Share

Chapter 15

Simula ng mangyari ang panghahalay sa akin ay lagi na akong balisâ, habang ang puso ko ay puno ng matinding pangamba. Para na akong baliw na kung ano-ano ang tumatakbo sa utak ko. Halos lahat na lang ng tao sa paligid ko ay pinaghihinalaan ko na baka ito ang rapist. Nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang doorknob saka binuksan ang pintuan, kailangan ko na kasing lumabas ng silid upang maglinis sa salas ng mansion na ito. Pagbukas ko ng pintuan ay napalunok ako ng wala sa oras dahil sa naramdaman kong takot ng lumingon sa akin ang dalawang tauhan ni Mrs. Thompson. Nakatayo sila sa magkabilang gilid ng pintuan nang silid ni Mr. Alistair. Kinabahan akong bigla dahil sa malagkit na tinging ipinupukol nila sa akin na para bang gusto kong isaradong muli ang pintuan at manatili na lang sa tabi ng aking pasyente.

Sinikap ko na kumilos ng normal at lakas loob na nagpatuloy sa paghakbang kahit pa nanginginig na sa takot ang aking mga tuhod. Pakiramdam ko ay para akong isang daga na takot s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status