Share

CHAPTER TWENTY THREE

CHAPTER TWENTY THREE

ADAM AND ELIZE BACKSTORY

THIRD PERSON P.O.V.

"Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.

Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking namamalimos ng atensyon sapagkat isang mapalad at makisig na lalaki na ang nagtagumpay na makuha siya.

"The best..." mabagal na usal ng lalaking nasa harapan niya habang pumapalakpak at umiiling pa. "Ngayon pa lang ganiyan ka na kagaling, what more kapag nag-aral ka pa."

"Adam..." natatawang sambit ng babae at nginitian siya nito. "Hindi ko alam kung nagiging sarcastic ka ba or what."

"Elize, why would I be sarcastic. I was telling the truth. Kung nakita mo lang kanina, habang sinasabi mo yung pilot announcement, yung mga tao napalingon. Hinahanap nila kung may piloto ba talagang naligaw." saad ni Adam.

"Over ka naman."

"I am not overstating. Totoo. You sounded like professional pilot."

"Uhm... What do you think? Makakapasa kaya ako?" nag-aalangang tanong ni Elize.

"They're too dumb to reject you. I mean, you have the beauty, the brains plus your soothing voice that always make my heart melt."

"Adam, yung totoo.”

"Totoo nga." natatawang sambit ni Adam.

"E, bakit tumatawa ka? Naiisip ko tuloy lalo na you're being sarcastic again."

"E, bakit ba kasi ayaw mo maniwala? You know your skills and abilities pero you keep telling you doubt yourself, naiisip ko tuloy pa-humble ka."

"What?"

"Nothing, but no joke, you have my trust."

"But what if I fail?" tanong ni Elize at tiningnan si Adam.

"Then... try again. I'll support you kahit hanggang sa millionth attempt mo."

"What if it takes billions?"

"Still, I will."

"What if hindi talaga for me?" tanong pa ni Elize.

"Oh come on, you aren't even starting."

"Well let's just say."

"E'di... come with me. Let's be scientists together."

"But, I don't do good in science. Especially in chemistry. I have no idea about anything." natatawang sambit ni Elize.

"But life isn't always about what you know. It's also about what you don't, because what you don't know will help you to grow more. Unfold new things with both knowledge and excitement."

Isang taon nang magkasintahan sina Elize at Adam. Nagkakilala sila noong high school sa isang campus journalism at sa kung anong nagtulak kay Adam ay hindi niya tinigilan hanggang makuha ang puso ni Elize.

After their graduation, Elize couldn't stop herself being anxious about her dream. She wants to be a pilot but she always doubt herself. Adam on the other hand is too confident because he dreamt of being a scientist from the start.

A year passed. Ipinagpatuloy ni Elize ang pag-aaral para maging piloto sa kabila ng pag-aalangan. Si Adam ay nag-aral sa isang paaralan malayo kay Elize. Sa loob ng isang buong taon ay hindi sila nagkaroon ng komunikasyon dahil na rin sa higpit ng mga patakaran sa pinapasukang paaralan ni Elize.

Sa taong dumaan ay maraming tao ang dumating at nakilala nila ngunit alam nila ang pangako nila sa isa't isa.

We may be apart, but our hearts will always beat for each other.

"Adam, kanina mo pa kinukuskos ang sapatos na iyan. Baka mamaya mabutas na iyan." wika ng isang lalaki sabay tawa.

"Sira, ang ganda lang kaya tingnan kapag makintab na makintab ang sapatos." sagot ni Adam.

"E'di hindi ka na kakain? Magpapakintab ka na lang ng sapatos?"

Napatawa si Adam.

"Dolph, sige na. Kainin mo na yung natirang ulam. Bibili na lang ako mamaya sa labas."

"Iyan ang gusto ko sa'yo e. Pero teka may nahanap ka na bang buntot ng daga?" tanong ni Dolph.

"Huh? Buntot ng daga? Bakit? Iuulam mo rin?"

"Yung gagamitin sa biochemistry. Hanggang sa huwebes na lang iyon."

