Share

Chapter 22 Mystery Unlocked

Wala sa sariling napatitig ako sa mga mata niya. Nakangiti siya sa akin pero hindi naman siya mukhang nagbibiro. Ano ulit iyong sinabi niya? Gusto niya akong maging totoong girlfriend?

“Pinaglalaruan mo ba ako?” hindi ko maiwasang matanong. Hindi ko rin napigilan ang paggapang ng inis kasabay ng pagkalito. Napaunat siya sa pagkakaupo at binitiwan ang hawak na kutsara at tinidor. Nanatili siyang nakatitig sa akin na tila tinitimbang ang nararamdaman ko ngayon. Sa huli ay ako rin ang sumuko at nag-iwas ng tingin.

“Gusto mo bang maging girlfriend ko?” bahagyang sumeryoso ang mukha niya nang itanong iyon. “At isa pa, hindi kita pinaglalaruan. Tinatanong kita,” dagdag pa niya. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at ilang beses kumurap. Napalunok pa ako nang bahagyang kumunot ang noo niya. Bumuntong-hininga ako at napailing na lang.

“Ayaw mo? Tumatanggi ka sa akin?” bigla akong kinabahan dahil wala na ang ngiti sa mga labi niya. Sa pagkakataong ito ay seryosong-seryoso na ang mukha niya. Wala sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status