Share

Chapter 4- Stella is Missing

Nang maka alis si Alexis parang isang kalahati ng katawan ko parang na stroked. Hindi ko mapaliwanag ang nadarama ko, ang hirap hirap sa kalooban siguro ganito talaga pag nasanay ka na may karamay ka sa lahat ng bahay. Katulad ngayon parang double kill ang sakit na nadarama ko pati si Harris my love ay hindi ko na nakikita. Simula ng naka graduate ito at pina uwi sa states ng parents niya wala na akong naging balita pa.

Maayos naman ang buhay ko kumportable na rin ako sa bahay ni Alexis. Hindi na ako naupa sa masikip na kwartong 'yon mabuti na lang talaga nakilala ko si Alexis, dahil 'di ko alam kong saan ako pupulutin kong 'di siya dumating sa buhay ko.

Bahay, school, work ang daily routine ko at dahil dyan medyo nakakalimutan ko na rin ang kalungkutan ko lalo na't wala pa ring paramdam si Alexis sa akin. Nag-a-alala na ako sa kaniya, ang usapan namin tatawag siya sa akin kapag naroon na siya, pero tila nakalimot na ito. Ang hiral talaga pag naiiwanang mag-isa kaso anong magagawa ko hindi pwedeng tumigil ang mundo ko, dahil lang umalis ito.

Two-weeks Later wala pa ring paramdam si Alexis natapos na rin ang mid-term exam namin. Gusto ko pa naman sana na ibalita sa kaniya na matataas lahat ng grades ko kaya sureball na akong ga-graduate at magiging Magna Cumlaude sa batch namin. Hindi ko magagawa ang lahat ng 'to kundi dahil sa tulong niyang makapasok ako sa call center, kaya kahit nakakapagod tuloy pa rin ako sa agos ng buhay.

Habang nasa cafeteria kami nakita ko ang babaeng kinaiinisan ko. Si Athena, karibal ko siya sa buhay ni Aki my love.

"Look girls, may bago sa Magna Cumlaude natin?" taning ni Freeda.

Don't say bad words. At sinong nag sabi sayong siya ang Magna Cumlaude? Aber!!" inis na sita ko.

"Bakit, sino bang sa tingin mo?" tanong nito.

"Sino pa ba? E' 'di ako." proud na wika ko.

"Huh? Sure ka ba dyan girl?" tanong ulit nito na duda sa sinasabi ko.

"Oo, naman no." wika ko.

Alam niyo bang napapansin ko kasi na parang devasted si Angelica, simula ng umalis papuntang States si Harris. Kaya alam niyo na naka hanap na ako ng butas rito at alam niyo naman hindi ako titigil, hanggang 'di ko siya nauungusan sa lahat ng subjects natin." dagdag ko pa.

"Ay! Bahala kang mangarap dya." natatawang wika nito.

"Ewan ko sainyo, mga kaibigan ko ba talaga kayo?" tanong ko. At malapit na akong mapikon sa kanila.

"Oo, naman pero kasi suntok sa buwan yang gusto mo girl. Simuka ng nag first year kami walang nakatalo kay Buenaflor at kong matatalo ko siya bilib na kaming lahat sayo." sagot ni Freeda.

"Talaga ba, pwese ngayon meron na at ako 'yon. Kaya i-ready niyo na ang pusta niyo!" hamon ko sa kanila.

"Seryoso ka? Baka matalo ka?" natatawang wika ni Gelly.

"Oo nga, magkano?" tanong ko.

"5,000??" sagot ni Freed.

"Deal. I-ready niyo na 'yan tag 5,000 niyo." nakangising sambit ko.

Hindi kasi nila alam na kinausap na ako ni dean Maureen at heto mid-term at final exam na lang ang hihintayin ko para malaman kong ako nga ang magiging MagnaCumlaude at ga-graduate na rin ako. Finally! Tay, may flight attendant ka ng anak." usal ko.

Bago pa ako mabadtrip sa mga kaibigan ko, nagpaalam na ako sa kanila, sapagkat tatawagan ko pa ang tatay ko. Hindi pa rin kasi nila alam na poorita lang ako. Ayokong sabihin at natatakot ako na baka mawala sila sa akin.

Kaya kinuha ko ang cellphone ko at nag dial sa cellphone number ng kapit bahay namin na si Aling Susan.

Ilang minuto rin bago nito sinagot ang tawag ko.

"Aling Susan, makikisuyo sana kay Itay?" wika ko.

"Sino ba ito?" tanong niya, hindi niya yata ako nabosesan.

"Si Stella po," sagot ko.

"Stella, oh! sige sandali lang at tatawid ako sa bahay niyo." wika nito.

"Anak!"

"Itay, kumusta po kayo dyan?" tanong ko.

"Mabuti naman, anak. Siya nga pala salamat sa ipinadala mong pera ha. Nabilhan ko na nang bagong gamit at damit ang kapatid mo." wika nito. At baka sa boses ang saya, ngunit ang ipinagtataka ko saan nang galing ang sinasabi ni Itay na padala ko, gayong hindi pa naman ako nakakapadala ng pera dito.

"Itay, mag-iingat po kayo dyan." pag-iiba ko ng usapan. Hindi ko kasi talaga lubos maisip kong sino ang nag bigay ng pera rito.

"Ikaw ang mag-iingat diyan palagi anak. Sa sunog

Ilang araw ko na ring napapansin na hindi na ako binubuntutan ng lalaking 'yon. Mabuti na lang rin na hindi na siya sumusunod sa akin, hindi ko nga kilala ang matanda na 'yon. Anong malay ko ba adik 'yon, o kaya recruiter at mapahamak pa ako.

