Share

CHAPTER THIRTEEN

CHAPTER THIRTEEN

"Sorry Pa." saad ko habang nakayuko.

"Don't be. It was my mistake. I lied." sagot niya at hinawakan ang kamay ko.

"Natakot lang talaga ako. Losing mom and Candice is traumatic enough para pagbawalan ka to search for the cure."

"Naiintindihan ko. I know everything you acted that night was reasonable. Afterall ako ang dapat mag sorry."

"No. I understand you as well."

"Thank you."

"And Pa, hindi na ako makikialam kung gusto mo gumaling at tapusin ang bipartite souls case mo. Just promise me one thing."

"Anything Cindy." papa answered teary eyed. I could see his desire to be cured and that broke me inside.

"Please be safe." I said as I looked directly in his eyes and my voice cracked.

"I will." saad niya at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya.

"Be safe hanggang sa maging financially stable ako."

"I will."

"Be safe hanggang sa makabalik ako from Manila."

"Manila?"

"Uh, si Sir Lester, nag-offer siya ng job sa Manila at siya pa ang nag ayos ng papel ko, so bakit pa ako tatanggi? Besides mas malaki ang income doon." paliwanag ko.

"I won't let you..."

"Pa..."

"Unless you promise me one thing." dugtong niya.

"Anything Pa."

"Be safe always."

"Of course I will."

"Be safe hanggang sa gumaling ako at makabalik sa pagiging scientist."

I nodded.

"Be safe hanggang sa makabalik ka dito at magkasama nating gagawin ang mga dapat ginawa natin dati na hindi natin nagawa dahil dito." saad ni papa at tumuro sa binti niya.

"I will." sagot ko at muling tumulo ang luha ko.

"So, paano?" tanong ni papa.

"A-anong paano?"

"Kailan kita ihahatid?"

"Bukas, but no need. Susunduin na lang daw ako ni Yuki."

"Yuki? Sino naman iyang si Yuki?"

"Step brother ni Sir Lester, Pa. Don't worry mabait yun." sagot ko at tumawa.

Nakita kong lumapit si ate Eva mula sa kanina pang panonood sa amin.

"Oh ikaw ate Eva! Mag iingat ka din ha! Ingatan mo si papa. Mahalin mo!"

"Oo naman Cindy. Easy."

"As a friend. No to love life na si papa. Sige ka malulumpo ka. Char"

"Ikaw naman." saad niya at kunyari pa akong hinampas. "Mag ingat ka rin doon. Mami-miss kita."

"Wala ka soap opera o sa pocket book ate Eva, wag mo ako dramahan." biro ko.

Tumawa si ate Eva.

"Syempre joke. Mami-miss din kita..." sambit ko at niyakap si ate Eva.

"Asarin." sambit ko nang magkahiwalay kami sa pagkakayakap.

Nagtawanan kaming tatlo at maya-maya pa ay pumasok na kami. Pinlano ko ang lahat na ayaw kong umalis at pumuntang Manila na may iiwan akong sama ng loob. Gusto kong maayos ang lahat bago umalis. Besides, pamilya ko sila maging si ate Eva, kaya bakit kailangan pang patagalin ang sama ng loob. Alam ko ring hindi ako nagkamali sa pagpili ng desisyong hayaan si papa humanap ng sagot sa bipartite souls case niya. Hindi na mahalaga kung ako lang ang magsuffer sa memories ni mom, at siya'y makalimot about it. Nanay ko si mom at normal lang na mangulila. Ang bottomline nito ay, gagaling si papa at nabawasan ng isa ang dapat na nagsa-suffer sa memories ni mom.

"Cindy? Are you there?" dinig kong tawag ni Harvey.

"Nakarating na ata sa space ang utak niya. Kanina pa siya nakatingin sa bintana." sagot ni Yuki. Nagtawanan sila.

"Huh? Uh, oo. Kanina pa, hindi nga ako makapaniwala e. Pero busog pa ako." wala sa sariling sagot ko.

Kanina pa pala ako nakatingin sa bintana at inaalala ang usapan namin ni papa bago umalis.

Nagkatinginan si Harvey at Yuki na magkatabi sa harap. Ako naman ay nasa likod katabi ng mga gamit ko, hindi na kasi nagkasya sa compartment.

"What are you saying?" natatawang tanong ni Yuki. "Kausap mo pa ba ang friends mong aliens?"

"Uh, wala." sagot ko.

Tumawa nang malakas si Yuki at si Harvey ay napangiti.

"Brother was asking you, saan mo plano tumira sa Manila." paliwanag ni Yuki.

"Uh, madami naman siguro apartments or boarding house doon di'ba?"

"Boarding house? What life would you have there? Masikip."

"Oh, edi apartment."

"Mag isa ka lang pero kukuha ka ng malaking apartment?"

"Ewan ko sa'yo Yuki. Ayaw mo ng masikip, ayaw mo ng malaki."

