Share

Chapter 6- New Beginning (Part 1)

Six- Months Later..

Ang pinaka hihintay ni Stella sa tanang buhay niya at kong bakit siya lumuwas ng Maynila mula sa probinsyang kaniyang kinalakhan.

Finally, graduate na rin siya at ang nakasungkit ng titulong Magna CumLaude sa batch nila, ang saya saya niya ng tawagin ng dean ang pangalan niya at siya rin ang nag bigay ng Graduation speech sa batch nila para mag bigay ng inspirasyon sa lahat. Habang siya ay tuwang tuwa matapos palakpakan ng mga tao ng matapos ang speech niya. Gayon na lang ang inis niya ng makitang magkasama na naman si Harris at Angelica. Talagang umuwi pa ito ng Pilipinas para lang sa babae, kaya mas lalo lang nadadagdagan ang init ng ulo niya sa Angelica na 'yon. Naagaw ko nga ang title niya pero hindi pa rin ako masaya, dahil sa puso ni Harris siya pa rin ang nag-iisang panalo.

Natapos ang graduation rites na puro sama ng loob ang nararamdaman ko. Akala ko pa naman iiyak si Angelica dahil hindi siya ang naging Magna CumLaude, if I know pangarap niya talaga yan noon pa kaso malas niya mas 'di hamak naman na matalino at maabilidad ako sa kaniya.

Mabilis na lumipas ang bawat mga araw at unti-unti ko nang nakakamit ang lahat ng pangarap ko. Natawagan ako sa isang airlines kong saan isa ako sa magiging flight attendants nila. Ginawa ko ang lahat ng best ko para sa trabaho at nabili ko ang lahat ng gusto ko, bahay, sasakyan at mga luho ,pati ang mga kapatid ko ay napag aral ko na rin sa isang private school at nakabili na rin ako ng lupa ni Itay para sa kaniyang taniman. Nabalitaan ko ring namatay ang walang kwenta kong Inay. Masama mang mag-isip ng masama, pero nagagalak ang puso ko ng nalaman kong patay na siya. Kulang pa nga ang kamatayan niya sa dinanas naming paghihirap buhat ng lumandi siya.

Nasa cabin area ako at nagpapahinga ng mahagip ng mga mata ko si Harris. Kaya napa bangon ako sa sofa bed at naglakad palabas.

"Harris," tawag ko sabay habol dito at nang maabutan ko siya at lumingon nadismaya ako ng iba ang makita ko. I'm sorry! I thought you are my friend." wika ko.

"It's okay!" sagot nito.

Tahimik akong naglakad pabalik ng cabin area at nang maabutan ko ang isa sa ka cabin ko na nanunuod ng t.v, dahil wala akong kagana gana manuod kaya humiga agad ako sa kama.

Nang ipipikit ko na ang aking mata narinig ko bigla ang pangalan ni Harris, kaya napabalikwas ako ng bangon kong saan kitang kita ko si Harris na ina award-an bilang isa sa pinakabatang magaling na Piloto sa bansa. Hindi naman na kataka taka kong maging magaling siyang Piloto, sapagkat noon pa man ay siya na ang magaling na mag-aaral sa batch nila. Nakinig pa ako at nalaman ko kong saan siya nagta trabaho, napa hanga niya pa akong lalo ng malaman ko sa MIA siya nag ta trabaho. Kaya naka isip ako ng paraan na mag resign dito at mag apply sa MIA para makasama ko na si Harris, siguro naman sa tagal na panahon magugustuhan niya na rin ako.

Hindi na ako nakatulog ulit at nag balak na akong umalis. Bukas na bukas rin mag-a-apply ako sa MIA, para magkasama na kami ulit. Magpapa alam na lang siguro ako ng maayos sa airlines at maiintindihan naman nila siguro.

Pagka alis ko ng airlines diretso ako ng condo para makapag pahinga at excited akong makitang muli si Harris.

KINABUKASAN hindi na ako nag atubiling kumain man lang breakfast at nag asikaso na ako para sa pag a-apply ko. Sinigurado kong sexy ako ngayon at mahuhumaling sa akin si Harris pag nagkita kami. Sinuot ko ang formal blouse at skirt ko at tenernuhan ko ng stilleto. Naka isang pasada muna ako ng tingin sa salamin bago ako naglakad palabas ng condo.

Isang oras akong nag drive patungong MIA. Naka ilang sagap ako ng hangin bago ako pumasok sa loob. This is it! Pagkapasok ko sa loob sinipat ko ang paligid at sobrang laki nito. Panay linga ako kong makikita ko ba si Harris ngayong araw hanggang sa makita ko ang kinabu bwesetan kong babae. Si Angelica, anong ginagawa niya dito???" buong pagtataka ko hanggang sa masagot ang tanong ko sa pag dating ni Harris. He kisses Angelica on her lips. Huli na naman ba ako? nanalo na naman ba ang babae na 'yon kay Aki? Haixt! Peste ka talaga, Angelica para kang tinik sa lalamunan ko na mula noon ay hindi mawala wala. Pun*et* kang babae ka!!" gigil na wika ni Stella.

Lalapit sana siya sa mga ito ng makita siya ni Angelica at tinaasan niya lang ito ng kilay. At himala tinaasan rin siya ng kilay nito. "Aba palaban ka na." usal niya.

"Miss. Stella, kayo na po ang sunod na i-interviewhin." tawag sa akin ng isang staff.

Kaagad akong sumunod rito. " Sige na Miss. Stella, hini hintay ka na ng mag-i-interview sayo, galingan mo ha." wika nito.

"I will!" sagot ko.

Kumatok ako sa pinto at nakarinig ako ng boses kaya tumuloy na din akong pumasok. Nakatalikod ito sa akin at naka upo sa swivel chair. "Good morning!" magalang na pagbati ko rito.

"Good Morning!" bati ng baritonong boses na mukhang pamilyar sa akin na hindi ko lang maalala kong saan ko ba narinig. Nasagot ang tanong ko ng humarap ito sa akin. "It's nice to see you again, Stella!" wika nito.

"Do you know me??" nanlalaki ang mata na tanong ko, dahil base sa pag tingin niya sa akin parang matagal niya na nga akong kilala. Pero, kahit anong isip ko hindi ko talaga siya ma recognize man lang.

"Yes!" wika niya sabay tayo at lapit sa akin. Tinitigan niya ako hanggang sa umikot ito sa likod at hinawi ang buhok ko. "You're still the fresh Bella that I want to taste since and then." wika nito na halos magpatayo ng balahibo ko. Hindi ko siya kilala, pero hindi ko nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig niya. Medyo awkward na rin sa akin kaya aalis na sana ako kaso lang...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
nku mukhang si Timothy ang boss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status