“Kumusta naman ang trabaho mo?”
Hinubad niya ang suot na heels at pumasok na sa loob ng bahay. Medyo sumakit ang paa niya kalalakad sa buong classroom. Dalawang section pa naman ang tinuruan niya kanina dahil ang guwapo niyang kasama ay hindi nagpakita. Tapos ang sabi pa naman ng Kapitan nila ay hati sila sa suweldo no’ng lalaking `yon at hindi man lang nagpakitavsa unang araw ng klase. Unfair naman yata ‘yon.Huminga siya nang malalim nang mahubad na niya ang heels. Mas mabuting doll shoes na lang ang gamitin niya bukas, kahit pa magmukha siyang hindi teacher sa height niya. Wala naman siyang pakialam do’n, as long as hindi mabawasan ang sahod niya. May kahati na nga siya eh.Nakangiti pa ang Mama niya nang salubungin siya nito. Kinuha nito ang kaniyang bag.“Ayos naman, `Ma. Ang cute ng mga bata,” sagot niya nang makaupo sa sofa.Mas maayos sana kung nagpakita man lang ang lalaking ‘yon. Baka hindi sumakit ng sobra ang paa niya. Kasalanan talaga lahat ng lalaking ‘yon kung bakit naging miserable ang araw niya.Kumalma ka, Ella. Kumalma ka. Baka may importante na lakad ang lalaking ‘yon kaya hindi nakapasok.Sa TV agad dumapo ang mga mata niya, nanonood na naman pala ang Mama niya ng Korean drama. Kung Korean drama ang pag-uusapan, ang Mama na niya ang panalo. Halos iiyak yata ang araw kapag hindi makapanood ang Mama niya. Bumalik yata sa pagka-teenager.Pero at least, panatag na siya. Mukhang nakapag-adjust na rin ang Mama niya. Panatag na ang loob niya na kaya na ng Mama niyang harapin ang buhay na hindi kasama ang Papa niya.Medyo matagal na rin naman ang panahon na `yon. Pero hindi ganoon kadali ang lahat, hindi madaling lumimot. Gaya ng nangyari sa kaniya. Hindi madaling gamutin ang puso na hindi normal ang sugat. Kung sana may band-aid para sa puso, bumili na sana siya.Biglang may dumaan na amoy sa ilong niya. Hindi nga lang niya matukoy kung ano. Kahit anong gawin niyang hindi pagpansin sa amoy ay mas lalo lamang naaamoy niya ng tudo iyon. Pero nang tingnan niya ang Mama niya ay nasa TV pa rin ang pansin nito.“`Ma?” tawag niya sa Mama niya na hindi man lang nag-abalang lumingon. “May naaamoy po ba kayo?”“Yes, `yong paa mo. Medyo mabaho.”Napaismid siya. Ang paa pa talaga niya ang napansin nito. Namamaga na nga iyon, nadamay pa talaga. “Ibang amoy kasi, `Ma. May niluluto po ba kayo?”Natigilan ang Mama niya at nilingon siya. Nanlaki ang mga mata nito. Ibinuka nito ang bibig pero walang salitang lumabas. Lumunok ito ng laway. “`Yong sinaing ko! Nasusunog na yata!”Napailing na lang siya. May niluluto naman pala tapos dinamay pa ang kawawang paa niya.Ayan, Korean drama pa more, natatawang bulong niya sa isip.***MAAGA na naman siyang nagising. Siya na ang nagluto ng agahan dahil kahit anong gising niya sa Mama niya ay panay hilik pa rin ito. Nagsaing na siya at nagluto na rin ng ulam bago siya nagpasiyang maligo makalipas ang ilang minuto.Nang dalawin niya muli ang Mama niya sa kuwarto ay natutulog pa rin ito. Muli na naman niya itong ginising pero naka-silent mode pa rin. Mukhang puyat yata, baka tinapos na naman nito ang sinusubaybayan nitong series. Iba talaga ang epekto niyon sa Mama niya.Pero sana lahat, pinagpupuyatan.Noong nasa college siya, na-addict din naman siya sa ganiyan pero hindi umabot sa puntong magpupuyat siya. Ang suwerte naman yata ng mga Korean actor kung pagpupuyutan niya pa talaga.Agad siyang napailing. Dapat pala sa mga Korean actor na lang siya nagpuyat. Baka may silbi pa ang mga gabing hindi siya natulog. Maling tao kasi