Share

CHAPTER 40

Kung alam ko lang na iyon na ang huli niyang luto na matitikman ko sana pinilit ko na lang na kumain.

Kung sana pinakinggan ko na lang siya na manatili ako ng isang linggo at hindi na pumasok baka kasama nila akong pumunta kila Bingo at hindi na kinailangang lumabas ni Seb at Bico.

Kung hindi ko ipinilit ang sayang na oras sa pag ta-trabaho siguro buhay pa siya ngayon.

"Grace? Kukunin na nila si Auntie para maihanda sa burol halika na Grace."

Malumanay at punong puno ng pag iingat na sabi ni Bingo bago hawakan ang likod ko.

Natigil na ako sa pagwawala pero nanatili akong naka yakap sa katawan ni Nanay.

"Halika na Grace para maka pag pahinga na ng maayos si Auntie."

Pahinga?

Hindi naman kita pinagod Nay ah sabi ko sa'yo pag pahinga ka palagi pero bakit naman walang gisingan na pahinga ang ginawa mo?

Ni hindi ko na magawang isatinig pa ang mga iyon dahil sa sakit ng lalamunan ko.

Humigpit ang yakap ko sa kaniya at hinalikan siya sa noo ng l
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status