Share

CHAPTER 25

"Nabusog talaga ako ng sobra ang sarap ng 'haburger' Ate." Bundat ang tiyan ni Seb dahil sa dami ng kinain samantalang tulog naman sa balikat ko si Dina.

Haburger pa nga HAHA

"Hindi ka naman kaya mag tae dahil sa dami ng kinain mo anak? Baka mamaya sumakit ang tiyan mo."

"Hindi 'yan Nay, may mga bulate sa tiyan ko na kakain ng mga sobrang pagkain."

Tumawa ako at pinitik naman ni Nanay ang pilyang kapatid ko. 

Kasalukuyan na kaming pababa sa escalator para makalabas na ng SM at maka uwi.

"Napakarami naman kasi nating pinamili at kinain baka mamaya wala ka ng pera Grace?"

Ngumisi ako.

"Meron pa Nay, ano ka ba syempre marami ako palaging extra."

"Tama! Superwoman kaya si Ate, diba 'te?"

"Aysus mambobola na naman Seb, Oh hawakan mo itong tsinelas ni Dina baka malaglag."

"Totoo naman ah! Akin na nga tss si Dina talaga kahit kelan napaka antukin."

"Hindi tulad sa'yong puyatera, palibhasa pinag lihi ka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status