"Oh god, here we go again. Lagi na lang ako namimisinterpret." singhal ni Yuki. "What I meant is that, humanap tayo ng sakto lang. Hindi masikip, hindi rin ganoon kalaki."

"Why not dad's old house in Makati?" nagulat kami nang magsalita si Harvey.

"Old house? Di ko alam yun ah." saad ni Yuki.

"Paanong malalaman mo eh isang taon ka pa lang dito." sagot ni Harvey. "Anyway, pwede ka ro’n Cindy. Saka don't worry may makakasama ka naman and you are all girls."

"May nakatira roon?" tanong ni Yuki.

"Caretakers." sagot muli ni Harvey. "Mom wanted to keep it kahit wala na sila ni dad."

"Saan siya titira ro'n?" tanong na naman ni Yuki na parang concern na concern siya at siya ang titira.

"Sa largest room." sagot ni Harvey.

"H-hindi ba ganoon din yun? Parang boarding house din?" Yuki.

"No, unlike sa boarding house, malaki ang room. Plus, wala siyang babayarang fees."

"Walang babayaran?" gulat na tanong ko.

"Alam mo, pwede ka na mag reak estate agent bro. Ang galing mo magdescribe ng promos."

"Shut up."

Hindi sila nagsalita at biglang tumahimik ang paligid. Nagpatuloy lang ang biyahe namin at wala nang nagsalita sa aming tatlo. Dalawang oras pa ang ibiniyahe namin at nakaidlip pa ako. Naalimpungatan na lang ako nang itigil ni Harvey ang sasakyan sa harap ng isang malaking building. Naunang bumaba si Yuki at dali-daling pumasok sa building. Akmang bababa na ako nang magsalita si Harvey.

"May kukuhanin lang siya sa office niya. But he'll be back in few moments."

I nodded. Minutes later and Yuki came back. He entered the car covered in sweat and his polo some buttons unbuttoned. He looked so hot as his sweat highlighted his white chest.

"Ipapalipat ko na talaga ang office ko." hingal na sambit ni Yuki.

"Sino ba nagsabing sa 30th floor ang piliin mo?" Harvey.

"A...ko. Whatever."

Nagmanehong muli si Harvey at wala pang isang oras ay itinigil niya ito sa tapat ng isang malaking black and white na bahay. Bumaba silang dalawa sumunod ako. Nakita kong kinausap ni Harvey ang dalawang babae na sa tingin ko ay nasa thirties. Tumango naman ang dalawang babae saka lumapit sa akin. Pinagtulungan namin dalahin ang mga gamit ko at sumunod kay Harvey. Lumakad kami sa mahabang pasilyo hanggang sa makarating sa isang kwartong may malaking kahoy na pinto. Binuksan ito ni Harvey at tumambad sa amin ang napakalinis na paligid. Wala halos gamit kundi ang malaking kama at antigong aparador. Kahit kwarto lamang ay mayroon din itong chandelier.

Palinga-lingang pumasok ako bitbit ang mga gamit ko. Sa loob ng kwarto ay may dalawang pinto. Ang isa raw ay papuntang kusina, shortcut. Ang isa nama'y bathroom at cr.

Nang maipasok ang lahat ng gamit ay umalis na rin sina Yuki at Harvey. Marami pa raw silang aasikasuhin kaya kailangan na. Nagbigay rin sila ng mga instructions at magmemessage na lang sila about sa work at kung kailan ako mags-start.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit ay napabuntong hininga ako. Naninibago ako sa lahat. Ngayon lamang ako mamumuhay nang mag-isa at malayo kina papa. Ilang oras din ako nag-ayos at naglipat ng pwesto ng mga gamit dahil hindi ako matunawan sa posisyon ng kama. Gusto kong malapit sa windowsill ngunit gusto ko rin malapit sa lamesa. Nang maayos ko na lahat ay napansin kong tama sila, hindi ganoon kasikip ngunit hindi rin ganoon kaluwag. Sakto lang ang dami ng gamit ko sa lawak ng kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama at nagbuntong hininga.

Halos hindi ako nakatulog nang gabing iyon at nababaguhan pa rin sa lahat. Hindi ko rin mahanap ang comfort sa kama ko. Buong gabi ako nakatingin sa labas at pinanonood ang maliliit na patak ng mahinang ulan.

Kinabukasan ay tunog ng phone ko ang gumising sa akin.

Sinagot ko ito at tili ni Dhaeny ang sumalubong sa tainga ko.

Gurl.... Miss na kita... Balik ka na.

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Bakit kasi hindi ka sumama? Mas gusto mo pa riyan sa bayan kaysa dito."

Eh hindi ko naman maiwan si kuya Flynt. Kawawa naman parang wala akong utang na loob kung iiwan ko.

"Si Flynt ba talaga ang ayaw mong iwan?" nakangising tanong ko.

O-oo.

"Ah si Zach."

Shh uy! Ang ingay ng bibig mo kutusan ko bunbunan mo eh.

Tumawa ako.

"So ano nga? Wala ka ba talagang balak sumunod?"

