KylieEveryone is busy. Foundation week na kasi ng university sa susunod na linggo. Kaya naman ay aligaga na sa pag-aasikaso ang iba’t ibang organisasyon at clubs ngayon para sa kanya-kanya nilang pakulo.Well, not me. I’m not really interested in such events. I’d rather sleep all day than participate with them.“Aren’t you going to join the event?”Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang nakahalumbaba. Para bigyang daan ang ginagawang preparasyon ay wala kaming gaanong klase buong linggo. Nag-iwan lang ng take home activity ang mga professor namin. Pero nang dahil sa sobrang bored ko ay natapos at naipasa ko rin naman agad ang mga ito.“No. Wala ako sa mood saka hindi ako interesado.”Hindi ko nilingon si Caleb. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya kayang harapin. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay paulit-ulit kong naririnig ang tanong niya sa ’kin noong gabing ’yon.Will you get mad if I kiss you right here?My lips thinned from irritation. Ang akala ko ba ay may babae
Caleb“Kylie, gumising ka na raw sabi ni Mr. Aragon. Handa na ang almusal,” malakas kong tawag mula sa labas ng pinto pagkatapos kong kumatok.Ilang minuto rin akong naghintay ngunit wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. “I’ll come in,” wika ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto.There, I saw her still sleeping peacefully. Palibhasa kasi ay late na rin siyang natulog kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw na rin ’yon.Unti-unti akong naglakad palapit sa kanya. Bahagyang nakababa ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan at halos nasa gilid na siya ng kama.Marahan akong napailing habang nakapamulsa. “Ang likot mo pa ring matulog.” Hindi ko napigilan ang sarili na mapatitig sa kanyang maamong mukha. Sa isang iglap ay nakalimutan ko ang dahilan ng pagpasok ko rito. “I guess there are some things that still don’t change no matter how many years have passed.”Ilang minuto na rin akong nakatayo rito at pinagsasawa ang sarili na titigan ang mukha ni Kylie pero mukhang
KylieFoundation week na. Pero heto ako at nakatambay lang sa isang tabi. I’m really bored to death. Gustuhin ko mang manatili na lang sa mansyon ay hindi rin naman matatahimik ang mundo ko dahil nandoon si Caitlin. Paniguradong kukulitin niya lang ako para mag-practice. Ang energetic pa naman masyado ng babaeng ’yon. Malayong-malayo ang ugali niya sa kuya niya.Sa Friday pa ang schedule ng pageant. Pero sana ay nauna na lang ’yon para tapos na agad.“Coffee?”Napaangat ako ng tingin kay Caleb bago lumipat ang atensyon ko sa hawak niyang baso na naglalaman ng kape at kinuha ’yon. “Thanks.”Mula sa pagkakatayo ay tumabi siya sa ’kin ng upo. Hinayaan ko na lang ito dahil wala rin namang mangyayari kahit ipagtabuyan ko pa siya. Isa pa ay pagod na rin akong makipagtalo sa kanilang magkapatid.“Handa ka na ba sa Friday?” tanong niya bago sumimsim ng kape. It’s really weird to see a vampire drinking coffee.Napasimangot ako. “Wag mo akong simulan ng pang-aasar.”He looked at me innocently.
