Share

Kabanata 4

“Hindi namin alam ang sagot diyan. Baka may ginawa si Seannah” Mataray na sagot ni, Zamara.

“Hanapin ninyong dalawa si, Seannah. Baka mamaya may mangyare sa kaniyang masama.” 

Nag aalala lang talaga ako kay, Seannah dahil baka mamaya may gawin na naman siyang kalokohan. Mahirap na dahil, paniguradong may magagawa na naman siyang hindi kanais-nais.

“Una sa lahat hindi mo kame utusan. Pangalan, ikaw ang gumawa pinag-uutos mo.” Pagsusungit ni, Lainarashi sa akin tsaka siya tumayo at lumakad papunta sa kwarto niya.

Tinignan ko naman si, Zamara pero tumayo rin siya at saka pumasok sa kwarto niya.

“Bweset” Inis kong sambit.

            

               

                 

          

AUTHOR's POV

HABANG inis na inis si, Ryleigh ay busy naman si Seannah, sa kaniyang sinusundan.

Sinusundan niya kase ngayon ng palihim ang Poisonous Gang. Alam niyang delikado ang kaniyang ginagawa pero hindi na niya iyon pinansin pa.

{KRINGG-KRINGG-KRINGG}

Nahinto bigla ang Poisonous Gang, nang makarinig sila ng cellphone na nag-riring. Habang si Seannah, naman ay dali-daling i-noff ang cellphone.

Inis na inis naman si Ryleigh, dahil hindi sinasagot ni Seannah, ang tawag niya.

“Sinong andiyan?” Seryosong tanong ni, Chester at dahan dahan siyang naglakad para silipin kung sino iyon.

CHESTER SANTOS— Siya lang naman ay may malaking galit kay, Leizel.

Kaagad na lumakad si Chester, para tignan kung sino iyon at pagtingin niya ay isang pusa lang pala.

“Meow meow meow”

“Tsk! Pusa lang pala. Tara na” Sabi ni, Chester sa mga kasama niya kaya lumakad na ulit sila.

Nakahinga naman si Seannah, ng maluwag habang nakatago sa likod ng basurahan.

                

                   

HABANG si Sierra, naman ay pikon na pikon ang pagmumukha habang na sa loob ng classroom.

“Hindi 'raw pumasok si, Seannah” Bulong ng isang alalay ni, Sierra sa kaniya.

“Bweset talaga ang babaeng iyon.” Galit na sabi ni, Sierra habang nakayukom ang dalawang kamao.

               

       

HABANG si Seannah, naman ay naisipan nalang na umuwe dahil alam niyang may mangyayareng masama kung ipipilit niya pang sumunod.

            

          

KINABUKASAN ay maagang pumasok si, Seannah sa B.U

Habang naglalakad siya sa may field ay bigla nalang siyang napahinto dahil sa nakita niya. Nakita niya si Leizel, na nakaupo sa isang bench habang may headset sa tenga.

Napailing nalang siya at kaagad na siyang dumeretsyo para pumasok.

          

        

               

                    

RYLEIGH POV

“Hindi ka pumasok?” Malamig kong tanong kay, Lainarashi nang makita ko lang siya dito sa hide out.

“Hindi na muna. Si Zamara, nalang muna ang papasok ngayong araw. Medyo pagod pa ang katawan ko.” Seryosong sagot niya kaya tumango nalang ako.

Kumuha ako ng tubig sa ref at kaagad akong uminom.

“Ryleigh, may alam ka ba tungkol sa taong may pangalan na Black?”

Bigla akong napahinto sa pag inom dahil sa tanong sa akin ni, Lainarashi.

“Bakit mo iyan natanong sa akin?” Pabalik kong tanong sa kaniya.

“Nagtataka lang ako at gusto ko lang din malaman kung sino ba talaga siya. Nagtatanong ako sayo kase baka may alam ka na hindi namin alam.” Saad nito kaya napaiwas ako ng tingin.

“Hindi ko siya kilala, Lainarashi” 

“Pero nakalaban mo na siya hindi ba?” Tanong ulit nito at tila inuusisa talaga ako.

“Oo, pero gaya nga ng sinabi mo 'nakalaban' ko lang siya pero hindi ko na inalam kung sino siya. Hindi naman kase ako interesado sa mga kagatya niya.” Diretsyo kong sagot kaya napatango siya.

“Okay. Maniniwala nalang ako sa sagot mo.” Mataray na sabi nito kaya napailing nalang ako.

Maraming tao ang gustong makilala si Black. Si Black, kase ang tinaguriang 'The Black Shadow' Para kase siyang anino lang at bigla-biglang susulpot tapos mawawala.

