Share

Chapter 30: SAVING HIM

"Lucas!" biglang yumakap si Stella kay Lucas. Ngunit hindi yumakap pabalik ang lalaki at nagpakawala ng here-they-are-again na pagbuntong-hininga na lang.

"Move," banta ng lalaki. Kumuyom nang mahigpit ang mga kamay niya sa kaniyang white gown nang makarinig siya ng click sa baril.

Tinulak nang marahan ni Lucas si Stella, na mangiyak-ngiyak na. "L-Lucas..."

Binalik ni Lucas ang envelope sa ibabaw ng overhead storage at pasimpleng humakbang. Pinanood ito ni Stella na takot na takot. Tumutulo ang luha nitong dahan-dahang humarap kung saan man papunta si Lucas. Umatras ang lalaking nakatutok ang baril sa ulo niya. May dalawang lalaki ring naitim na naglakad sunod sa likuran ni Lucas.

Inalis ng lalaki ang pakatutok sa ulo niya at sumunod sa mga ito. Kabado siyang napaiyak sa sitwasyon. Natatakot siya sa kalagayan ni Lucas at nagtatanong rin sa isipan kung sino ang mga lalaking ito.

Humabol siya, "Lucas!"

Pero may humila sa kaniya, paglingon niya, si Stella iyon. Pagalit itong nagpunas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status