ang pinagpuyatan niya noon. Maling-mali pala talaga siya.Matapos niyang kunin ang tuwalya ay agad na siyang pumasok sa banyo at naligo.Minsan talaga, may mga bagay na saka na lang natin malalaman na mali pala kung tapos na nating gawin. May mga bagay na dapat muna nating pagdaanan bago natin malaman kung karapat-dapat ba o hindi. Ayos din eh, `no? Kailangan muna nating masaktan bago malaman kung para sa atin ba talaga ang taong iyon o hindi.Sabagay, mas mabuti na rin na maranasan. Kaysa sa pagsisihan kung bakit hindi natin ginawa.“Mama!” tawag niya sa Mama niya. “Pahingi po ng shampoo, nakalimutan kong magdala!”***“BALITA ko, ang pogi raw ng kasama mo sa trabaho.” Kinindatan pa siya ng Mama niya.Natigil ang pagsubo niya nang ngumiti ang Mama niya nang nakaloloko. Hindi siya sigurado kung ang teacher ba na lalaki ang tinutukoy ng Mama niya na sumira sa araw niya kahapon. Mukhang magsisimula na naman ang Mama niya.“Ay, opo,” masigla niyang sagot at tumugon sa ngiti nito. Pero bago siya sumagot ay inihatid muna niya ang kutsara sa bibig. “Ang pogi po ni Kuya Marlon, malinis na malinis ang classroom ko.”Biglang nawala ang ngiti ng Mama niya. Mas mabuti ng unahan na ito. Si Kuya Marlon ay iyong janitor ng Baranggay Hall. Dalawang palapag kasi ang Baranggay Hall nila. Ang nasa ikalawang palapag ay naroon ang opisina ng Kapitan at ang mga nagtatrabaho sa baranggay nila. At sa unang palapag ay naroon ang dalawang classroom para sa Day Care.Nasapo ng Mama niya ang noo nito. “Hindi si Marlon ang tinutukoy ko.”“Eh, sino po ba? Si Kuya Marlon lang naman ang guwapo sa Baranggay Hall eh.” Siya naman ang kumindat. “Kahit pa pumunta ka sa Baranggay Hall, baka sabihin mo pang sinungaling ako eh.”Gusto niyang matawa sa inaakto ng Mama niya. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain at tinusok sa tinidor ang isang hotdog na medyo sunog. Siya na lang ang kakain nito, total siya rin naman ang nagluto.Kaya nga hindi siya pumasok sa mga kurso na may kinalaman sa pagluluto kasi mukhang sa pagkain lang siya may talent. Hindi talaga magkasundo ang kamay niya at ang sandok. Hindi niya alam kung bakit. Baka siguro sa pagkain lang talaga siya magaling.“Pumunta kasi rito si Kapitan kahapon,” panimula ng Mama niya, “ang sabi pa ni Kap ang pogi raw ng kasama mong teacher.”Ah, bulong niya. Sino pa nga ulit iyon?“Ah, ‘yong teacher ba? Hindi ko namukhaan eh,” aniya upang tigilan na siya ng Mama niya. Baka kasi kung saan na naman mapunta itong pag-uusap nila.Sinulyapan niya ang wall clock na malapit sa may bintana nila. May isang oras pa pala siya upang maghanda ng mga dadalhin niya. Mabuti na lang talaga at maaga siyang nagising kanina.“Pogi ba, anak?”“Hindi ko nga po namukhaan—”“Grabe naman, pumikit ka lang ba kahapon? Paanong hindi mo namukhaan? Ano bang pangalan no’n? Baka kilala ko.”Sabi na nga ba.Hindi talaga siya nito titigilan. Nagmadali na lang siya sa pagkain upang makaalis na. Pero hindi nagbaba ng tingin ang Mama niya at mukhang hinihintay ang tugon niya.“Hindi ko nga po namukhaan kasi hindi naman pumasok ‘yon kahapon.” Nagpakawala siya ng malakas na hininga at kinuha na ang plato niya na wala ng laman. “Oh, ano? Okay na?”“Anong pangalan nga!”Hindi na niya sinagot ang Mama niya at iniwan itong hindi pa tapos sa pagkain. Wala rin naman siyang maisasagot dahil hindi naman niya alam ang pangalan ng binata.