KylieKasalukuyan akong nakatambay at nagbabasa sa hardin namin kasama ang matalik kong kaibigan na si Adrian. Aalis na kasi siya mamaya patungong ibang bansa para magbakasyon kaya naisipan niyang tumambay muna rito sa ’min. Susunduin na lang daw siya ng papa niya na si Tito Sebastian kapag paalis na sila.Ilang linggo na rin ang nakalilipas magmula ng magtapos kami ng senior high school. Kaya naman ay gusto raw muna niyang magliwaliw bago kami tumuntong ng kolehiyo sa susunod na pasukan.Ngunit nagambala ang tahimik kong pagbabasa nang bigla na lang niya akong kiniliti. Magkatabi lang kasi kami habang nakaupo sa damuhan. Dahil dito ay biglang naging alerto ang mga nagkalat naming tauhan sa paligid. Kaya naman ay mabilis ko silang sinenyasan na ayos lang ako.“Ibang klase talaga kapag anak ka ng isang mafia boss. To the rescue agad ang mga men in black!” bulong ni Adrian bago ngumisi.Mahina ko namang binunggo ang balikat ko sa kanya. “Sira! Wala kasi si Papa ngayon. Kaya siyempre ay b
KylieNatigilan ako sa paglilinis ng hawak kong baril nang marinig ko ang biglang paghinto ng makina ng isang sasakyan. Mula sa pagkakaharap ko sa salamin ay tinungo ko ang bintana at bahagyang hinawi ang puting kurtina upang sumilip sa labas.Mariin kong ipinagdikit ang mga labi nang makita si Papa na bumaba mula sa isang kulay itim na Rolls-Royce. Ngayon lang siya nakauwi magmula nang umalis siya kagabi. Kahit hindi siya magsalita ay paniguradong may kinalaman na naman ang pinuntahan niya sa underground society.Napailing ako at muling isinara ang puting kurtina bago bumalik sa harap ng tukador. Itinago ko ang hawak na baril sa pinakaibabang drawer bago nagsimulang magbihis. Nang matapos ay namili naman ako ng susuotin kong relo. Napangiti ako nang makita ang paborito kong kulay itim na smartwatch. Mayroon itong built-in GPS tracker, camera at microphone. Agad ko itong sinuot bago ko kinuha ang backpack sa ibabaw ng kama at lumabas na ng kuwarto.Sa pagbaba ko ng hagdan ay agad akong
Kylie“Ano ba talaga ang totoong nangyari, Miss Aragon? Paano ka nasangkot sa away nitong dalawa?”Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakahalumbaba sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa kawalan.“Miss Aragon, please speak up. We need your cooperation on this issue. Or else, you’ll be punished too.”Malakas silang napasinghap nang bigla akong humikab. Mas lalo lang akong nakararamdam ng antok nang dahil sa ginagawa nilang pagtatanong. Nagsasayang lang sila ng laway at oras.“I hate explaining myself. That’s why you can do anything as you please,” I answered just to finally end the discussion.Biglang napahilot sa kanyang sentido ang may edad ng Disciplinary Committee President nang dahil sa naging sagot ko.Nilingon ko naman ang dalawang lalaki na kaharap ko. Tinaasan ko sila ng kilay dahilan para mapaiwas sila ng tingin.“Then you leave us with no choice. You’ll be suspended as—”“Wala po siyang kasalanan. Ang totoo niyan ay umawat lang po siya sa ’ming dalawa ni Jay.”Nagulat ang
KylieNaalimpungatan ako nang dahil sa init ng sinag ng araw na tumatama sa ’king mukha. Kaya naman ay bahagya muna akong tumagilid ng higa bago dahan-dahang binuksan ang aking mga mata.Ngunit bigla akong napabalikwas ng bangon nang mapansin na nandito na ako sa loob ng kuwarto ko ngayon. Nasapo ko naman ang ulo ko nang bigla itong kumirot.Nakangiwing hinilot ko ang sentido at pilit na inalala ang mga nangyari kahapon. Pero bukod sa ginawang pagtatraydor nina Arc at Vien ay may isang bagay pa na mas nangingibabaw at gumugulo sa isipan ko ngayon.Sino ang lalaking nagligtas sa ’kin? Saka paano niya ako nagawang maiuwi rito sa isang iglap lang?In the first place, how did he even know where I live?Nilingon ko ang maliit at bilugan kong orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na alas-diyes na pala ng umaga.Dali-dali akong bumaba sa kama at lumabas ng kuwarto. Ni hindi ko na alintana kung ano ba ang hitsura ko at maging ang ayos ng buhok
Kylie“Ibinalita sa ’kin ni Caleb ang nangyari kahapon. Ngayon ka lang ata nagtangkang tumakas nang dahil sa isang bodyguard. Why is that? Can’t you at least give him a chance?”Natigilan ako sa akmang pagsubo bago sinamaan ng tingin si Caleb na kasalukuyang nakatayo sa dulo ng hapag kainan. As usual, his face was void of any emotion. He looks like a robot that’s being controlled, or whatever.“Ngayon lang din po ako nakakita ng bodyguard na sumbungero,” sarkastiko kong sagot.Pinunasan ni Papa ang tabi ng kanyang labi bago uminom at tumayo.“Ayoko ng mauulit pa ’yon. Naiintindihan mo ba? If that’s your way of getting rid of him, then you’re just wasting your time,” he said in a warning tone.Aapela pa sana ako pero mabilis na niya akong tinalikuran. Agad namang sumunod sa kanya ang ilan sa mga tauhan namin.Napakuyom ako ng kamao nang muli akong mapabaling sa direksyon ni Caleb. Pero dahil wala namang epekto ang kahit na anong himutok ko sa kanya ay naiinis na nagpatuloy na lang ako s