Share

X

"Anong mayroon? San nila tayo dadalhin?" Nababalisang tanong ng isang babaeng sa tingin ko ay mas matanda sa'kin ng isa hanggang dalawang taon. Nag kibit balikat na lang ako, hindi ko rin naman alam kung bakit kami inilabas dito. 

Hinanap ng mga mata ko si Lia at nakita ko siya dun sa dulo - malapit sa mga lakake. Mukhang pinakikinggan niya ang usapan ng mga 'yon. Hindi ko alam pero nakakakutob na naman ako na may hindi magandang mangyayari sa araw na 'to. Well, wala naman talagang magandang nangyayare kapag inilalabas nila kami dito. 

Nakita ako ni Lia kaya dali dali itong naglakad papunta sakin. Sa itsura pa lang niya, malalaman mo na kaagad na may masamang balita na bumungad sa kanya. 

"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa'kin. Nasa labas kami ng hallway, lahat kami. Nagmistula kaming mga pasyente ng isang asylum na pinagsama sama. 

"Pagpipilian tayo" Pabulong na sambit nito. 

"Ha? Para saan?" Nataranata ako bigla. 

"Hindi ko alam, pero isa lang ang sigurado ako. Ibebenta na naman tayo" 

"WHATDAHEL--"

"Shhh!" Marahan niyang tinakpan ang bibig ko nang magmura ako ng malakas. Napalingon sa amin ang ilang babae, mga walang kaalam alam sa mangyayare. 

Maya maya pa'y malalakas na palakpak ang umalingawngaw sa hallway, senyales na ilalabas na nila kami. 

Hinawakan ni Lia ang mga kamay ko. I felt relieved somehow, para tuloy kaming mag-ate tingnan, mas matangkad kasi siya sa akin ng kaunti. Agad kaming pinaligiran ng mga kalalakihan na may mga lubid na dala. Ang iba ay makakapal na pamalo. Isang maling galaw mo lang, bugbog ka. 

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng hallway. Dalawampu kaming mga babae at may labindalawang lalaki na nakapalibot sa amin. Kung magaling lang akong mangarate, kanina pa ubos 'tong mga 'to. Kaso wala e. Wala akong skills pagdating sa pag depensa.

Napahinto kami nang biglang natumba ang isang babae sa unahan, napatakip ako ng bibig nang makita ang namamalat na katawan nito. Katulad na katulad iyon sa balat ng babaeng pinatay nila. 

"Usad!" Sigaw ng lalakeng katabi nito at walang awa itong hinampas ng makapal na stick. 

Go girl kaya mo yan! Silent supporter here! 

Dahan dahan itong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad, ilang minuto din kaming nagpaliko liko sa daan at mukhang papunta kami ngayon sa opisina ni Carlos. 

Sana sa Discipline's office na lang 'tong tinatahak namin ngayon. Makikipag besohan talaga ako sa dean.

Nang malapit na kami sa pupuntahan, nagsimula nang manghina yung babae kanina. Paika ika na siyang maglakad. At heto ako, nasasaktan na naman.

"Wag mong titigan baka humagulgol ka bigla" Bulong ni Lia. Tinaliman ko siya ng tingin at nag behave na lang. 

Pasimple ko paring tinitignan yung babae, please sana kayanin pa niya. Kahit mabagal basta maglakad lang siya. Kaunting liko na lang, makakarating na rin tayo. 

Pigil hininga kong pinagmamasdan ang lalake sa tabi niya, mukhang naiinip na. 

"Hindi mo ba kayang bilisan?!" Sigaw nito sa mismong tenga ng babae. Dahil sa gulat ay binilisan nito ang bawat hakbang ngunit nang paliko na ay bigla na naman itong natumba!

No

Sa isang iglap ay napuno na naman ng pagmamakaawa ng babae ang buong pasilyo. Walang awa siyang hinahampas. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. 

"Paano siya makakatayo kung pinapahirapan mo?" Agad kong naagaw ang atensyon nito. Gulat na gulat ang mga reaksyon ng mga babaeng kasama ko. Maging si Lia ay di inaasahan ang sinabi ko. 

Naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa kamay ko nang magsimula nang humakbang papalapit sa akin ang lalake. Hawak hawak ang mahabang stick at ipinatong niya iyon sa balikat niya habang nakatitig sa mga mata ko. 

Di ko maiwasang kabahan, nanginig ang mga tuhod ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. 

"Anong pinaglalaban mo hija? Malakas ang loob mo ha?" Pagbabanta niya. Hindi ko inurungan ang titig nito bagkus at nilabanan ko pa 'yon. Lahat ng atensyon ng mga taong nasa paligid ay nasa amin. 

