Share

Chapter 2

It’s been already an hour and Luis Harrington remained quietly seated in one of the chairs in that restaurant.

Isang oras na rin niyang minamanmanan ang kanilang suspect at isang oras na rin ang nasasayang dahil kahit isang butas na maaring gawing lead sa kaso ay wala siyang makuha.

“Come on, what is your game, woman?”

Luis whispered through his throat as he continued to watch the woman on the other side of the restaurant.

“She’s beautiful.”

Wala sa sariling sabi niya pa sa sarili saka napa iling.

Ngayon pa lamang ay tila naiintindihan niya na ang kasama sa trabahong si Phil, hindi niya maitatanging talagang napakaganda ng babaeng ito.

“Kitana Dawn Yousaf Al-Sayed…”

Pabulong niyang sabi sa pangalan ng babae saka ito muling tinapunan ng tingin, may kasama itong isang may edad nang babae at masayang nag uusap habang kumakain.

Her actions shouts sophistication, unang tingin pa lang sa babae ay hindi na maikakailang nabibilang nga ito sa mataas na lipunan.

Hindi mapigil ni Luis ang mapa isip kung sa paanong dahilan nga ba at naging isa ang babae sa kanilang suspect sa pagnanakaw ng mga mamahaling alahas.

“Hmm, maybe Philip was right after all.”

Luis again whispered to himself as he stared watching the woman again.

From her looks, Luis can easily say that she was on her 20’s, she has long curly black hair, pale white skin, even she was comfortably sitting down, Luis can say that she was tall.

Higit na mas nakaka agaw pansin ay ang hubog ng katawan nito, mahabang leeg, maninipis na braso, maliit na baywang maging ang malapad nitong balakang.

And those breasts…

Agad na nag bawi ng tingin si Luis nang madapo ang kanyang tingin sa malalaking dibdib ng babae, sandali niya ring kinalma ang sarili nang sa hindi malamang dahilan ay tila umiinit ang temperatura sa paligid.

Sandali rin siyang nataranta dahil doon na sa halip na sa iba tumingin ay nalipat pa sa magandang mukha nito ang kanyang mga mata.

Damn, of all the things that he could notice about her, bakit ba ang dibdib pa nito ang napili niyang tingnan?

Luis’s eyes lingers on her face, she has a full red lips, pointed nose and her eyes looked like one of those Indian models he had seen on TV.

This woman looked more like a model than a princess.

Luis thought to himself.

Sa itsura ng babae ay mas mukha pa itong isang sikat na modelo kaysa sa isang prinsesa ng isang mayamang bansa.

“What have you done to be in this kind of situation, princess?”

Muli pang kausap ni Luis sa sarili saka muling tinapunan ng tingin ang magandang mukha ng dalaga, na sa huli ay agad din naman niyang pinag sisihan nang mag tama ang kanilang mga mata, mabilis na nag bawi ng tingin si Luis at nag kunwaring abala sa pag babasa ng librong hawak niya.

“Damn, what kind of investigator are you? You are being careless.”

Muli niyang kausap sa sarili saka pasimpleng sumilip sa kinauupan ng babaeng kanyang minamanmanan, ngunit nag bawi rin siya ng tingin nang makitang sa gawi niya naka tingin ang babae, kunot na kunot ang noo nito at mukhang walang balak na mag bawi ng tingin.

“Why the hell is she looking at me like that?”

Luis once again whispered as he looked away once more, all of a sudden she felt the need to pee, so he got up.

Hindi niya na pansin ang pagsunod ng tingin sa kanya ng babaeng kanina niya pa sinusundan patungo sa restroom ng restaurant na iyon.

Wala pang limang minuto ang itinagal ni Luis sa banyo ay mabilis rin siyang lumabas, unang hinanap ng mata niya ay ang babae.

“Damn it!”

Malakas ang naging pag mura ni Luis nang hindi niya makita ang babae, bakit nga ba niya basta na lamang iniwan ang babaeng iyon gayong dapat bilang isang embestigador at alagad ng batas ay hindi dapat mawala ang tingin niya rito.

Inis na muli niya pang inilibot ang tingin sa kabuoan ng restaurant na iyon ngunit talagang hindi niya makita ang babaeng sinusundan kahit saan man siya tumingin.