Medyo sad rin ako, dahil naka alis na rin si Alexis sa bahay niya, hindi ko siya hinatid sa airport at baka mag iyakan pa kami. Katulad ng naging usapan namin na doon muna ako mag-i- stay sa bahay niya hanggang sa gusto ko raw, kaso isang umaga nagulantang na lang ako ng sugurin ako ng ex nito na mukhang tipaklong na ewan.

"Stella, lumabas ka dyan." eskanadalosang sigaw nito. Napabangon ako para silipin siya, sobrang dumadami na ang mga tsismosa, kaya para hindi na dumami ang mga tao na nakiki usyoso bumaba na ako ng hagdan at sinalubong ito sa gate.

"Hoy! Palaka ang aga aga istorbo ka, natutulog pa 'yong tao." bulyaw ko rin dito, akala ba niya magpapatalo ako sa kaniya.

"Hoyy! Makapal ang mukha, sinong nagsabi sayong tumira ka sa pamamahay ko?" masungit na tanong nito.

"Anong pinagsasabi mo? Baliw ka na ba? Bahay 'to ni Alexis, bakit mo ina angkin?"

"Anong bahay ni Alexis, gaga ka. Bahay ko 'to at nakikitira lang 'yon dito. Kaya mag alsa balutan ka na at lumayas sa pamamahay ko." sigaw nito.

Samantalang gulong gulo si Bella sa mga pinag sasabi ng babaeng palaka.

"Pwede ba, hindi ako naniniwala sayo lumayas ka dito." sigaw ko. Kayo, magsilayas kayong lahat. Mga tsismosa!" bulyaw ko.

"Ang tapang mo talaga. Sige babalik ako bukas isasama ko ang mga pulis para palayasin ka sa pamamahay ko." banta nito.

"Tseee! Palaka, kahit sino pang isama mo wala akong paki sayo. Bweset ka!" malakas na sigaw ko.

Pumasok na ako sa loob at hindi na nakabalik ng tulog. P*****a talagang palaka 'yon. Istorbo ng tulog, kakauwi ko lang from work pang gabi ako at puyat pa. Bweset talaga!!" gigil na usal ko.

"Alexis, sana naman magparamdam ka. Para maliwanagan ako." usal ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko kong totoo ang sinabi ng palaka na 'yan. Mabuti na lang rin wala akong pasok ngayon kaya pwede akong matulog mag hapon. Sinubukan kong matulog hanggang sa dalawin ako ng antok.

KINAGABIHAN

Nagising ako sa pag tawag ni Alexis.

"Mabuti naman tumawag ka." inis na wika ko.

"Ang sungit mo naman baby, na miss mo ba ako?" tanong nito. Feeling niya nakikipag biruan ako sa kaniya, bweset siya.

"Tapatin mo nga ako totoo ba ang sinabi ng palakang ex mo?" tanong ko. Nakita kong natahimik 'to.

"So, bakit hindi ka makasagot. Totoo bang sa kaniya 'to bahay?" tanong ko. Hwag mo kong ginagago, Alexis, sumagot ka." bulyaw ko.

"Sorry, baby! Hindi ko alam na babawiin niya ang bahay." wika nito.

"Baby-hin mo mukha mo. Bullsh*t ka! Pinahiya niya ako sa lahat. Tang *** naman, Alexis. Ang lakas mong patirahin ako dito hindi naman pala sayo ang bahay." sigaw ko. Sabay naiiyak na.

Sobrang sama ng loob ko kaya naiiyak na lang ako.

"Bella, sorry!" wika nito. Ngunit 'di ko na siya pinakinggan pa at pinatayan ko siya ng tawag.

Hindi ko alam kong saan ako pupunta, kong magrerent naman ako ng condo halos doon na lang mapupunta ang sahod ko. Paano pa ang pamilya ko ang pag-aaral ko. Haixt! Bweset naman na buhay 'to. Nakakainis!!!..

Nag ayos na ako ng gamit at baka totohanin ng baliw na mukhang palaka na 'yon ang banta niya. Bago pa niya ako pahiyain ulit aalis na ako. Matapos kong maayos ang mga ilang gamit ko lumabas na ako ng bahay at naghanap ng tricycle palabas. Bahala na kong saan ako pupunta ngayon, ikaw na bahala sa akin poon." usal ko.

Nang makababa ako ng tricycle nagulat ako ng may biglang humila ng kamay ko, sisigaw na sana ako kaso lang maagap nitong tinakpan ang ilong ko gamit ang panyo at ilang minuto lang nang nalanghap ko ang nakakahilong amoy, hanggang sa nawalan ako ng malay at 'di ko na rin alam kong ano pang nangyari pagkatapos noon.

***

Sa kabilang dako.. Ringinggggggg..

"Boss, nakuha na namin siya." wika nito sa kausap.

"Good! Ingatan niyo siya at hwag pagagasgasan." bilin nito bago patayin ang tawag.

Napapangiti naman ang tinawagan kanina ng dumukot kay Stella. "Finally! She's already mine." nakangising wika nito, kasabay ng pag-inom ng alak sa wine glass niya. Ngayon pa lang nagce celebrate na ito at natatakam sa panibagong putahe niya.

**Sino kaya ang dumukot kay Stella? At ano kaya ang pakay nito sa kaniya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
nku Timothy obsesse ka masyado kay Stella
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status