"Syempre mayroon na ako. Kahapon pa."

"Talaga? Paano? Saan?"

"Sa aparador mo. May isa pang daga roon itinira ko sa'yo." sambit ni Adam at ngumisi.

"Sa... aparador ko? Anak ng- isang dakot na alkampor na inilagay ko ro'n ah."

"Ayaw mo yun? Hindi ka na mahihirapan humanap para sa biochemistry." natatawang usal ni Adam.

"Nasira naman ang mga damit ko. Butas butas na nga yung isa kong uniform." tumawa si Adam. "Adam, pwede ba ikaw nalang kumuha nung daga sa aparador ko?"

"Ba't naman?"

"H-hindi ako humahawak ng daga. Dali na, ikaw na. Hindi ko na rin kakainin yung ulam mo. Sa laki na ng tiyan ko, kakainin ko pa ulam mo, hindi na. Bibilhan din kita ng ulam. Ano ba gusto mo? Basta please ikaw na lang kumuha nung daga."

"Oo na, oo na. Samahan mo na lang ako mamaya bumili." sambit ni Adam sa pagitan ng tawa.

Maya-maya pa ay magkasamang lumabas sina Adam at Dolph. Nagpunta sila sa malapit na convenience store at pansin nilang may karamihan ang tao.

"Sandali nga, naiipit na talaga yung tiyan ko. Ikaw na lang magbayad, hihintayin kita sa labas." sambit ni Dolph at iniwan si Adam na nakapila sa counter.

Habang nasa pila ay naisipan ni Adam na kumuha ng isa pang bote ng juice drink. Mahaba-haba pa ang pila kaya naisipan ni Adam na umalis muna at kumuha nito. Sa kaniyang pagbalik ay isang babae na ang nasa posisyon niya kanina.

"Uh, miss ako riyan kanina. Baka naman pweden-"

"Umalis ka na di'ba? Hindi na mahalaga kung sino ang nandito kanina." mataray na sagot nito.

"Miss, wala ka naman kanina sa pila e, matuto naman po kayong sumunod sa patakar-"

"Ano bang sinasabi mong patakaran? Ang point nito, umalis ka at ako ang pumalit."

"Kuya guard?! May sumisingit dito oh. Ate umalis ka riyan kanina pa kami nakapila tapos sisingit ka? Hindi naman tama iyon!" gulat na napalingon si Adam sa nagsalitang babae mula sa bandang likuran ng pila.

"Ano bang pake mo?" mataray na sagot na naman ng babae.

"Hindi po pwede ang puro taray ma'am. Dapat po marunong sumunod." sambit ng guard ng pumasok ito.

Ilang sandaling nagmatigas ang babae hanggang sa mapalabas ito. Ngumiti naman si Adam sa babaeng nasa likuran at nginitian rin siya nito. Nang makalabas ay nagpalinga-linga si Adam at hinanap si Dolph. Wala siyang natagpuan kaya nagsimula na siyang maglakad pauwi.

Yakap niya sa isang bisig niya ang isang brown bag na puno ng pinamili niya sa kabila namang kamay ay bitbit niya ang isang plastic bag. Naglalakad si Adam nang biglang may tumawag mula sa likuran niya.

"Hey!"

Nilingon niya ito at sumambulat sa kaniya ang babaeng nasa likuran ng pila kanina. Bilugang mga mata, makapal na kilay matangos na ilong at maputing balat.

"H-hi?" utal na sagot ni Adam.

"Are you fine? Mabigat ata iyang mga dala mo." sambit ng babae sabay ngiti.

"No, okay lang."

"Oh, wait, don't think of me as a desperate o kaladkaring babae ha. I just want to know you more?"

"H-huh? What do you mean?" naguguluhang tanong ni Adam.

Mahinang tumawa ang babae.

"You see, I've been seeing you for months now. I know where your boarding house is, I know your friend and your school. To be clear, hindi ako stalker ha."

"So what do you call yourself? An investigator?" natatawang sambit ni Adam.