“Why are you watching me?”

‘Crap!’

Luis mentally cursed when all of a sudden he heard a woman’s voice in his ears.

Kulang na lamang ay mapatalon sa gulat si Luis nang bumungad sa kanya ang mukha ng babaeng kanyang hinahanap, kaunti na lamang ay halos mag dikit na ang mga mukha nila.

“I’m sorry?”

Kunot noong tanong ni Luis habang pilit na nag kukunwaring hindi alam ang sinasabi ng babae.

“You were watching me, may I know why?”

The woman asked, she was wearing a still face and Luis could not help but admire her.

Hindi itatangi ni Luis na talagang maganda ang babae, higit na mas nakaka akit ang itsura nito sa personal at malapitan kumpara sa litratong noong nakaraan lamang ay kinabaliwan ni Phil.

“I am sorry, I wasn’t watching you miss.”

Pag sisinungaling pa ni Luis saka nag iwas ng tingin.

‘Double crap!’

Luis mentally cursed, when one of her perfectly plucked eyebrow rose.

‘Kitana Dawn Yousaf Al-Sayed.’

Luis couldn’t help but mention the woman’s name on his mind, for some reason, Luis wanted to smile, hindi niya malaman kung bakit nga ba bigla na lamang nag bago ang ihip ng hangin, nitong mga nakaraan ay labis siyang naiinis sa kasamahan niya sa trabahong si Phil dahil sa ipinapakita nitong interest sa babae, ngayon naman ay tila hindi niya magawang itangi na kasing ganda ng pangalan nito ang mukha nito.

For the second time, Luis couldn’t help but think how on earth a woman this beautiful became a suspect in a burglaries cases.

“Are you going to just stand there and remain quite, or you maybe you have any plans of answering my questions? Who are you and why are you watching me?”

Agad na napa angat ang tingin ni Luis nang muling mag salita ang babae.

Kung kanina ay walang reaksyon ang mukha nito, ngayon naman ay hindi na maikakaila ang bahid ng inis at pagka inip sa mukha nito.

“I told you, I wasn’t watching you. You just looked familiar so I thought maybe I have seen you somewhere.”

Seryosong sabi ni Luis saka pilit na sinalubong ang tingin ng babae, her eyebrow rose even higher as she eyed him intently, it was as if the woman was trying to weigh and calculate his answers.

‘Damn, why do I feel like this woman could be a better detective than I am?’

Muli nanamang bulong sa sarili ni Luis, mag sasalita pa sana siya ngunit agad ding itinikom ang bibig nang walang sabi siyang talikuran ng babae, mabilis itong nag lakad palabas ng restaurant na iyon.

Tahimik lamang naman si Luis na wala nang nagawa kundi ang sundan na lamang ito ng tingin.

Kamuntik pa siyang mapa mura nang maalalang kailangan niya nga palang sundan ang magandang babaeng iyon nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin, mabilis siyang nag lakad palabas para sana sundang muli ang babae.

“Great, now you’ve lost her. Damn it, Luis.”

Inis na kastigo niya sa sarili, nalibot na kasi ng kanyang tingin ang kabuoan ng paligid ngunit wala man lang siyang nakitang kahit isang bakas na mag sasabing kanina lamang ay naroon ang babaeng dapat sana ay kanyang sinusundan.

--

“Stupid, stupid, stupid.”

Luis said to himself as he continued to bang his head on the hard wood floor of his office table.

Mag da-dalawang oras na mula nang makabalik siya sa opisina at iwan na ang pag mamatsag at pag sunod sa kanyang suspect nang mawala ito sa kanyang paningin kanina ngunit heto pa rin siya at tila isang baliw na inis na inis sa kanyang sarili.

“Wow, ngayon mo lang nalaman?”

Naka ngising tanong sa kanya ng kaibigang si Phil nang pumasok ito sa opisina kasunod ang kunot na kunot ang noong si Anna.

“What happened today? Anything good?”

Seryosong tanong sa kanya ni Anna, gustong isipin ni Luis na ang tungkol sa personal na buhay niya ang tinatanong nito ngunit malinaw na hindi.

