"I believe it would be better if I choose you to watch over him since you always see him in the office. That way, you'll be able to identify which girl goes in there to flirt with him."Hindi niya maiwasang titigan ito taas-baba at natawa nang may panunuya. "Can't you see what I'm wearing?" Tinuro niya ang name tag niya sa dibdib. "Can't you read this?" Tinitingnan naman nito ang ibig niyang sabihin. Tumingin ito sa mukha niya, tinitigan siya na parang mas mataas parin ito sa kaniya pero nagpatuloy siya, "I completed a 4-year undergraduate program, followed by 4 years in medical school. After that, I pursued a 5-year General Surgery Residency and a 3-year Cardiothoracic Surgery Fellowship. I then worked at the hospital, dedicating my time to becoming a skilled Cardiothoracic Surgeon and even having the honor of having the hospital named after me. And now, you're asking me to be a nanny for your fiancé?"Nanlaki ang mga mata nito na tinuro siya. "You're the...""Top 1," mayabang niyan
"Expect this na mas masakit ito kapag tinusok ko." Napakurap-kurap si Fawn nang marinig ang boses lalaki sa loob ng unit ni Avery. Pasekreto kasi siyang pumasok, dahil balak niya itong surpresahin. May dala kasi siyang limang klase ng Shawarma, at paborito ito ng kaibigan niya. Ngunit mali yata ang pa-surprise-surprise na ginagawa niya ngayon. "Ahh. Shít, Lucas you're hurting me!" dàíng ni Avery. Napahawak siya sa bibig niya. Nasa entryway pa lang siya ng unit na ito. May maliit pa kasi na hallway, bago niya marating ang sala kaya hindi talaga makikita ng mga ito ang pagpasok niya. "Told you, masakit ito," ani pa ni Lucas. Naririnig niya ang úngól ni Avery na may halong iyak, at dâîng. "Dahan-dahan, ang sakit sobra." "Itutulak ko na," boses naman ng lalaki. "Oh god! Help." Kumunot na ang noo niya't napabulong pa. "Luh, vírgín?" "Ahh! Fúck!" sigaw pa ni Ave. Dahan-dahan siyang humakbang para sumilip sa mga ito ang masaklap dahil nasagi niya ang mop na nakasandal sa partition
Sa hospital, nakatanggap ng tawag si Avery mula sa kaniyang Uncle Steve na nais nitong pumunta siya sa opisina nito. Sumunod naman siya at pagdating niya roon kasama nito ang kaniyang Auntie Dorothia. "Close it, Ave," ani ng tiyahin niya, kasalukuyan itong nagpapalad ng tasa ng kape at tila ba'y handa nang ibigay sa asawa. Sumunod naman siya at humakbang nang kaunti sa mga ito. Inabot naman ng Uncle Steve niya ang tasa ng kape na binigay ng Auntie niya. Nagtataka siyang binigyan ng titig ang dalawa, palipat-lipat ang kaniyang mga mata habang ang kaniyang mga daliri ay nagkikiskis sa isa't isa, kaliwa-kanan. "Do you have something to tell me?" tanong niya. Tinuro ng Uncle niya ang bakanteng upuan sa harapan ng desk nito. Lumapit naman siya doon at umupo. Hindi pa rin maalis ang pagtataka niya sa dalawa na para bang may iko-kompronta ito sa kaniya. Kinabahan naman siya, pero wala naman siyang may naalalang ginawang mali maliban sa marami siyang naging lalaki sa buhay niya. "Can you
"Lucas!" biglang yumakap si Stella kay Lucas. Ngunit hindi yumakap pabalik ang lalaki at nagpakawala ng here-they-are-again na pagbuntong-hininga na lang. "Move," banta ng lalaki. Kumuyom nang mahigpit ang mga kamay niya sa kaniyang white gown nang makarinig siya ng click sa baril. Tinulak nang marahan ni Lucas si Stella, na mangiyak-ngiyak na. "L-Lucas..."Binalik ni Lucas ang envelope sa ibabaw ng overhead storage at pasimpleng humakbang. Pinanood ito ni Stella na takot na takot. Tumutulo ang luha nitong dahan-dahang humarap kung saan man papunta si Lucas. Umatras ang lalaking nakatutok ang baril sa ulo niya. May dalawang lalaki ring naitim na naglakad sunod sa likuran ni Lucas.Inalis ng lalaki ang pakatutok sa ulo niya at sumunod sa mga ito. Kabado siyang napaiyak sa sitwasyon. Natatakot siya sa kalagayan ni Lucas at nagtatanong rin sa isipan kung sino ang mga lalaking ito. Humabol siya, "Lucas!" Pero may humila sa kaniya, paglingon niya, si Stella iyon. Pagalit itong nagpunas