"Investigator?! Hindi ba pwedeng nagkakataon lang?" sagot ng babae sabay ngiti.

"Nagkakataon?"

"You know, like a thing called destiny."

"Wait, hey, chill. Anong-"

Hindi na natapos ni Adam ang sasabihin niya nang tumawa ng malakas ang babae.

"Ikaw naman. I said density. You know the mass of substance per unit volume."

"No, I heard it. Destiny?"

"Huh? Why don't you get yourself a cotton bud and remove your unnecessary ear waxes?"

Tumawang mahina si Adam.

"You know why you have mass?" tanong pa ni Lairah.

"Huh?”

"'Cause you matter to me."

"Uh..."

"Kidding." sambit ng babae sabay ngisi.

"Is that how a scientist make a joke?" tanong ni Adam.

"I ain't a scientist. I'm an accounting student."

"So why do you know about such?"

"Hello, itinuro yun sa third grade."

"Whoa, and you still remember. You are amazing. Ako, if I ain't studying about those again this college, I won't have an idea even a dot about it."

"Thanks for the compliment pero I do love science kaya hindi ko kinakalimutan iyon. Saka ano bang point ng pag-aaral sa grade school kung kakalimutan mo rin?" natatawang sambit ng babae.

"You... are cute."

"No, hindi cute ang pangalan ko." biro ng babae.

"Fine, a nice joke. But let me know your name. I'm Adam." sambit ni Adam sabay abot ng kamay niya.

"I'm Lairah..."

Ilang minuto silang naglakad ng magkasama hanggang sa makarating sila sa boarding house ni Adam.

"I'll be going. Nice to meet you." sambit ni Lairah at nagsimula nang lumakad palayo.

Just as Adam turned back he saw a familiar figure waving her hand and yelling. With a wide grin on their faces they ran to each other and hugged. There's not a single word uttered but they can feel each other longing. As they tightened their hug, tears started escaping from both their eyes.

"I missed you..." the sweetest whisper Adam heard.

"I missed you more than you could ever think." he replied as he kissed her forehead.

Magkasama silang pumasok sa boarding house ni Adam at ipinakilala si Elize kay Dolph. Naging maganda ang pakikitungo nila sa isa't-isa at nang matapos kumain magkakasama ay pumasok sila sa kwarto ni Adam.

"Si Dolph, sa tingin ko ayos siya. No wonder hindi ka bored dito. Ang saya kasama ng mga kasama mo." sambit ni Elize at ngumiti.

"Well I bet masaya rin sa inyo. Hayaan mo one day, pupunta ako ro'n."

"Sure, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko ro'n." Elize lied.

"Anyway, bakit nandito ka? I mean, paanong nakapunta ka rito e di'ba mahigpit ang patakaran sa inyo?"

"Uh, hello, nauna kami nagstart di'ba? Tapos na ang first year namin kaya pwede na muna umalis pero hanggang weekend lang. Kailangan ko na rin bumalik." paliwanag ni Elize.

"Ooh, so you only have couple of days here. Don't worry, I'll make sure your stay here will be unforgettable."

"One year has passed yet you're still the genuine and handsome guy I met. I... am so lucky to have you." nakangiting usal ni Elize.

"One year and I am still the guy who loves you... and you love me too. Perhaps I am luckier." sambit ni Adam at mahinang tumawa.

"Ayan ka na naman sa tawa mo, naiisip ko na namang sarcastic ka."

"Of course not! I never lied to you and I will never."

"Me too." Elize lied again.

As promised, Adam made Elize's stay fun. They dated, made experiments, they watched movies, shop together, biked and even planted trees on a government project. Elize was genuinely happy and no one can deny it.

"So paano, bukas hindi na kita maihahatid. I have my classes. 6am." sambit ni Adam.

Ngayon ay naglalakad na sila sa isang madilim na kalsada at walang tunog kundi ang tuyong dahon na nadadala sa bawat pag-ihip ng hangin.

"No need." nakangiting saad ni Elize. "Nakarating nga ako mag-isa, syempre makakabalik ako mag-isa. Saka I saw your efforts and that's more than enough."

