Maximaze Park
Aking tiningnan si Fritz. “Sorry for the sudden visit.” Ako ay tumango. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magduda. Wala akong pinatawag sa kanila, basta-basta na lamang sila tumutungo rito. “Intruders ambushed Atolon and shot Commander Manuel dead. He entrusted Revi to take charge of Ahouzran. It's his order before he died.”
Ibinaba ko ang aking tingin. Ito ay isang malaking problema. “New Order, our ministry, gave Revi the authority to use the military to help us in the war,” nanginginig na aniya. Namatayan sila ng kumander, balita ko ay isa siyang magaling na kumander. Kung totoo ngang siya'y patay na, ipinapahayag ko ang aking makikiramay sa Atolon.
Ako'y bumuntonghininga at tumingin kay Redo Fierro. Seryosong-seryoso siya, namomroblema, ngunit kahit namatay ang kumander, kailangan naming magpatuloy. Hindi ko hahayaang mapunta lamang sa wala ang isang taong paghahanda para sa digmaan ito.
Maximaze ParkAkin namang hiniwa ang neek ng taong nasa aking harapan. Nagsimula kaming makipagbakbakan at mukhang tatagal pa dahil medyo marami sila.Aking iwinagayway nang malakas ang aking katana sa hangin. Atake, atake—iyan lamang ang aking nasa isip habang sa bawat hampas ng kanilang mga espada ay sumisipol ito.Ako'y nagulat nang may tinirang palaso si Riana sa aking direksiyon. Nang ito ay lumagpas sa akin ay lumingon ako sa aking likuran. Iniligtas niya ang buhay ko, mayroong aatake sa akin mula sa aking likuran.Aking dinepensahan ang sarili gamit ang katana nang may magtangkang saktan ako gamit ang kaniyang espada. Lumingon ako kay Redo fIerro at tumango.; Ang toto niyan ay gumawa muna kami ng saglit na pagpaplano. Sina Gertude at Riana ang magpoprotekta sa mga sugatan at mga sibilyan habang si Redo Fierro naman ang gagabay sa kanila papunta sa aking manor habang kami ay nakikipaglaban.Malakas na puwersa ang aking ibinigay sa pag-a
Maximaze ParkIsa sa mga bagay na aking pinagsasalamatan ay ang ligtas ang emperor sa kaniyang palasyo. Hindi ko na nga lang alam kay Isa. Ang balita ko ay nag-aagaw buhay siya dahil sa nangyaring pagsabog. Ang heneral . . . ay wala na. Tanging ang kaniyang kamay at ulo lamang ang nakuha sa pagsaog. Hindi ko na hihilinging buhay pa siya sapagkat nakita ko na ang ebidensiya.Kahit na aming napuksa na ang Madreign dito sa aming lupain, hindi kami maaaring lumabas sa kadahilanang masyadong mausok at baka magkasakit ang isa sa amin. Nanatili kaming nakakulong dito sa aking manor. Hinayaan ko silang kumuha ng makakain, matulog sa mga kuwarto, at maglaro rito sa aking manor upang hindi sila mabagot.Sa totoo lang ay nakukulangan na kami sa mga pagkain. Limitado na lamang ito para sa isang linggong pananatili. Kung sila ay kukuha nang kukuha ng makakain, mauubusan kaagad kami ng pagkain kahit wala pang isang lingo. Aking sinikap, sa tulong ni Riana at Redo Fierro, na p
Maximaze Lativitus ParkIlang taon na ang nakakalipas. Nanatiling tahimik at mapayapang muli ang Normous pagkatapos ng digmaan ngunit hindi pa rin maiwasan ang karahasan sa Gaia. Ako naman ay mukhang habang buhay nang magiging magulo. Hindi ko na nahanap ang kapayapaan sa sarili, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga alaalang iyon.Pagkatapos ng digmaan, ninais kong bumaba sa pwesto bilang Death Judge. Nawawalan na ako ng pag-asa noong mga oras na iyon. Nais kong sumuko ngunit nang tingnan kong muli ang paligid, kailangan ako ng Normous. Kung mawawala ako, paano na sila?Ang mga panahong akma ko na sanang isusuko ang posisyon, unti-unting nagsilabasan ang mga mamamayan hindi lamang ng Normous kundi mamamayan na rin ng ibang rehiyon at ng Atolon. Sila'y isa-isang nagpasalamat sa akin at sinikap na mahawakan ang aking kamay.Sa paghawak ko sa kanilang mga kamay, bumalik sa akin ang mga alaala ko—alaalang kung saan kasama ko pa ang aking mga mahal s
