement was all over his place. “Masyadong malalim ang salita mo.
Naiwan si Tati sa balkonahe, si Raphael ay abala sa pakikipag-usap sa pamilya nito. Buti at hindi siya pumatol sa mahaderang asawa ng Uncle ni Raphael. Halata naman na gusto nito si Raphael, pero pasensya na lang at naunahan niya ito. Kaya magtiyaga ito sa uugod na nitong asawa.Malaki ang mansyon ng tiyuhin mi Raphael at marami ring bisita. Hindi lang pamilya kundi may mga kakilala, kasosyo at kaibigan. Kaya hindi na rin siya magtataka kung walang maghanap sa kanya.Nitong mga nagdaang araw ay maayos naman sila ni Raphael. Minsan ay nagtatalo sila pero naaayos naman. Mahabang na ang pasensya ni Raphael pagdating kay Tati. Minsan ay napipika pa rin ito sa kanya pero madalas ay iniintindi siya nito, lalo kapag may sapak siya.Kung ano man ang mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi niya alam. “Oh, kaya papa masangsang ang amoy rito.”Napataas ng kilay si Tati at nilingon ang langaw na bumubulong. Nakita niya ang asawa ng tiyuhin niya, ‘di niya alam ang pangalan nito— sa tingin ni T
“Athalia!” “Ano na naman Mommy?” matabang na wika ni Athalia o mas kilala sa tawag na Tati. Napakurap sa galit si Gabriella Azcona – Yapchengco sa inasal niya, “For God sake, Athalia! Ang asawa mo ay nagpapakasasa sa kandungan ng ibang babae. At ikaw nandito lang at may gana ka pang magpahinga?! Hahayaan mo na lang ba ang kasal niyo na masira ng kung sinong Pontio Pilato?!” Napabuntong hininga si Tati at napapikit nang mariin habang kinakalma ang sarili. Kahit naman anong pagpapaintindi ang gawin niya ay pipilitin pa rin siya nito na habulin ang asawa niya. “Fine, Mom. Nasaan ba ngayon ang magaling kong asawa?” mapaklang wika niya habang tinitignan ang biyenan na aburido ang mukha at stress na stress sa kanya. Mas stress pa ito sa tuwing may kabalbalan na ginagawa ang asawa niya. Humilig siya sa backrest ng sofa at humalukipkip pa siya. Tinasaan siya ng kilay ng kanya ina, “Hindi ka ba natatakot na may pumalit sa pwesto mo, ha?” Napairap siya sa tinuran ng ina, “Sino na naman an
Dumagundong ang malakas na pagbagsak ng mesa ng itaob iyon ni Raphael, nagkalat ang mga gamit, nabasag ang mga baso at natapon ang mga alak. Nawalan ng kulay ang mukha ni Clarise matapos gawin iyon, hindi inaasahan ng lahat na gagawin ni Raphael iyon. Tumayo si Tati at naglakad papalapit ka Raphael at marahas niya iyong sinampal, “I am doing you a favor. All you have to do is fucking cooperate with me! But fuck!” napapikit ng mariin si Tati at kinalma ang sarili, hindi na niya tinuloy ang sasabihin at basta na lang siyang lumabas paalis ng silid. Sa tagpung iyon namutawi sa labi ni Clint ang malapad na ngisi. . . Tila nanonood siya ng isang nakakaaliw na pelikula. Matapos ang tagung iyon ay nakipag-inuman muna si Tati, mayroon kasing mini bar sa hotel kaya doon siya nagtungo. May nakausap siyang mga lalaki kaya medyo gumaan naman ang pakiramdam niya. Kalmado na siya, nagsisi siya sa inasta kanina. Dapat ay mas nagpakumbaba siya pero inuna niya ang emosyon. Napagpasyahan ni Tati na
Halos maningkit ang mata ni Tati sa inis, nang makalabas siya mula sa banyo ay nasa higaan si Raphael. Nakahiga at hubad ang pang-itaas na damit pero nakasuot pa rin ito ng pantalon at medyas kaya napairap siya sa inis. “Raphael!” gigil na wika niya at sinamaan ng tingin ang asawa. “What?” matabang na usal ni Raphael. Umirap siya. “‘You know that I hate it when you do that!” tukoy niya sa hindi pagtanggal ng medyas. “Whatever. And please, stop calling me Raphael.” Kunot ang noo ni Tati, “So? Anong masama do’n pangalan mo naman ‘yon. Anyway, maligo ka na nga!” Sa apat na taon na pagsasama, mabibilang lang sa daliri ni Tati kung ilang beses silang nagsama sa isang silid, kadalasan pa ay nagkapikunan silang dalawa at nilalayasan siya ng asawa. Pumasok sa banyo si Raphael, sinuot niya ang lingerie na regalo ng mother-in-law niya. Napangiwi pa siya nang makita ang sariling repleksyon, mukha siyang malandi. Naglagay siya ng kung anu-anong skin care products sa mukha at katawan. Bumuka
Marahas na kinatok ni Tati ang bintana ng kotse. Tumambad sa kanya si Clarise, ang babaeng mukhang tarsier. Namilog ang mata nang dalawa sa gulat, napaayos ng upo ang dalawa at binaba ni Raphael ang binata. Napailing na lang siya habang pinipigilan ang sariling sabunutan ito, sekretarya ito ng asawa niya. “What the fuck are you doing here?!” mariing usal ni Raphael, sambakol na naman ang mukha nito. “Estorbo!” Umirap siya at tinaasan ng kilay si Clarise na hanggang ngayon ay nakangiti, hindi man lang nahiya ang babaeng malandi. Gusto niyang suntukin ang makapal nitong labi. Halatang hindi lang halikan ang nagawa nung dalawa. And that damn woman is acting more like a wife than Tati. “Ano bang ginagawa mo dito?” napapikit pa si Raphael. “Kumalma ka, Raphael.” Si Clarise, hinimas pa nito ang likod ni Raphael. Napabuga ng hangin si Raphael sa inis, “Anong kailangan mo?” “Raphael, baka may kailangan si Tati sa ‘yo. Baka importante,” pag-aalo naman ni Clarise. “Isama na lang natin siya