Share

CHAPTER 19

Araw ng lunes at tila tinatamad pa akong pumasok. Puyat na naman ako dahil magdamag na naman akong nag-ml kagabi. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nagawang kumilos na maligo at magbihis. Hanggang sa makarating ako sa school ay tila wala pa ako sa sarili, ni hindi na nga ako nakapagsuklay eh. Hindi na bale at maganda pa rin naman ako.

"Zayara! Hoy, bruha hintayin mo kami! " Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang dalawang bruha sa likuran ko. Nagtatakbo sila papalapit sa akin. Napahikab naman ako ng wala sa oras na tinawanan nilang dalawa nang makalapit sila sa akin.

"Kaka-ml mo yan! "

Napatawa ako nang sabay nila iyong sabihin sa akin. Mukhang alam na talaga nila kung ano ang dahilan ng puyat ko. Kung sana ay hinayaan nilang maimpluwensyahan ko sila, edi sana tatlo kaming naghihikab at kulang sa tulog ngayon.

"Mauna na kayo sa classroom, may pupuntahan lang ako. "

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Beatrix at Lesley dahil nagtatakbo na agad ako palayo. Dumeretso ako sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status