"Hindi lalake ang tawag sa katulad mong nananakit ng babae, kung nananakit ka, hindi ka lalake. Kung hindi ka lalake, anong uri ng hayop ka?" Pagtataray ko dito. Napuno nang singhapan ang paligid. Mabilis na naglaho ang nakakainsultong ngiti nito at napalitan iyon ng galit. 

"Ang kapal ng mukha mo!" Napapikit ako nang akmang sasampalin na ako nito, pero ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdaman. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita itong nakayuko, takot na takot.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin sayo ni kuya, sa oras na galawin mo ang babaeng 'yan" Anang isang matapang na boses ng babae mula sa likod. 

Lumapit ito at lumingon sa akin, pasimple niya kong nginitian at nauna na siyang naglakad. 

Ayun yung Iyah, di'ba?

Sinundan na namin ito at iniwanan ko ng matalim na tingin ang lalake. Pumasok kami sa kwarto kung saan naroroon si carlos - boss nilang walang kwenta. 

Bumungad agad sa amin ang madaming tauhan nito. Nilibot ko ang paningin ko sa pagbabaka sakaling makita ko siya. 

"Hinahanap mo na naman si Joshua?" Tanong ni Lia. Nginusuan ko siya. 

"Sus, nainlove ka lang sa anak ng demonyo e" Pang aasar niya pa. 

"Nainlove pwet mo. Never akong maiinlove sa mokong na yun--"

"Pero nainlove kana" Hagikhik niya. 

"Tss. Ayaw pang amini--"

"Ano naman kasing aaminin ko? Wala akong gusto do'n no?" Inis na singhal ko sa kanya.

"Wala daw pero pinagpupuyatan, come on Mara. Ang gwapo ni Josh para hindi mo magustuhan." Aniya pa. 

Natigil ang pang aasar niya nang biglang tumikhim si Carlos. Tumabi sa akin ang kapatid ni Josh. Naiilang akong tumingin kaya hindi ko na lang siya pinansin. 

"Choose." Sambit ni Carlos. 

Napakagat labi ako nang lumapit sa amin ang pitong lalake - mga rebeldeng matitipuno ang mga pangangatawan. Napayuko ako nang narinig ko ang pagpupumiglas ng ilang babaeng hinihila nila. 

So, eto yung sinasabi sa akin ni Josh na mga panauhin kuno? Mga rebelde. 

Napansin ko ang isang lalakeng papalapit sa gawi namin ni Lia. Naramdaman ko na namang humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Nang mag angat ako ng tingin ay papalapit na ito sa amin, ngunit wala sa amin ang atensyon nito, na kay

"Kukunin ko ang isang 'to" Anito at lumingon kay Carlos. Nakakapit siya sa braso ng kapatid ni Josh. Nakita ko kung pano mag iba ang reaksyon ni Carlos nang makitang hawak ng ibang lalake ang anak niya. 

Nakayuko ang babae pero nakatingin siya sa tatay niya. 

"She's not for sale" Ani Carlos. 

For sale! Oh my God Carlos. Kung umiinom lang ako ng tubig siguro kanina ko pa naibuga kay Lia.

Isa ba siyang ama? Ginawa naman ata niyang yelo yung anak niya! O di kaya yung mga damit sa ukay ukay na 50 percent yung discount! Ang kapal ng mukha mo Carlos. Wala kang dulot. 

Biglang may hinagis na malaking supot ang lalaking nasa tabi niya, puno iyon ng bundle ng pera. Ghad! Mukhang natigilan pa siya nang makita ito. No wag mong sasabihing...

"Fine" Aniya na ikinataas ng mga balahibo ko. Is this really happening?

"Daddy?" Angal ng anak niya. Nakikita ko sa mga mata ni Carlos ang awa sa anak, agad niya ring iniwas ang tingin niya dito. 

No. Ayokong marinig ang pag mamakaawa ng isang to. Masakit. Sobrang sakit. A father selling his own daughter. No.

"Sumunod kana lang Iyah, it'll be the last. I promise." Napayuko na lang si Iyah at tuluyan na siyang tinangay ng mga ito. 

Dinala siya ng mga ito palabas ng kwarto kasama ang anim pang mga babae. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin namin ay isang malakas na kalabog naman ang narinig ko. 

The next thing I knew is, Josh. Standing in front of his father. 

"Anong klaseng ama ka?" Mahinang tanong niya, pero halata ang panggagalaiti niya rito. 

"Wala kang karapatan tanungin ako ng ganya--"

"Yes, I have the rights! Kapatid ko ang pinag uusapan dito! Babae yun dad! Nahihibang kana ba? Hindi siya sex slave!" Singhal niya sa ama. Galit na galit siya. 