May mga sasakyan ring dumating mula sa likuran nila. Mas lalo siyang kinabahan na baka makita ang sasakyan nila ngunit napansin niyang tila wala namang pakialam ang mga iyon sa kanila. Halata rin kay Stella na natatakot, ngunit mas pinili nitong panoorin ang nasa unahan. Binalik na rin niya ang paningin roon, at nakita niyang pinapahiga ng mga ito si Lucas sa semento. Medyo basa pa dahil sa talsik ng tubig mula sa dagat.Ang dumating na dalawang sasakyan, malaki ang mga ito, tila mukhang ambulansya pa ang isa pero wala lang pangalan na Ambulance. Bagkus may Logo, bilog na kulay ginto, sa loob ng bilog, kulay ginto rin na diamond pero hindi straight na diamond ang design dahil mayroon pa itong patulis na maliit malapit sa intersection. And sa loob naman ng diamond ay isang diamond ulit, at may pa-slant na ispada. Ang hawakan nito ay mula sa kanan sa itaas at ang dulo ay patusok sa kaliwa paibaba. Nasa banda mismo nakaharap ang likuran ng sasakyan na iyon kaya nakikita nila na mayroon
"You allowed those people to take my son! You have so many people, yet you didn't send a single one of them?! It's crucial that Lucas remains unharmed, Jaxon! He must marry Ericka! We need a connection with Cohen, do you understand?!"Nanginginig ang mukha ng Chairman sa galit na kahit nanggagaliiti na ang kalooban ni Jaxon wala siyang magagawa kundi ang magtikom ng bibig. "Fix this! This is utterly unfathomable. He's already in his territory, yet they have audaciously managed to capture him? Provide a team to locate him without delay, act now!" dumadagundong sa bawat sulok ng opisina ang boses nito. "Yes Dad..." Biglang bumukas ang pinto. "Uncle! Any news on Luther?" Deretsong pumasok si Ericka na stress na stress. Balisang-balisa ito na talagang totoong nag-aalala. Tunay nang nagkagusto ang babaeng ito sa Lucas na iyon. Kumulo agad ang dugo niya. Isa talaga siya sa hindi papayag na makasal si Lucas sa isip bata na ito. "Is there a link to where he is? Is he okay? Did they hurt h
Walang idea si Lucas kung nasaan siya. Nalilito siya sa lugar na kinaroroonan niya; maraming ulap, puro puti ang buong paligid at tila walang hanggan. "Where am I?" Umi-echo ang boses niya kahit usal lamang iyon. Inaalala niya ang huling nangyari, bumalik naman ito agad sa memorya niya. Pinipilit siyang sabihin sa mga ito kung paano i-unlock ang bunker, ngunit wala siyang idea kung ano ang tinatanong ng mga ito. Akala niya, kinuha siya para pátáyin dahil nakaligtas siya noon, ngunit may tinatanong pa pala ang mga ito sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya, iniisip kung anong klaseng bunker iyon at saan iyon matatagpuan. Napakamot siya sa ulo, gulong-gulo na sa buhay niyang gusto lang naman niyang huminga nang malaya kasama si Avery pero ang daming umaaligid sa kaniya na hindi naman niya alam kung anong naging koneksyon niya sa mga iyon. "Lucas..." Familiar sa kaniya ang boses na iyon, ngunit umi-echo ito sa lawak ng lugar. Napatingin siya sa likuran, tumingala sa mga ulam rin ang
"Ang pwersa ni Lucas ngayon, ay palakas na nang palakas..." ani Fatima, hawak ang baso ng alak, at kasalukuyan siyang nasa veranda kasama si Jaxon. "Nagiging mas mabangis pa sa inaakala mo. Dumadami ang connection niya, panahon na siguro para matakot ka, Jaxon."Nakatayo lamang siya at nakatitig sa queen of the night na bulaklak sa harapan niya. Dati silang magkakampi nitong si Jaxon, ang totoo niyan, binilog niya ang ulo nito noon. Pinaniwala niya itong tutulungan niya itong makamit ang hinahangad na position. Pinaniwala niya itong ayaw niyang pinupwersa ng kaniyang asawa ang anak niyang maging presidente ng hospital. Kung sabagay, nakamit na rin nito ang pagiging Presidente, iyon ay dahil sa ginawa niyang hindi pagpapakita kay Lucas habang lumalaki ito. Sa ganoong paraan talikuran ni Lucas ang kagustuhan ng ama at ang kapalit ay tutulungan siya ni Jaxon na makaganti kay Samantha Hulterar. Nagtagumpay naman ang mga plano nila, pero nasa plano rin niyang sakyan muna ito sa una dahil