Share

Chapter 21

MULING naramdaman ni Ella Jane ang labi ng binata na inaangkin na naman ang labi niya. Para itong isang bata na nahanap ang masarap na gatas ng ina. Pero ibang gatas yata ang nahanap nito sa kaniya.

Wala siyang ibang nagawa kun’di ang pumikit at makiramdam sa bawat halik na ibinibigay nito sa kaniya. Ito na yata ang halik na ayaw niyang matapos. Bawat galaw ng labi ni Rafael ay parang kinikiliti ang buo niyang katawan. Parang kinakalkal pati ang kasulok-sulokan niya.

Dahan-dahan siyang pinahiga ni Rafael sa higaan nito. Hindi nga niya napansin na nasa kuwarto na pala sila. Parang kanina lang ay nagtatalo pa ang utak at puso niya kung tutugon ba siya sa halik ng binata o hindi.

Lunod na lunod ang masarap na dulot ng halik ni Rafael sa kaniyang katawan. Hanggang sa ang halik nito ay bumaba patungo sa kaniyang leeg. Ramdam na ramdam niya ang hininga nito na dumapo sa kaniyang balat. Pakiramdam niya, tumayo yata ang mga balahibo niya upang pagbuksan ng pinto ang binata.

Ganito pala ang pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status