Napayuko ako. Ang hirap makita itong nagpipigil ng emosyon. Naapektuhan ako sa nakikita ko ngayon. 

"Isang beses lang iyon, Josh. Malaking pera ang kapalit kaya bakit ko tatanggihan?" Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya sa narinig. Sinugod niya ito pero hinarangan siya ng mga tauhan. 

"Them. Look at them dad!" Turo niya samin. 

"Are they still part of your revenge?! These innocent girls, are they still part of your fucking revenge? Dad please gumising kana! Hindi na paghihiganti ang ginagawa mo! Maawa ka sa kanila! Sa tingin mo ba magugustuhan ni mommy na ipinaghiganti mo siya sa pamamagitan ng pagbebenta mo sa sarili mong anak?!--"

"Enough Joshua! Don't you ever try to mention your mom again!" Panunumbat ni Carlos. 

"Damn you" Ani Josh sa mababang tono. 

"Put them back to their bastilles" Utos nito sa mga tauhan. 

Agad kaming nilabas ng mga ito, at binalik sa sari sarili naming mga silid. Pagdating ko sa kwarto ay pasalampak akong naupo sa kama. Sini-sink in lahat ng nangyare kanina. 

Si Iyah. Ano na kayang nangyayare sa kanya?

'These innocent girls, are they still part of your revenge?!' Nagtayuan ang mga balahibo ko nang mag echo sa isip ko ang mga sinabi ni Josh kanina. Those words, he said it while looking at me. 

Kinakabahan ako. Papaano na siya? Ipinaglalaban niya kalayaan namin. Paano kung ilayo siya samin ng daddy niya? Papano na kami makakausad? 

Marahan kong binagsak ang katawan sa kama. Bigla kong naalala ang lahat, ang dahilan kung ba't ako napunta dito, it was all because of Kit. That bullshit. 

Nasa school sana ako ngayon, doing my part as a student. Having fun with my roommates. Kamusta na kaya sila? Kamusta na si Zea? 

Mag iisang buwan na kong nawawala, may naghahanap pa kaya sakin? 

Kung buhay lang si mama, siguradong hindi siya titigil hangga't di ako nahahanap. Ganoon mag alala yon. Ni hindi nga ko nahihiwalay don. 

But now here am I, I'm nowhere to be found. And I don't know if someone still cares, baka iniisip nila, naglayas din ako. Kagaya ng hinala ko sa mga nawawalang estudyante noon. Ganito pala ang pakiramdam noon. Di mo sure kung maliligtas ka, kasi di mo alam kung may naghahanap pa sayo. 

Papaano na ko ngayon? 

Si Iyah. Nagawa siyang ibenta ng sarili niyang ama. Pano pa kaya kaming mga ordinaryo lang? 

Ang sakit. Tinangay nila lahat ng karapatan ko. 

Ipinikit ko ang mga mata ko, habang nararamdaman ang mainit na likidong dumadaloy na naman mula dito. 

_______________________________________________

Paggising ko, sa wall clock agad dumapo ang paningin ko. It's already 6 pm. Mamayang alas syete ay darating na si Josh. 

I can't wait. 

Sana pagdating niya, humupa na ang galit niya. Gusto ko siyang i-comfort, sabihing ayos lang ang lahat. Gusto ko ako naman ang dumaldal sa kanya, kahit papano ay maiparamdam ko sa kanyang hindi siya nag iisa. 

Susubukan ko siyang pasayahin sa paraang alam ko. Mukha siyang matibay at malakas ang loob pero alam kong nasasaktan rin siya. At yun ang ayaw kong mangyare.

Kapag malungkot ang taong nagpapasaya sa akin, saan ako kukuha ng lakas? 

I'll cheer him up no matter what. 

I checked the time. 6:52. Bumangon nako sa kama. Inayos ang sarili at maya maya pa ay narinig kong may kumakalikot na sa kandado. Nang mabuksan ito ay parang kinalas ang puso ko. 

It's not him

No Josh.

Nakatulala lang ako habang nilalapag nito ang tray ng pagkaing dala niya. Isa ito sa mga inuutusan ni Kit. Agad itong lumabas pagkatapos iwan ang pagkain, ni hindi ako hinintay nitong kumain at matapos.

Hindi kagaya ni Josh. 

Tinitigan ko lang ang pagkaing dala nito. 

I have no choice, I ate it all alone. 

Asan kaya siya? Bakit iba na ang naghatid ngayon? Dahil ba iyon sa nangyari kanina? O ayaw niya lang akong makita?

Buong gabi akong naghintay. Nakatitig lang sa kisame hanggang sa lumipas na ang mga oras, antok na antok nako.

It's already 3am. 

The dawn's decaying. And I waited. 

But he never came. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status