Maraming tao sa underground ang takot na kalabanin siya. Bakit nga ba? Dahil si, Black ay isang malakas at demonyong tao.

Brutal siya kung pumatay ng tao. Wala kang 'awa' na makikita sa mga mata niya. Masaya siya kapag nakakaganti at nakakapatay. Kaya nga marami 'rin ang gustong pumatay sa kaniya. Kaso hindi nila kayang mapatay si, Black dahil hindi naman nila alam kung sino nga ba talaga ito.

Marami na 'rin ang sumubok na alamin kung sino nga ba talaga siya sa likod ng maskara, pero lahat ng nagtatakang alamin ang pagkatao niya ay bigla-bigla nalang namamatay.

Kapag nakakita ka ng black rose card sa tabi mo o sa gamit mo, ibig sabihin 'Katapusan' mo na.

Si Black, na mismo ang papatay sayo. 

Isang halimaw si, Black kung makapatay.

                    

           

             

                     

ZAMARA POV

I'm Zamara Ripley, 24 year's old.

I'm sure naman na kilala niyo na ako.

Andito nga pala ako ngayon sa classroom(Section Diamond)

Kanina pa tahimik si, Seannah at ayaw ko namang lapitan siya para lang tanungin kung may problema ba siya. Kanina ko pa rin palihim na tinitignan ang Poisonous Gang.

Grabe parang wala lang nangyare. Pero inutos na rin sa amin kahapon ni, Ryleigh na palihim namin na susundan ang Poisonous Gang.

Dito lang sa utos na ito sumang-ayon si, Lainarashi.

     

*****     

MATAPOS ang klase ay kaagad kameng dumeretsyo sa cafeteria. Habang nainom ng tubig si, Seannah ay nakaramdam akong parang may mali.

Isusubo na sana ni, Seannah ang pagkain niya, pero mabilis ko siyang pinigilan. “Seannah, huwag mong kakainin iyang pagkain na nasa table mo.” Seryosong sambit ko kaya napatingin siya sa akin.

“May problema ba?” Nagtatakang tanong nito kaya masama kong tinignan ang grupo ng Poisonous Gang.

Mga nakatingin rin sila sa amin.

Binabalak ba nilang lasunin kame?

“Amina” Kinuha ko ang pagkain niya at pagkain ko saka ako tumayo at mahinhin na lumapit sa table ng Poisonous Gang.

Pagkalapit ko ay sa kanila...

“Ayy sorry” Kagat labing sabi ko dahil sinadya kong itapon ang pagkain namin ni, Seannah sa pagkain ng lider nila at sa pagkain noong dalawang lalaki.

“The fuck!” Bulalas ng isa na may name na, Laxous. 

Nabasa ko ang mga name nila sa kanilang tag name.

“What the hell is your problem woman?!” Galit na galit na tanong sa akin ni, Vladius kaya nginisihan ko sila.

“My problem? Well wala naman sana, kaso mga papansin rin kayo. Now bahala kayong kainin ang pagkain na nilagyan niyo ng lason.” Ngising sagot ko kaya nagkatinginan sila.

Kaagad ko namang tinignan si, Seannah. “Tara na, Seannah” sabi ko sa kaniya kaya tumango siya.

Akala siguro ng Poisonous Gang, hindi ko iyon malalaman. Tsk, sobrang malas nila dahil iba akong tao. Masyado nila kameng minamaliit porket mga baguhan kame. 

             

       

      

              

AUTHOR's POV

NANG maka-alis na sila, Zamara at Seannah ay nakaramdam naman ng galit si, Vladius. Kaagad itong tumayo at walang emosyon ang mukha na lumabas ng cafeteria. Sinundan rin naman siya kaagad ng mga kaibigan niya.

     

          

HABANG naglalakad sila sa field ay nahagip ng mata ni, Vladius si Sierra, na may kasamang lalaki. Mas lalo tuloy siyang nagalit dahil sa nakita niya.

“Mukhang pinagpalet ka na talaga niya, Vladius” Sambit ni, Chester kaya naiyukom ni Vladius ang kamao niya.

“May plano na ako” Malamig na sambit ni, Vladius tsaka ulit sila lumakad.

      

        

PAGKARATING nila Vladius, sa office niya ay kaagad siyang naupo sa swivel chair niya.

Siya nga ang SSG President, pero ni-minsan ay hindi manlang nkya ginawa ang gawain ng isang SSG PRESIDENT.

“Anong plano mo?” Takang tanong ni, Chester.

     

                               

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status