***“Good morning, Teacher Ell!”Tatlong bata ang kaniyang nadatnan na may hawak na walis at nililinis ang buong silid. Aba, kung ganito lang palagi ang madadatnan niya, walang rason na magalit siya sa mga bata.Noong Elementary siya hanggang sumabak sa High School ay palagi silang napapagalitan ng kanilang class adviser. Iba kasi kapag sa public nag-aral, walang janitor o maintenance na maglilinis ng bawat classroom. Sila mismo ang naglilinis, sa umaga, sa tanghali, at sa uwian.Gano’n palagi ang routine nila. Maglinis kapag bagong dating, maglinis pagkatapos kumain, at malinis kapag uuwi na. At kapag hindi nagawa, may magiging dragona.“Good morning, girls,” bati niya rin sa mga bata at inilapag sa mesa niya ang dala niyang bag. “Ang aga niyo yata ah?”“Yes po, Teacher Ell. Sumabay po kasi ako sa Mommy ko,” sagot sa kaniya ng isang bata habang patuloy pa rin sa pagwawalis.“Me too, Teacher.”“Same here,” sagot din naman ng isa.Mayayaman ang mga batang tinuturuan niya. Pero nakabibilib lang na sa Day Care Center ng baranggay nila pinapasok ang mga bata. Sa panahon niya kasi noon, kapag mayaman, sa private dapat. Ganoon talaga ang pag-intindi niya noong bata pa siya. Pero depende pala iyon sa mga magulang.“How about you, Teacher? Bakit po maaga kayo?” Natapos na pala ang paglilinis ng mga bata at kasalukuyang nakatingin na sa kaniya ang tatlong bata.“Ah,” aniya at nag-isip ng rason. Bakit nga ba maaga siya? Ngumiti siya sa mga bata. “Dapat ba may rason?”Sabay na nagtawanan ang mga bata dahil sa sagot niya. “Well, we’re just asking,” sabay na sagot ng mga estudyante niya.Ilang minuto lang ang lumipas ay nagsidatingan na ang mga bata. Ilang minuto na lang din ay magsisimula na ang klase niya.Nagpasiya siyang lumabas upang tingnan kung dumating na ba ang guro sa kabilang classroom. Hindi niya alam kung anong dahilan nito at hindi ito pumasok kahapon. Kung hindi na naman ito papasok, ililipat na lang muna niya ang mga estudyante nito sa klase niya ngayon.Paglabas niya ay nakita niya ang lalaki na naglalakad patungo sa puwesto niya. Pasuray-suray pa ito at parang hindi alam kung saan dapat patungo. Hindi siya nakagalaw, nanatili siyang nakatingin sa binata na parang nasa impluwensiya ng alak.Pumasok ba naman ng lasing.Narinig niya si Kuya Marlon na tinawag ang pangalan ng lalaki.“Nako!” ulit pa ni Kuya Marlon na nasa tabi na pala niya. “Si Sir Rafael yata `yan!”Agad nitong nilapitan ang lalaki at iginiya papauwi. Ano bang pumasok sa isip nito at pumasok ba naman ng lasing.Napailing na lang siya at tinahak ang classroom ng lalaki. Mukhang sa kaniya na naman ang mga estudyante nito.“Bakit hindi na lang ako?” sigaw pa ni Rafael habang akay ni Kuya Marlon.“Ha?” gulat na tanong sa kaniya ni Kuya Marlon at hinarap siya habang kumakain ito ng tanghalian. Naiwan pa sa ere ang hawak nitong kutsara at bahagyang nakanganga ang bibig nito.Gano’n ba talaga nakagugulat ang tanong niya?Okay, out of the blue moon din naman kasi. Bigla ba naman siyang nagtanong ng ganoon kahit masasarap na pagkain ang pinag-uusapan nila ni Kuya Marlon.Hindi lang kasi mapanatag ang utak niya. Lalo na nang makita niyang lasing ang binata at sumigaw pa ito ng gano’n. Malaki lang siguro talaga ang problema ng lalaki at nagawa pang magpakitang lasing sa Baranggay Hall.Kahit sino naman na may problema, minsan ay nawawala sa sarili. Kaya hindi maalis sa utak niya ang nangyari.Hinawakan niya ang baso niya at nilagok ang laman niyon habang humihiling na sana ay hindi mag-isip ng ibang dahilan itong kaharap niya. Baka iba ang pagkaintindi nito sa tanong niya.Nagsiuwian na ang mga bata pagkatapos matapos ang klase niya sa umagang iyon kaya si Kuya Marlon na naman ang ka