"Naging masaya ka ba? Sa ilang araw mo rito, naiparamdam ko bang hindi sayang ang effort mo sa pagpunta?"

"Why not? Who can ever believe na ang apat na araw ay mapapahaba na parang isang buong lifetime kita nakasama? I didn't care about time actually, the fact na nakita ko yung mukha mo ulit, pwede na akong bumalik."

"Huh? So hindi na mahalaga yung mga ginawa natin? The biking, movies experimen-“

"Hindi." Elize cut him off. "Because I didn't come for that. I came for you. That time when I saw you again, it felt like I saw you for the first time, kung hindi lang nanumbalik ang mga memories natin before." she chuckled. "Just a glimpse in your eyes and I saw how much you love me. And as you embraced me by your arms, I felt the love even more. It's just... majestic, how time failed to break us apart."

Suminghap ng hangin si Elize at nagbuntong hininga.

"How would I be able to love you less if you're the reason behind everything I do? I will still love you no matter how long we'll be separated. I may love another person but I will never give the same love you had." ani Adam at tumigil siya sa paglakad.

Nasa tabi sila ng kalsada, sa ilalim ng anino ng isang malaking punong unti-unting natutuyo at nalalagas ang dahon.

"Look at this tree. Look what time did to him. I'm afraid after time, our love fades too." sambit ni Elize.

"If my love for you fades, you'll still have the most among others. And if ever I feel no love for you anymore, which is impossible, better not love at all. That's how I love you."

Just then, a nocturnal bird started to fly above them. It was just smoothly flying as the wind flaps with it's wings. Adam and Elize with both amazement on their faces watched as it aligned with the moon.

Nang direktang tumapat sa liwanag ng bilog na buwan ang ibon ay mas lalong namangha sila nang mula sa pagiging kulay abuhin ay naging pilak ito. Sa hindi maipaliwanag na kaganapan ay biglang bumilis ang tibok ng puso nilang dalawa. Nang huminto ang ibon sa ibabaw nila, habang patuloy na pumapagaspas ay naghulog ito ng pilak na balahibo. Marahang itinulak at isinayaw ng hangin pababa na sabay naman nilang sinalo.

Nang magdikit ang kanilang mga daliri ay kakaibang kuryente ang bumalot sa kanilang sistema. Sa kung anong malakas na kapangyarihang nagtutulak sa kanila ay humakbang sila papapalit sa isa't isa. Lumakas ang kabog ng d****b ni Elize nang tingnan siya ni Adam sa mga mata. Si Adam ay nagsimulang pagmasdan ang bawat detalye ng mukha ng babaeng minamahal niya.

Walang anu-ano, hindi tulak ng kahit na anong kapangyarihan kundi ng tadhana ay banayad na hinawakan ni Adam ang magkabilang pisngi ni Elize at unti-unting inilapit ang kaniyang mukha. Kapwa sila nakapikit at sa saliw ng mga pusong iisa ang tinitibok ay sabay silang lumapit at dinama ang labi ng isa't isa.

Sa mga sandaling maglapat ang mga labi ay hindi maipaliwanag na pakiramdam ang bumalot sa kanilang sistema. Under the billions of stars and celestial bodies witnessing how they seal their love for each other, tiny million pieces of silver strings started floating around them and lit up the surrounding. No one could imagine how much love they were feeling that time as those silver strings binded them and declared how they have been connected and destined after so many years.

Habang magkalapat pa rin ang mga labi ay kapwa hindi nila napigilan na mapangiti. At nang magmulat ng mga mata ay hindi maitago ang pagkamangha sa mga nagaganap. Hindi man nila alam ang nangyayari ay alam nilang bunga ito ng kanilang pagmamahalan.

Nang umalis si Elize ay nagsimulang pag-aralan ni Adam ang tungkol sa mga pilak na laso nang gabing iyon. Alam niyang hindi ito pangkaraniwan kaya kahit mahirap ay isinabay niya ang pag-aaral sa pagsasaliksik tungkol dito. Maraming tao ang pinagtanungan niya at madalang pa sa patak ng ulan ang nahanap niyang may alam tungkol dito.

