Share

Kabanata 20

Maximaze Park

Ngumiti ako. “Huwag po kayong mag-alala. Kaya ko po ang aking sarili.”   Marahan akong napatawa dahil sa aking tinuran. Hindi ko dala ang aking arnis o kahit ang aking palaso at pana kaya maliit ang tiyansang maprotektahan ko ang sarili kapag wala si Liene. Aasa na lamang ako sa mga itinuro ni Heneral, ang pag-atake at pagdepensa. Sigurado naman akong mayroon akong natutunan.

Ginulo niya ang aking buhok. “Kumain ka na. Huwag mo ring kakalimutan ang aking pagkain. Ako’y may kakausapin lamang.” 

Tumawa ako. “Opo, Tiyo!” Tumalikod ako sa kaniya at tumakbo papalayo kasama ni Liene.

“Mag-iingat kayo!” pahabol na sigaw ni Tiyo.

Dumeretso kami sa bayan. Kabisado ni Liene ang daan. Nang kami ay makarating sa tindahan ng mga pagkain, masasabi kong marami ngang masasarap na pagkain dito. Sa tingin at amoy pa lamang ay nakakabusog na ngunit iisa lamang ang aking hinahanap, ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status