Share

KABANATA 9.1

Kahit na magprotesta ay ginagawa niya pa rin kaya nang maulit muli ay hindi na ako umimik pa. Wala ni isang nag-salita sa amin hanggang sa dumating kami sa lagoon. Ang alam ko lang ay kanina pa kumakalabog ng husto ang puso ko.

Pagdating namin ay nagulat ako dahil medyo maraming tao. May nakita pa akong mga pamilyar na mukha at iyong isang barkada ni Leon!

"Leon!" sigaw ng barkada niya nang makita kami.

Tumango lang si Leon dito pagkatapos ay bumaling sa akin. Kanina niya pa naitali ang kabayo at hawak ko na ngayon ang bag. Naglalakad na kami ngayon papunta sa lagoon.

"Let's go," tumango na lang ako at agad na umiwas ng tingin dahil nahihiya pa rin ako.

Sumunod ako sa kanya habang palapit kami sa grupo ng barkada niya. May dalawang babae na parang mas bata sa akin at dalawa ring lalaki na ang isa ay parang mas matanda ng ilang taon at 'yung isa naman ay mas bata rin sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status