Si Elize sa kabilang banda ay nagbalik sa pag-aaral sa pagkapiloto. Araw-araw niyang pinagsisisihan ang maliit niyang pagsisinungaling kay Adam dahil nakita niya kung gaano katotoo si Adam kahit sa pinakamaliit na detalye. Wala siyang kaibigan, taliwas sa sinabi niya kay Adam.

Parati lamang siyang nasa kwarto niya kung walang klase at walang ginagawa kundi ang mag-aral. Hindi siya nakikihalubilo sapagkat ang tingin sa kaniya ng mga tao ay nagmamagaling siya gayong inaayos niya lang ang kaniyang pag-aaral.

Minsan na rin siyang nakaranas ng bullying ngunit hindi siya huminto. Ginawa niyang inspirasyon si Adam upang lalong magsumikap.

Isang taon pa ang lumipas at nakatapos na siya sa pangalawang taon sa kolehiyo. Sinabi sa kaniya ni Adam na siya naman ang dadalaw kaya naghanda siya. Nilinis niya ang buong kwarto at inayos ang lahat.

Sa kaniyang daan, si Adam ay hindi mapigilang mapangiti habang iniisip na makikita na niyang muli si Elize matapos ang isa muling taon. Nakailang tingin na siya sa kaniyang relo dahil naiinip na siya sa mabagal na usad ng trapiko.

Nagmamadaling bumaba siya at sumakay sa isang tricycle nang huminto ang jeep na kaninang sinasakyan. Halos makipagtulakan na siya ngunit wala siyang pakialam. Nangingibabaw ang kasabikan niyang makita si Elize.

Nang sandaling kumatok si Adam ay magkahalong kaba at pagkasabik ang nararamdaman niya. Isang malalim na hinga ang ginawa ni Elize bago nanginginig na binuksan ang pinto.

Nang buksan ito ay sinalubong nila ang isa't isa ng mainit na yakap. Mahigpit na yakap na animo'y isang habambuhay ang lumipas at sa wakas ay umuwi sila sa bisig ng isa't isa.

Naging masaya rin ang pananatili niya sa dorm ni Elize. Walang kahit na anong oras ang sinayang nila. Sinigurado nilang nasulit nila ang bawat sandaling magkasama sila dahil alam nilang isang taon muli ang hihintayin nila bago muling magkita.

Ipinaliwanag ni Adam ang tungkol sa nalaman niya tungkol sa bipartite souls case at ilang araw bago ito paniwalaan ni Elize. Namangha siya at hindi niya maitago iyon.

"Can you believe it? Isang taon na naman and dumaan." natatawang sambit ni Adam.

"I really feel nothing but joy. Not only because I'm with you, but because I can see how you don't change. You are still the man I met. The man I loved."

"That's because I feel how you love me back. I'm glad I have you."

Hinawakan ni Adam ang kamay ni Elize.

"I don't see any reason for me to leave you."

"And I don't see any reason to change. I'm afraid I'll stay as the way you loved me kahit magsawa ka."

"Which is impossible." nakangiting usal ni Elize.

"Few more years, we'll be the persons we once dreamed of."

"And I'll be glad to see us being the persons I once pictured, together with you."

"I'll stay... until the end." Adam.

"We'll be what we want to, together."

That day, they made a promise to reach their dreams together, but promises are meant to be broken...

The following year, they both grew up as an individual. Adam started to do better in school as well as Elize. How unfortunate, they grew separate ways...

Adam unexpectedly found a thing he never found from Elize. Adam started making experiments with Lairah. Lairah, on the other hand had absolutely no intention to make Adam fall for her. Adam as a man, started to fall in love with her.

He started to break his promise...

Elize, with the thought of fulfilling her promise to Adam continued to study more. She aced every single subject that made Greg, her schoolmate, fall for her.