Agad napabalikwas ng bangon si Ella nang yumakap sa kaniyang mukha ang malamig na tubig. Dumaloy iyon patungo sa kaniyang buhok at leeg. Napamura pa siya sa kaniyang isip at nagtanong kung sinong gumawa no’n. Ang ganda pa naman ng tulog niya bunga ng pagod.Sobrang pagod ang humawak sa mga binti niya pababa sa kaniyang paa. Feeling detective kasi siya kahapon at sinundan pa talaga niya si Rafael. Ewan din ba kung anong pumasok sa utak niya at nagawa siyang sundan ito hanggang sa makauwi.Akala niya kasi ay mag-iinom na naman ito. Concern lang siya sa mga bata na hindi na naman sisiputin ng magaling nilang guro, yes, iyon lang talaga ang dahilan niya.Hindi ba talaga puwedeng concern lang siya?Baka kasi kung may makaaalam ng ginawa niya ay iba na naman ang pagkaintindi. Wala siyang gusto sa lalaking ‘yon, wala na talaga.Daig pa niya ang dancer na sumayaw buong maghapon, sobrang sakit ng binti niya. Hindi na kasi siya nakapagpalit ng flat na sandal. Nagmadali kasi siyang lumabas nang
Panay sulyap siya kay Rafael. Kahit hindi maabot ng isipan niya kung bakit. Tila isa iyong obra na gusto niyang palaging masulyapan at daanan ng kaniyang mga mata. Tila isang libro na nais niyang buksan at basahin kung ano ang nakasulat.Umiling siya at humakbang palayo sa pinto ng classroom niya at pumasok. Hindi siya dapat naninilip. Nakaiinis lang kasi hindi niya tuloy mabigyan ng pansin ang mga bata dahil sa lintik na Rafael iyon. Hindi niya alam kung awa ba itong nararamdaman niya o gusto lang talaga niyang makita ang binata.Gusto niyang makita kung paano ito ngumiti.Sobrang weird, oo. Hindi siya ganito dati. Ni ngiti nga niya na natural ay hindi na niya makita, ngiti pa kaya ng iba?Isang linggo na ang lumipas mula noong pumasok siya sa trabahong ito. Isang linggo na rin na nakikita niya ang lalaki — Maliban pala noong hindi ito pumasok dahil naglasing. Hindi pa pala isang linggo.Counted na lang ‘yon, don't be shy, bulong niya sa isip. Ngayon pa ba siya mahihiya?“Teacher Ell
Maagang dumating ang baranggay nila. Sila nga ang pinakaunang baranggay na dumating sa City Hall. Mas mabuti na rin iyon kaysa sa makipagsiksikan pa sila sa maraming tao upang magpalista sa attendance. Palinga-linga pa siya sa loob ng City Hall, nagbabakasakali na biglang lumitaw si Rafael at sasabihin na "it's a prank". Hindi kasi ito nagpakita gaya nang sinabi nito kahapon. Ano na naman bang gusto no'n? Siya na naman ang magbantay sa mga bata 'tapos hati sila sa sahod? Unfair naman yata.Inakay niya ang mga bata papunta sa isang staff na may hawak ng attendance sheet. Pero agad siyang napahinto, Day Care student itong mga kasama niya, baka abutin sila ng gabi sa paglista pa lang ng mga pangalan.“Dito lang kayo ha? Walang aalis,” aniya at tiningnan ang isang ginang. “Bantayan niyo po muna ang mga bata, kakausapin ko lang ang staff.”Agad namang tumalima ang ginang at inakay ang mga bata sa puwesto nila.Mapapatay ko talaga si Rafael kapag nagkita kami, bulong niya. Sila dapat ang n