Pag-iisipan ko. Char. Okay lang ako dito. Dadalaw na lang ako dyan minsan.

"Ako rin. Uuwi ako every once in a while."

Sige na sige na. Pupunta pa ako kina Za- F-flynt... K-kuya Flynt. Bye.

Napatawa ako. Bakit ba kasi napaka-in denial ng gaga.

Nagtungo na ako sa kusna at naghanda ng makakain. Habang  nagluluto ay dumating ang caretaker at nabanggit na hindi pwede umakyat sa second floor dahil may mga naiwan pang gamit sa taas at ayaw ipagalaw ng mommy ni Harvey. Every six months lang din daw kung linisin iyon at kailangan kasama mismo ang mommy ni Harvey.

Dalawang araw pa ang lumipas at nakareceive ako ng message kay Harvey na pwede na ako magsimula sa Monday.  Hindi ko alam kung masasabik ako o kakabahan. Baguhan pa lang ako at hindi ako sanay sa galawan dito sa Maynila.

Monday ng umaga, maaga akong pumunta sa ibinigay na address ni Harvey. Hindi naman ako nahirapan sa simula dahil naghihintay na si Yuki sa harap ng building. Inutusan daw siya ni Harvey na abangan ako sa labas para hindi na ako maghanap. Sinamahan niya ako sa office kasama ng mga kapwa nurse ko at itinuro niya rin ang ward na naka-assign sa akin. Matapos niya ako ma-briefing ay iniwan na niya ako. Pinagaralan ko naman ang mga sakit ng mga patients sa naka-assign sa akin na ward.

Nang mag lunch ay niyaya ako ng kasamahan kong nurse na sumama sa labas tumanggi lang ako. Ayaw ko muna lumabas dahil gusto kong sanayin ang sarili ko sa loob ng hospital para hindi na ako ganoon kailang.

Kasalukuyang nagt-toothbrush ako nang may pumasok sa office. Nakita ko mula sa salamin sa harap ko na nandoon si Yuki. Nakasuot siya ng damit pangdentist at hindi maitatangging bagay sa kanya ito.

"Bro want to see you in his office. Tara samahan kita."

Nagmumog naman ako at tinapos ang pagt-toothbrush bago sumagot.

"Okay. Wait.”

Magkasama kaming lumabas ng room at sumakay kami sa elevator. Halos makakatulog na ako dahil sa tagal naming nakasakay. Kung dito ang office ko ay malamang lagi akong late. Pagtunog ng elevator ay umilaw ang 30th floor.

"30th floor din?" tanong ko.

"No. Nag text siya na sa office ko na lang daw kasi nandoon din si Liam."

Lumakad kami sa mahaba at tahimik na hallway. Ilang pintuan din ang aming nadaanan hanggang sa narating namin ang pangalawa sa pinakadulong pinto. Papasok pa lang kami ay narinig na namin ang tawanan mula sa loob.

Malawak din ang office ni Yuki at white and blue ang tema ng mga gamit. Marami ang mga kagamitang pang dentist at may mga pictures sa pader ng mga bibig at ngipin.

"How's your first day here?" tanong ni Harvey at ngumiti.

"Okay naman. Hindi naman ako nahirapan kasi lagi akong sinasamahan ni Samantha para i-guide ako." nakangiting sagot ko.

"Samantha? The one you are with in your dreams?" nakangising tanong ni Harvey kay Yuki.

"Stop it bro. Kamusta naman stay mo sa house?" tanong ni Yuki na inilalayo ang topic.

Napangiti ako.

"Okay lang.”

“Wala ka bang ibang alam isagot kun'di okay?” tawa ni Yuki.

“What do you expect?” tanong ni Harvey. “Syempre nababaguhan pa siya.”

“Bakit ako? Kahit saan tumira hindi ako namamahay?” tanong ni Yuki.

“Who knows? Baka dahil mahilig ka sa ONS?” sambit ni Liam.

“ONS my foot. Conservative ako 'no.”

“Yeah whatever. Kaya pala yung pictures mo sa social media daig mo pa body builder.”

“Anyway Cindy, later, sabay na tayo umuwi. Ihahatid na kita at the same time I’ll check your food supply.”

Maya-maya pa ay nagbalik na kami sa trabaho. Nang maggabi ay nag-out na ako. Lumabas na ako dala ang gamit ko at naglalakad sa hallway nang makita ko si Harvey sa kabila ng mahabang pasilyo. Kumaway siya at ngumiti ako. Parang bumagal ang lahat habang lumalakad kami papalapit sa isa't isa. Nakatitig lang siya sa akin at gayundin ako sa kaniya. Ang maayos na buhok niya at maayos na tindig. Bawat hakbang naman niya ume-echo ang tunog ng sapatos niya. Halos gumuho naman ang mundo ko nang sa isang intersection sa gitna namin ay may isang babae ang lumabas. Dire-diretsong lumakad siya kay Harvey at humawak sa braso nito. Nang humarap siya sa akin ay nagulat akong lalo nang makita...

Si Charlotte.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status