Greg started to court her and Elize didn't entertain him. Greg kept on courting her for months until one day, Elize started to break her promise... she fell for Greg.

After their third year on college, Adam said that he'll be the one to go to Elize. He knew he needs to apologize for breaking his promise. His love didn't fade, it just happened that his heart beat for another woman unknowingly. He wanted to apologize yet he doesn't regret a thing.

Elize didn't want to tell Adam anything about Greg though. She chose to act normal as if nothing happened, as if she didn't cheat on him.

Elize was completely astounded as she opened the door and Adam didn't seem excited.

"I'm sorry..." mahinang tugon ni Adam.

Hindi na niya matiis ang dinadala niya dahil sa labis niyang pagmamahal kay Elize.

"Wha- Adam? Kakarating mo lang at ganiyan na ang bungad mo? H-hindi ka man lang ba papasok?" tarantang sagot ni Elize at nagsimulang lumakas ang tibok ng puso niya.

"Remember what I told you? I may love another person but I will never give the same love you had. Elize... I'm so sorry. I fell in love for another woman.”

"A-adam?"

"Elize... I fell in love with another woman, hindi ko namalayan."

"Paanong hindi mo namalayan?!" sambit ni Elize at nangilid ang luha niya.

"I don't know. I just realized it."

"Please naman Adam. Don't give me dumb answers."

"I don't actually know. It just happened na nagising ako isang araw... mahal ko na rin siya."

Natigilan si Elize. Tila nanuyo ang lalamunan niya at bumigat ang bawat paghinga niya.

"Adam naman... anong- anong dahilan iyan?"

"Hindi ko nga alam. Hindi ko na naiintindihan." sambit ni Adam sabay hilamos sa mukha. "But I love you more than I love her."

"Adam hindi mahalaga kung sino ang mas mahal mo-"

"Magulo. Masyadong magulo. I may love her too but I will always choose to end up with you."

"What the hell are you saying? You have no choice, I am not in the options."

"I love you but I love her too. I want her but I can't lose you."

"Are freaking joking?!"

"Why don't we let time clear up our minds?"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"One year, let us wait one year and let my heart tell whose embrace gives me home."

"I didn't know you're that naive." sarkastikong tumawa si Elize.

"Elize...?"

"At ako ano? Why is it all about you?! Why am I one of the options and you are stuck between me and other woman? Yet you once said that it's better not to love anymore if not me. Adam... I thought you love me?”

"I do. I freaking love you."

"But I'm not alone!"

"Elize hindi ko alam. One year. Let's give ourselves time. I know we're both bombarded by a lot of things. Our minds are crowded."

Elize, with pounding heart she couldn't handle anymore shut the door and Adam was left outside couldn't feel anything but his tears flowing down his cheeks.

Adam waited hours for Elize to open it but she didn't. Just as he took a last glance in Elize's window from outside, he turned his back, with the heaviest steps he had, he left. No more than a minute when Adam vanished from Elize's sight whom heart broke into million pieces, her door created a loud bang as it was smashed by someone she didn't expect.

"Greg...?" nanginginig na bigkas niya sa pangalan nito.

Sa halip na sumagot ay isang nanunuyang ngiti ang gumuhit sa labi nito.

"Kaya pala failed ka sa mission mo Greg, may nauna na." usal ng isang lalaking pumasok at nagtawanan sila.

"Boyfriend mo iyon?" tawa pa ng isa at pumasok rin.

"A-anong mission?" nanginginig na tanong ni Elize habang unti-unting umaatras.

"You really think magugustuhan ka ni Greg? Ang tanga mo naman." sambit ng isang lalaki.

"Teka, anong- lumabas kayo! Ba't kayo nandito?!"

Dahan-dahang humakbang papalapit si Greg. Habang pinagkikiskis ang palad, mas lalong lumawak ang nakakatakot na ngiti nito.

"Lumabas kayo!" bulyaw ni Elize ngunit tawa lang ang isinagot ng mga lalaki. "Greg..." nagsimulang mangilid muli ang luha niya.

