Share

Chapter 20

WALA sa sariling inamoy ni Ella Jane ang suot niyang blusa at inalam kung dumikit pa ba ang pabangong ginamit niya kanina nang lumabas siya ng bahay. Mabuti na ang sigurado, baka peke ang inutang niya sa kapitbahay na hindi pala aabot kahit isang oras lang ang pabango na tinda nito. Nang masiguro niya na kumapit pa pala ang pabango ay inayos na niya ang suot at humakbang palapit sa gate.

Ito ang pangalawang beses na nakapunta siya sa bahay ni Rafael. Ilang kalye lang naman ang agwat nila pero pakiramdam niya ay sobrang layo nila ng lalaki. Mabuti na rin iyon para maiwasan niya ang malas. Dahil hanggang ngayon ay tumalab pa rin ang kulam, mukhang wala yatang expiration date ‘yon. Ang malas niya talaga.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang malungkot dahil hindi niya matandaan kung paano siya nakarating sa bahay ni Rafael noon. Ang laki siguro talaga ng tama sa kaniya ng alak at pati ang detalye na iyon ay hindi niya maalala. Hindi niya rin alam kung dapat ba niya iyong ikatuwa na hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status