“Don’t ask me, it was hell.”

Naka simangot na sabi ni Luis saka padabog na kinuha ang isang folder na hawak ni Phil.

“You’ve lost her, did you?”

Naka ngisi pa rin na pang aasar sa kanya ni Phil.

“Yes, I did.”

Sagot niya saka sinamaan ng tingin ang kaibigan.

“What did you got?”

Tanong niya dito bago binuksan ang folder at sandaling pinag aralan ang laman niyon.

“Iyan ang ilan sa mga nawawalang mga alahas, gone since this Kitana Dawn Yousaf arrived in Paris a few couple of months ago, and those are some of the precious stones that’s been stolen these past few weeks.”

Seryosong sabi ni Anna.

“None of these are clear, these are just the stolen jewelries ngunit wala pa ring sapat na makakapag turo na may koneksyon ang lahat ng ito sa prinsesa ng Jalil.”

Kunot noo nanamang sabi ni Luis saka muli pang pinasadahan ng tingin ang mga litrato ng nawawalang mga alahas.

“Wala tayong makukuhang lead sa mga alahas na iyan, but maybe we can connect these photos to those.”

Malaki ang ngiting sabi ni Phil saka inilapag sa lamesa ang isa pang folder, halos mag unahan pa sila ni Anna sa pag kuha niyon ngunit sa huli ay ang babae pa rin ang naunang naka kuha.

“Holly hell, these are actually good, Phil.”

Naka ngising sabi ni Anna habang pinapasadahan ng tingin ang ilang mga litrato at files na nakuha ni Phil.

“Here Luis, kuha ito ng mga CCTV cameras sa bawat hotels, events and every places our suspect has been to.”

Sabi ni Anna saka inilapag ang ilan pang mga litrato.

“Not just hotels, events and places, tugma lahat ng mga kuha ng CCTV sa lugar ng nakawan, even the same time as the burglaries happened. She was there and everywhere kung saan ang nakawan, and I don’t think this is just a coincidence, Luis.”

Paliwanag ni Anna sa mga files na iyon.

Sandali namang napa isip si Luis, mayamaya pa ay agad din siyang napangiti.

“Still thinking that this princess is an innocent little girl, Phil?”

Naka ngising pang aasar ni Luis kay Phil.

“If she is indeed the one behind these burglaries, why do you think she do these? She’s a princess of a wealthy country.”

Tila wala sa sariling tanong ni Phil saka umaktong tila nag iisip.

“Wealthy country and a wealthy family.”

Sabay na napalingon si Luis at Phil nang mag salita si Anna.

“Kitana Dawn Yousaf, that is the name she’s been using since the day she and her mother left their kingdom.”

Dagdag pa ni Anna.

“Left?”

Kunot noong tanong ni Luis, mabilis namang tumango si Anna bago muling nag salita.

“She was seven years old when she and her mother left their kingdom, according to my research, this king Shalef Bin Yousaf Al-Sayed sent them to Paris para dito sa Paris pag aralin ang unang prinsesa, I tried to look for every schools but I did not find any records of her that will prove that the princess indeed stayed and studied here.”

Mahabang paliwanag ni Anna.

“And get this,”

Sabi ni Phil.

“Also, according to my research, this beautiful slash princess slash suspect, is a well-known and top paying model in the Philippines.”

“Model?” – “So this woman is famous?”

Sabay na sabi ni Luis at Anna.

“Yes and yes, anyway, as I dig in further to my research she’s been staying in the Philippines with her mother since she was seven.”

Dagdag pa ni Phil.

“So the king Shalef lied about the first born princess and her mother? Why?”

Tila naguguluhang sabi ni Anna.

“That’s what we are going to find out.”

Sagot naman ni Luis saka muli pang pinasadahan ng tingin ang litrato ng babae.

“She’s got a lot of secrets, this woman is a mystery, people.”

Desididong sabi ni Anna saka tumahimik.

“Secrets, mysteries about this woman, which makes me think that there really is something off about her.”

Sabi din ni Luis, saka tinitigan ang litrato ng maganda nilang suspect.

‘Model huh?’

Luis whispered to himself as a wide smile started to form on his face.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
thank u author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status