Share

Chapter 5- Future Mrs. Smith

Nang mag mulat ako ng aking mga mata nakita ko ang magandang kwarto at maayos at higit sa lahat mabango pa, pero kahit ganon nakaramdam ako ng lubos na takot. Kong sino man ang dumukot sa akin, hindi ko alam kong anong plano niya.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, kong may masakit ba sa akin, kong na rape ba ako or what. Tiningnan ko rin ang suot ko maayos naman at walang nabago. Kaya napanatag na rin ako, maya maya lang biglang may pumasok sa loob at nang sipatin ko kong sino siya hindi ko talaga ma recognized kong kilala ko ba siya.

"Mabuti naman gising ka na!"

"S..Sino po kayo?" tanong ko.

"Hindi na mahalaga. I will save you kanina nang makita kong may mga lalaki na pinatulog ka. Kilala mo ba sila?" tanong nito.

"Hoh! Hindi ho, hindi ko sila kilala at 'di ko alam kong anong pakay nila sa akin." wika ko.

"I see. Teka, saan ka ba nauwi?" tanong nito sabay tingin sa akin mula ulo at hanggang paa.

"S...Sa Manila po, malapit lang sa Blumentrit." sagot ko.

"I see. I know that place, sige na after you eat ihahatid na kita sa bahay mo."

"Talaga po. Maraming salamat." sagot ko sabay linantakan ang pagkain sa harapan ko. Kanina pa nakalam ang sikmura ko lala na nang malanghap ko ang bango nito.

After half hour natapos ako sa pagkain at tinupad nito ang pangako sa akin. Inihatid niya nga ako sa bahay ko. Balik ako sa apartment na sira sira.

"Salamat po." wika ko.

"Walang anuman. Dito ka pala nakatira, hindi ka bagay dito." wika nito.

"Ay! Opo, eto na lang kasi ang kaya ng budget ko." sagot ko.

"Siya nga pala, ako si Trina Herrera soon to be Mrs. Smith." proud na wika nito.

Napatigil ako sa narinig ko sa sinabi niya. Smith?? Saan ko ba narinig ang surname na 'yon?" usal ko.

"Yes! May sinasabi ka ba?"

"Ay! Wala po. Salamat po ulit sa paghatid, ingat po kayo." wika ko bago ako pumasok sa loob.

***

Habang ang babae naman na naiwan sa labas ay nakangisi.

"Hindi mo ako mapapalitan, Trevor, dahil akin ka lang. Akin!!"

Sabay pasok ng sasakyan at nag drive palalayo roon.

Pag dating niya sa Mansyon isang nakakayanig na sampal at sinalubong sa kaniya ng kinakasama.

"T...Timothy, what's wrong with you?" tanong nito sabay napaupo sa lapag sa lakas ng sampal nito.

"What's wrong with me? Are you asking me!" nanlilisik na ang mga mata na tanong nito sabay lapit sa kaniya at hinila ang buhok nito papatayo.

"A...Aray! N...Nasasaktan ako, Tim, ano bang ginawa ko?" naiiyak na tanong nito habang hawak ang buhok niyang hila hila ng lalaki.

"Talagang masasaktan ka." singhal nito sabay sampal ulit na halos mag dugo na ang bibig niya sa pag sampal nito at hindi pa rin siya binibitawan. "Sinong nagsabi sayo na maki alam ka sa mga transaction ko? Huh??"

"Alin, 'yong babae na papakidnapped mo? Tang i** mo pala, ang bata pa non', siya ba ang ipapalit mo sa akin? Sumagot ka!" sigaw niya.

"Oo, at wala kang magagawa. Heto lang ang tatandaan mo at itanim diyan sa kukote mo!! Hwag mong papaki alaman si Bella, kong ayaw mong mamatay ng maaga." banta nito habang dinudunggol ang sentido niya ng daliri nito sabay binalya siya nito sofa. Naglakad ito ng parang wala lang. Kaya lalong nagalit si Trina sa lalaki. Hindi siya papayag na dito lang matatapos ang lahat. "Pagkatapos mo kong pakinabangan, ganito ang gagawin mo sa akin. Pwes, sinasabi ko sayo na hindi ka magiging masaya habang ako ay miserable." pangako niya sa kaniyang sarili. At buong lakas na tumayo kahit nanakit pa ang katawan at mukha sa maka ilang ulit na pagsasampal nito.

Samantalang nagpupuyos naman sa galit si Trevor, sapagkat naunsyami ang pag dukot sa babaeng pinagpapanstasyahan niya, dahil sa pakiki alam ng Trina na 'yon. "Talagang inuubos niya ang pasensya ko, nakaka ilan na siya, isang isa lang ay bi-binggo siya sa akin. Malalaman niya kong paano ako magalit at maging demonyo." wika niya habang nanlilisik ang mga mata.

Hindi siya makakapayag na si Trina ang sisira ng mga plano niya para sa babae. Planado na ang pag dukot niya dito para magsama na sila at tuluyan niya ng iwan si Trina. Gusto niyang tumikim ng bagong putahe at sawa na siya kay Trina na paulit ulit na lang, kaya nang gagalaiti siyang 'di nangyari ang lahat, dahil naki alam 'to. Kong pwede niya lang patayin ang babae matagal niya ng ginawa kaso isa ito sa asset niya para makuha ang ilang investors niya, kaya hindi niya basta basta pakakawalan ang babae.

Sinubukan niyang balikan at amuhin ang babae kaso denedma lang siya nito at nag talukbong ng kumot. Kahit wala sa bokabularyo niya ang salitang sorry kusang lumabas sa bibig niya. Para matigil lang ang kaartehan nito at naiinis na rin siya sa kaartehan ng babae. "Sorry, Trina." usal niya habang hini himas ang braso nito. Sinadya nitong iiwas ang braso niya, pero naging mapilit ako kaya wala siyang nagawa ng siilin ko ng halik ang labi niya at mabilis ko siyang nahubaran at nangyari ang ayaw kong mangyari. Lupaypay akong nahiga sa tabi niya. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni Trina, nginitian ko lang siya ng peke. Akala ba niya mahal ko siya. Ni minsan hindi ko siya minahal, parausan at trophy lang ang tingin ii sa kaniya. Si Stella lang talaga ang tanging laman ng puso ko mula noon pa. Akala ko libo* lang ang nadarama ko para sa kaniya, pero nagkamali ako. Nahuhumaling na rin pala ang puso ko habang tumatagal. Pero, hanggang pantasya na nga lang ba ako sa babae.

Habang si Trina naman ay napapa isip kong ano na naman bang naiisip na plano ng ka-live-in partner. "Akala mo ba mauuto mo ko Tim. Bweset ka! May araw ka rin sa akin. Kong ina akala mong magtatagumpay ka sa pag itsapwera mo sa akin, pwes nagkakamali ka. Wala pang isinisilang na makakapag pabagsak kay soon to be wife, Trina Smith." natatawang laman ng isip ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
patay na Delikado ka Stella
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status