-Dianne's-Ilang araw na simula nang mag umpisa akong uminom ng ferrous sulfate. Hindi na ulit ako nakakaramdam ng paghilo. Siguro nga ay dulot talaga 'yon ng puyat at pagod dahil sa sunod-sunod ang naging trabaho ko. Dahil sa kagustuhan na maging maayos at hindi magkaproblema doon sa project kaya nakakapagpuyat ako. Health is wealth ika nga. Kaya less work muna ngayon.Kahapon lang tinawagan ni Jaxxon si Crissa upang magpahanap ng magiging secretary ko and for only just one click ay matic meron na agad. Im on my way to my office when I saw Jaxxon is calling. Habang sakay sa taxi ay hindi ako mag kan-ugaga nang pag pindot sa aking cellphone dahil kaliwat-kanan ay may hawak ang aking mga kamay. Pinatong ko madali sa aking kandungan ang hawak kong envelope bago sinagot ang tawag.“Jaxx? Papunta na ako sa office.” mahinang bungad ko sa kanya.“ Oh, okay. Sorry, hindi kita nasundo, madilim pa kanina nang umalis ako. I need to come early para hindi abutan ng traffic.” pag papaliwanag niya.
-Dianne's-Isang umaga habang ako'y abala sa aking paglalaba may isang tao na bigla nalang ako ginulat."Ay butike! Ano ka ba naman Maxine! Ano'ng ginagawa mo dito?"Sabi ko sa kanya sabay lingon sa aking likuran at kita ko agad ang nakakaloko nyang ngiti.Ngunit ang kaninang ngiti ay napalitan ng yamot nung tinapunan ko siya ng bula ng sabon sa kanyang mukha."Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Sabay baling ko sa pintuan at baka andun si mama. Alam mong mainit ang bait sayo ni mama ngayon dahil sa pag layas nating dalawa kagabe na hindi man lang nag paalam.""Eh kasi naman Dianne yung boyfriend mong si Ian panay ang chat saken. Bakit daw hindi ka nag o-online. Sige na bye! Baka maabutan pa ako dito ni tita at masabon pa ng bareta itong maganda kong mukha. Mag online kana muna at siguradong nag da-dragon na yun sa galit ang jowa mong......ah basta.!"By the way, she is Maxine Claire Ibarra. She is my Best friend, she's a damn pretty at may kaya sa buhay. Ang pagkaka-alam ko ay nag-iisan
-Dianne's-Paano naging kami? Yun ang hindi ko alam. I mean padalos dalos ako noon kaya nung nanligaw siya sa akin kahit wala akong ideya kung gusto niya ba ako or trip nya lang na ligawan ako ay sinagot ko pa rin siya.Wala lang! Siguro kaya ko siya sinagot kase gusto ko maramdaman kung ano ba talaga ang pakiramdam ng umiibig. Kalokohan para sa iba pero wala eh, isa lang akong tao na mang-mang pagdating sa paghahanap ng True Love.Nakita kong tumayo na ang babae kaya agad kong kinuha ang aking cellphone sa bag ko para kunyari may china-chat ako. At nung nakalabas na ay saka ako tumayo at pumasok na din at tinungo ang lamesa kung saan nakaupo si Ian.At nung nasa harapan na niya ako ay kita kong medyo nagulat siya at sabay lingon sa pintuan kung saan lumabas yung babae na kasama niya kanina, medyo kabado siya nung humarap ulit saakin."K-kanina pa kita hinihintay D." Sabi niya na parang nauutal-utal pa."Sorry medyo traffic kasi kaya natagalan ako. Sabay upo ko. Ano bang meron at bigl
-Dianne's-Hindi ako nakasama kay Maxine noon sa Maynila kasi mas priority ko muna na alagaan si Mama. Nagkasakit siya at kulang nalang ay hindi na siya makalalad at makatayo. Inatake siya ng mild stroke dulot nang sobrang pagod at puyat lagi sa pag titinda ng isda.Halos mag iisang taon na rin simula nung na stroke si Mama. Kaya halos hindi na siya makilala ng mga kakilala niya sa palengke. Wala siyang gana lagi kumain at palaging mainit ang ulo, siguro dahil medyo hirap siyang magsalita.Kailangan kong alagaan si Mama. At wala akong choice kundi ang mag hanap ng trabaho kung saan-saan. Highschool graduate lang ako kaya medyo hirap ako sa mga pinag aaplyan kong trabaho. Kaya ang bagsak ko ay kahit anong raket nalang pinapatos basta may pera akong kinikita araw-araw para may maibili ako ng gamot.Hindi alam ng kaibigan kong si Maxine kung ano ang kinakaharap kong problema ngayon. Kaya sa tuwing kinakamusta niya ako ay tanging okay lang lagi ang sagot ko sa kanya.Kakalabas ko lang ga