Sa ilalim ng madilim na gabi na tanging buwan ang nagpapaliwanag, itinago sa malakas na tunog ng patak ng ulan ang bawat sigaw na pinakawalan ng isang babaeng walang awang inalisan ng dangal. Dinumihan ang pagkatao ni Elize at walang sino man ang nakaalam. Paulit-ulit man siyang sumigaw ay iisang pangalan ang kaniyang nasa isip.

"Adam..."

Hindi nakayanan ni Elize ang nangyari. Pakiramdam niya'y nasira ang buhay niya. Hindi siya nagpatuloy sa pag-aaral at ilang buwang hindi nagpakita sa kahit na sino. Nasira ang lahat sa kaniya, ang dangal, pamumuhay at pangarap. Hindi man siya ang may kasalanan ay nadudumihan siya sa sarili niya.

Nawalan siya ng gana mabuhay dahil sa pagkasira ng pangarap niya. Nasasaktan siya sa tuwing maiisip ang pangako nila sa isa't isang aabutin ang mga pangarap nang magkasama. Nadudurog siya sa tuwing iniisip na nawala sa kaniya ang taong mahal niya nang dahil sa lalaking sumira ng buhay niya.

Ilang buwan at nalaman niyang nagbunga ang ginawang panggagahasa sa kaniya. Kung sino man sa tatlong lalaking iyon ang ama nito ay hindi na niya alam. Gumuho ang mundo niya at nagkaroon ng hindi mabilang na breakdowns.

Due to the excessive stress and depression, she started to develop a different mental health problem. It affected a portion of her brain which forgets all that caused pain to her from the past. Yet she wasn't able to forget about Adam. After giving birth, she was brought to a mental hospital.

Little did she know, her parents used their wealth and started looking for the man who gang raped her. Unfortunately, there was only one person caught, and it was Greg. Her parents had to torture him illegally to promise that he'll take the responsibility as a father. Greg wasn't able to tell the police for Elize's father had connections.

Months passed and Adam finally finished the first four years of college. He was full of joy and excitement as he decided to go to Elize's dorm, for he chose her over Lairah.

On his shock, no one showed up in Elize's dorm and he thought that Elize left him. He was so devastated thinking that Elize wasn't able to wait for him.

The worst goodbye is when you didn't actually left, you were just too late to save what you had.

Ilang buwan ang lumipas at nagbalik siya kay Lairah. Mas minahal niya si Lairah kumpara sa pagmamahal niya rito noon ngunit kagaya ng ipinangako niya kay Elize, 'I may love another person but I will never give the same love you had', hindi nagbago ang pagmamahal niya kay Elize.

Years passed and Adam started to make his own life. He married Lairah and had children, a twin. He also started looking for the cure for bipartite souls case, for he wanted to forget everything about Elize and start a new one with Lairah.

Elize on the other hand spent years of her life miserably. Greg visited him once but she didn't want him to come again. She started medications but she always refuses. She forget some things from the past but not a thing about Adam and how she was raped. She can still remember everything vividly.

One late night, a strange looking nurse went to her room and handed something. She was so confused that time yet she still managed to read it, for she still has the knowledge and it's not affected by her mental health problem.

I know you want to escape. I know you want to revenge. If that's the case, I can help you there. Trust me.

~WHY~

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Elize at hindi niya maunawaan ang nangyayari. Mabilis pa sa alas kwatrong natagpuan niya ang sariling tumatakbo kasama ang isang lalaking hindi niya makilala. Nakasuot ito ng damit pang nurse at may takip ang mukha nito.

Hindi mabilang na palitan ng putok ng baril ang naganap at takot ang bumalot sa kaniya. Nanginginig rin siya at hindi maawat ang pag-iyak.

Nang makatakas ay pinatuloy siya ng lalaking hindi nagpakilala. Ibinigay ang lahat ng pangangailangan at inayos.

Walang kahit na anong balita ang kumalat sa ginawang pagtakas kay Elize dahil pinili itago ng pulisya ang isang malaking kapalpakang nagawa nila.