“Ohayo! Por Baron vi servancio ca! Ipesanyo ver ca por presyosva!” sigaw ng tagapaglingkod ng baron. Akin nang inihanda ang pambayad sa aming upa. Sumulyap ako sa aking asawa at nakitang inaasikaso niya ang pagtotroso.Translation: Ohayo! Ang Baron ay naandito na! Ihanda n`yo na ang pambayad!Lalapit sana ako nang biglang may kumalabit sa akin at naging dahilan ng aking pagkagulat at pangangamba. Ako'y halos mapatalon na. Nilingon ko ito at salamat naman at ang kumalabit sa akin ay ang aking asawa.“Sybil, hayaan mong ako na ang mag-abot ng presyosva sa tagapaglingkod ng baron. Ako'y nangangamba na baka ikaw at ang ating anak na nasa iyong sinapupunan at mailagay sa kapahamakan,” wika ni Vishton, ang aking asawa. Napakaswerte ko dahil ako'y nagkaroon ng asawang tulad niya. Inuuna ang kaligtasan ko at ang aming anak na ngayon ay nasa aking sinapupunan pa lamang.“Previlia Park! Nasaan na ang inyong presyosva?! Huwag ninyong sa
Sybil ParkIlang taon na ang lumipas at namuhay naman kami nang mapayapa ng anak kong si Maximaze. Walong taong gulang na siya ngayon. Isang napakamasiyahing bata at may inosenteng pagkatao. Ako'y nagagalak sa kanya kaya bibigyan ko siya ng regalong alam kong magugustuhan niya.“Ina! Ina! Ina!” Aking narinig ang aking anak na nagmumula sa labas ng aming bahay. Awtomatiko akong lumabas upang salubungin siya. Ito'y hingal na hingal at halatang todo ito sa paglaro. “I-ina . . . “ nauutal niyang sambit dahil sa paghahabol ng hininga.“Oh, anak? Halatang ikaw ay nagbuhos ng lakas sa iyong paglaro. Hingal na hingal ka,” natatawa kong wika sa anak. Pinunasan ko ang kaniyang likod dahil talagang pawisan ito.“I-ina, hindi po ako naglaro.” Ano ang ibig sabihin ng aking anak? Ang ibig sabihin ba nito ay nagpahabol siya sa mga aso? Itong bata talagang ito.“Nagpahabol ka sa mga aso ano? Ikaw
Sybil Park“Kung gayon, ginang. Ano ang inyong pakiusap? Ang bigyan ka ng pagkakataong makapag-aral? Hindi ko maibibigay sa iyo iyan.” Hindi ko man ibinahagi ang aking pakiusap ngunit tinanggihan agad ako ng Baron.“Baron, hindi n`yo po kailangang ibigay sa akin sapagkat ang aking hinihiling ay maibigay iyon sa aking musmos na anak.” Kagaya ng sinabi ko, lahat ay aking gagawin basta para sa aking anak. Ito ang nais ni Mazimaze, ang makapag-aral kaya't ibibigay ko sa kaniya ito.“Sa ngayon pa lamang ay humihingi agad ako ng pasensya, ginang, ngunit hindi ko iyan bibigyan ng pahintulot.” Ang kaniyang isinaad ay nakapagdismaya sa akin nang lubos.Ano pa nga ba ang aking aasahan? Maliit lamang ang tiyansang pumayag ang baron ngunit akin pa ring sinubukan para sa aking anak. Ito na ang aking inaasahan ngunit hindi ako makakapayag!“Baron! Ako'y nagsusumao sa inyo. Para lamang sa aking anak. Baron, pagbigyan n`yo
Sybil Park“H-heneral, patawad! Patawad! Nadala lamang ako sa aking damdamin! Kung maaari nawa ay ako'y inyong patawarin!” Ngayon lamang nakita ng mga tao rito na nagmakaawa ang Baron dahil kadalasan ay kami ang nagmamakaawa sa kaniya.“Kung hihingi ka ng tawad dapat alam mong pinagsisihan mo na. Pero mukhang hindi, at dahil diyan dadagdagan ko ang iyong parusa, ibabalik mo ang mga perang kinuha mo sa kanila at ipapaayos ang pinasunog mong tahanan. Naintindihan mo?!” Kaniyang hinablot ang buhok ng baron at iningudngod ito sa lupa.“O-opo, Heneral. Masusunod,” nanginginig na aniya. Kung ang baron ay takot na, malamang takot na rin ang kanyang mga lingkod. At dahil sa takot, nanginginig silang tumayo sa pagkakaluhod at sabay-sabay na dumeretso sa kanilang mga kabayo.Hindi na ako nag-aksaya ng panahon bagkus ay lumapit na ako sa aking anak na ngayon ay pinagkakaguluhan ng madla. Maraming papuri ang natanggap nito ngunit s
Sybil ParkSiguro ay kailangan ko nang magtiwala sa aking anak. Mayroon itong mga pangarap o naisin sa buhay na siyang makakatulong sa kaniya upang magpatuloy sa kaniyang tinatahak. Ako'y magtitiwala na. Hihilingin ko na sana ay magtagumpay ito sa paglalakbay kahit na matagal pa naman iyon. Alam kong pagkatapos nito ay mamumuhay na kami nang payapa. Maaari nang bumalik sa amin si Vishton.“S-salamat po, Heneral! Ang ibig ko pong sabihin ay vashda, Heneral! Hebeias vashda, Heneral!” Nanlaki ang aking mga mata nang sabihin niya ang salitang Hebeias vashda na ang ibig sabihin ay 'maraming salamat'. Salamat lamang ang aking itinuro—saan naman niya nakuha ang salitang iyon?“Saan mo naman natutunan ang hebeias vashda, aking anak?” Lumapit ako kay Maze at inobserbahan siya.“Aking naririnig sa mga mamamayan ng Xida Palacios ang salitang hebeias vashda. Aking nalaman sa inyo ina na ang vashda ay salamat. Kaya napagtanto ko na