Share

Chapter 31

MAY topak na naman si Stefan at nagsusungit. Hindi na ito kinausap ni Cassandra hanggang matapos ang hapunan. Aliw na aliw siya sa pagkuwento kay Lola Isabela dahil matanong ito tungkol kay Tobi. Iniwan na sila ni Stefan sa hapag at pumasok na sa kuwarto.

“May problema na naman po ba sa opisina?” tanong niya sa ginang.

“Ah, wala naman,” anito. Nagbukas ito ng red wine.

“Masungit na naman ang apo n’yo.”

“Nako, kanina pa ‘yan iritable dahil ilang oras naipit sa traffic. Nasira ang gulong ng kotse niya at nakisakay siya sa van ng kumpanya. Iyong driver kasi hindi kabisado rito kaya kung saan-saan pa lumusot.”

“Bugnutin talaga si Stefan.”

“Huwag mo na lang muna kausapin baka mag-away na naman kayo. Pero napag-usapan na namin kanina na matutuloy ang bakasyon ninyo sa US sa susunod na linggo.”

Marahas siyang napalingon sa ginang. “Next week na po?” gilalas niyang untag.

“Oo, para naman maiba ang hanging malanghap ninyo. At saka mas magkakaroon kayo ng time na mag-bonding na walang i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
Hahahaha Ewan ko sau stefan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status