"Like what the letter says, I can help you revenge." usal ng malamig na boses na nagtatago parin sa likod ng isang telang nakatakip sa kaniyang mukha.

"P-paano?"

"Alam kong nasa katinuan ka. Alam kong hindi ka baliw at alam kong may mga taong may atraso sa'yo."

"Huh?"

"Huwag mo nang itanggi, ginahasa ka sa dorm mo nang third year college ka at kung hustisya ang gusto mo, kaya kitang tulungan."

"Wait, what do you mean?"

"No more explanation, ito ang copy ng system at plane parts na gagamitin ng taong bumaboy sa iyo. I'll give you the instructions. All I need is for you to make that plane crash. The flight will be on Saturday next week, and that will be your revenge day. Ako na ang bahala sa pagpunta natin sa Switzerland bukas."

"Switzerland?!"

"Yup, nandoon ang plane na isa-sabotage mo. Ang plane ni Pilot Gregory Evans." the man said as a smirked flashed on his face.

Adam, with his new life decided to go to Switzerland isang linggo bago iyon. Minsang may nakapagsabi sa kaniya na kapag namatay ang soul bipartite niya ay mapaparalyze siya o di kaya'y titigil ang pagtibok ng puso niya. Ilang beses na niyang naramdaman na tila napa-paralyze ang kaniyang ibabang bahagi ng katawan kaya't sumagi sa isip niyang patay na si Elize... at nalungkot siya tungkol dito.

Ninais niyang humanap kaagad ng gamot sa kaniyang bipartite souls case habang hindi pa siya tuluyang napa-paralyze. Nagkataong may nakapagsabi kay Adam na isang bagong katawan ng swiss boa na pinaniniwalaang madaming nagagawa ang natagpuan kaya agad siyang pumunta roon.

Mabilis na naisabotahe ni Elize ang eroplano sa tulong na rin ng limang ipinadalang katulong niya. Matapos iyon ay nagsimula silang magtago.

Sa eroplano, nagsimulang makaramdam muli si Adam ng kakaiba at pakiramdam niya'y napuputol ang binti niya. Naging napakasakit nito at wari'y nanghihina siya. Sa halip na uminda ay pinili niyang matulog.

Si Elize sa kabilang banda ay sumakit ang ulo at halos mapaupo sa sakit na nararamdaman. Nakahawak lamang siya sa sintido habang ang mga ala-ala ni Adam ay unti-unting nawawala.

Nang magsimulang magkagulo sa eroplano dahil sa ginawang sabotahe ni Elize ay mas lalong sumakit ang ibabang bahagi ng katawan ni Adam. Sa gitna ng pakikipaglaban sa isang hijacker ay bumagsak siya't wari'y nalumpo nang kasabay na tuluyang mabura ang lahat ng ala-ala niya sa isipan ni Elize. Nawalan ng malay si Elize at si Adam ay kasama sa bumagsak na eroplano.

Matapos ang plane crash, isang linggo ang makalipas ay naging mahigpit ang ginawang imbestigasyon, lalo pa't napakarami ng nasawi. Dahil sa mga sapat na ebidensya, nakulong ang limang kasama ni Elize at siya'y ibinalik sa mental hospital matapos malamang galing na ito roon. Nang tinanong kung bakit niya ginawa iyon ay para lamang siyang batang nagsasalita at paulit-ulit.

"Nando'n si Greg! Asawa ko iyon! Hindi niya ako mahal kaya pinatay ko"

Nag-umpisang lumala ang sakit niya at naapektuhan ang kaniyang katinuan. Ilang taon ang lumipas at namalagi na roon si Elize. Unti-unting nauubos ang buhay nang walang saysay.

Isang araw, bumukas ang pinto ng kaniyang silid at dalawang tao ang pumasok. Ang babaeng minsan nang nag-alaga sa kaniya, at ang lalaki ay hindi niya mawari. Tila pamilyar ang pigura ng lalaki ngunit hindi niya alam kung bakit. Nagsimulang gumulo ang isip niya nang umiyak ito at nagwikang,

"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status