Mabilis lumipas ang isang linggo na halos hindi man lang niya namalayan. Nang bumangon siya sa araw na iyon ay napabulong siya. Iyon na ba talaga ang weekend? Seryoso na ba? Bakit parang ang bilis? Wala na ba talagang extension? Parang isang oras lang daw eh. Hindi man lang niya nasulit.Nagmamadali lang siyang naglakad papunta sa Baranggay Hall. Laking pasasalamat talaga niya na walking distance lang mula sa bahay nila ang Baranggay Hall. Hindi na niya kailangan pang ipagsiksikan ang sarili tuwing sasakay siya ng tricycle. Sawang-sawa na siyang ipagsiksikan ang sarili niya na daig pa niya ang isang isda na pinasok sa sardinas.Nagbuga siya ng hangin at hinubad ang high heel niya. Ngayon pa talaga nagloko ang pinakamamahal niyang high heel, nakipag-away pa naman talaga siya sa tindera dahil ayaw magpatawad. Trenta pesos lang naman ang gusto niyang ibawas pero sobrang sakit pala sa bangs iyon ng tindera. Akala mo naman ikayayaman niya talaga.“Seryoso ka na, girl? Sira ka na talaga?” b
Nagsalubong ang kilay niya nang makitang pangiti-ngiti si Rafael na pumasok ng Baranggay Hall. Nasa ikalawang palapag sila ng mga oras na iyon at as always, late na naman si Rafael. Sa lahat ng meeting ng mga staff sa baranggay nila na nakadalo sila ay palagi naman talagang late ang binata. Walang bago roon.Ang tamis pa ng ngiti nito na hindi kailanman dumaan sa isip niya na kayang ngumiti ni Rafael ng ganoon. Maliban sa pagsimangot at wala ng kayang gawin ang binata. Mayroon pa pala, ang sungitan siya.“Good morning,” anito at kumatok pa sa pinto sa nakabukas naman. “Sorry at late na naman ako.”Nagtawanan ang mga staff at tumayo si Kuya Marlon.“Palagi kang late, Rafael. Pati mga bata mo ay nasanay na,” tukoy ni Kuya Marlon sa mga estudyante ni Rafael.“Nah, nasanay ang mga bata ni Rafael na si Ella Jane ang nag-aalaga,” singit naman ng isang Kagawad nila na pinabaunan pa ng tawa.“Ano ba kayo, nakalimutan niyo na bang mag-asawa ang dalawang ‘yan?”Hindi na niya alam kung sinong n
Tumabi sa kaniya si Melonie na halos hindi maipinta ang mukha. Padabog pa nitong inilapag ang bag kasama ang Physical Education uniform nito. Pinagmasdan niya itong pagalit na binuksan ang hawak nitong junk food.“Ayos ka lang?” tanong niya at ipinasok ang cellphone sa bulsa ng uniform. “Bad mood?”Huminga ito nang malalim at tiningnan siya. “Sobra. Akalain mong iba pala ang crush ng crush ko.” “Ano naman ngayon kung iba ang crush niya?”“'Wag mo kong kausapin kung hindi mo naiintindihan ang sitwasiyon ko.” Hinawakan nito ang dibdib at binitawan ang junk food. “Masakit sa dibdib, Ella. I can’t accept the fact—”“Na wala kang dibdib.”Natigil ito sa pagdadrama at tiningnan siya nang masama. Natawa na lang siya sa pinagsasabi nito na para bang katapusan na ng mundo.Totoo naman na wala itong pakialam kung iba ang gusto ng crush nito. Hindi nito hawak ang puso ng lalaking ‘yon. At totoo rin naman na wala talaga itong dibdib. Kahit anong gawin niyang pagtitig ay wala talaga siyang makita
HAHAWAKAN na sana ni Ella Jane ang baso nang biglang narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Napatayo siya at hinarap si Rafael na may hawak ng kaniyang cellphone. Kampante pa itong tiningnan ang screen at pinindot iyon. Narinig niya ang boses ng kaniyang Mama.Hinablot niya iyon at lumayo kay Rafael.Loko! Ano kayang balak ng lalaking ‘yon?“Hello, ‘Ma?” Halos hindi niya marinig ang boses ng kaniyang Mama sa sobrang pagkabog ng puso niya. Hindi lang naman siya umuwi kagabi, siguradong puputak ang kaniyang ina.Ano naman din kasing pumasok sa isip niya? Kasalanan talaga ni Rafael ang lahat! Kasi kung hindi ito gumawa ng kahina-hinala, hindi naman niya susundan ang lalaki. At hindi rin siya makararating sa bar kung hindi niya ito sinundan. Si Rafael talaga ang may kasalanan.Nilingon niya ang lalaki nang makalabas na siya sa pinto. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa Mama niya ang lahat. Hindi niya alam kung anong kasinungalingan ang gagamitin niya ngayon. Ayaw niyang mala