-Jaxxon Kade's-" Jaxx kailan mo balak bumalik sa England? Kailangan ka ng kompanya doon. You need to go there ASAP"Pag si Dad na ang nag sabi ay wala na akong magagawa kundi ang sundin nalang ito. Kailangan ko gampanan ang pagiging CEO doon sa kompanya namin sa England. Dahil ako ang panganay niya at hindi naman ako papayag na si Maxine ang ipadala niya dun. Fucking No way! Hindi ako papayag dahil paano nalang ang mga pinapagawa ko sa kanya?"Tomorrow Dad. May mga tatapusin lang ako dito sa Cebu. Sambit ko habang nakaupo ako dito sa balkonahe ng aking kwarto."Alright then. Make sure na this time ay bou na ang desisyon mo anak. Bye!"Hindi ko pa naiibaba ang phone ko ay nakita ko ang txt message ni Maxine."Kuya papunta na ako sa boarding house ni D."Fuck! That Bastard! May kalalagyan ka saakin Ian! Makikita mo! Sinaktan mo ang mahal ko! Napamura ako sabay tawag sa kapatid ko."Hey! Malapit ka na ba? Ano? Kamusta siya? 'Shit! Dapat talaga nilapitan ko nalang siya kanina. Bilisan mo
-Dianne's-Binuksan ko na ang pinto para lumabas pero nagulat ako na may isang Red Rose na na nasa sahig. Dinampot ko sabay tingin sa hallway at baka nahulog lang ng kung sino. Pero hindi eh! Hindi mapapag-kamalang nahulog lang dahil mukhang sinadyang isingit ang tangkay nito sa naka-awang na amba ng pintuan. Wala akong ideya kung kanino galing. Kaya hawak-hawak ko ito patungo sa kotse ni Maxine.Nang makarating ay kita ko kung paano napangiti si Maxine habang nakatingin sa rosas. Siya ba ang may pakana nito? kako sa aking isip. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto ng kanyang kotse. " Good morning Max." bati ko sa kanya sabay upo ko sa front seat."Good morning, D." Sabay paandar ng kotse. "San galing yan?" nguso nito sa rosas na hawak ko." Nakita ko 'to sa labas ng pinto. Hindi ko alam kung kanino galing kaya kinuha ko nalang sayang naman at mukhang fresh pa." sambit ko bago inamoy-amoy ang rosas.Kumunot ang noo ni Max habang nag titipa sa kanyang cellphone na parang may
-Dianne's-Isang linggo na rin simula nang pumunta si Maxine sa England kaya mag-isa lang ako ngayon uuwi at commute pa. Though sanay naman na ako sa mga byahe dito kaya ayos lang.Mag a-alas otso na nang gabi kung kaya't malapit na ako mag out. Nag tungo na ako sa locker room paraag palit ng damit, nakasout lang ako ng maong jeans at V-Neck na blouse pinatungan ko rin ito ng cardigan dahil medyo malamig na sa labas.Nag mamadali akong lumabas sa exit door ng mga empleyado para tumungo agad sa pilahan ng jeep para makasakay agad kung sakali kakaunti pa ang mga pasahero. Pag ganitong closing time pa naman ay siksikan lagi ang mga pasahero, mahirap makipag-siksikan kaya ganito lagi ang routine ko sa tuwing babyahe ako.Lakad takbo ang gawa ko para makarating agad kaso kung kelan malapit na ako sa pilahan ay saka pa walang tigil na bumubusina itong kotse na nasa likuran ko at hindi ko alam kung sino ito. Nilingon ito at nung nag bukas ang pinto ay napatda ako sa aking kinatatayuan nung i
-Jaxxon Kade's-Hindi mawala-wala sa isip ko ang magandang mukha ni Dianne. Kahit na gulat na gulat ito nung malaman niya na magkatabi lang kami ng unit. Simula nun ay itinigil ko muna ang paglalagay ng rosas sa labas ng kanyang pintuan. Mahirap na baka mabuko agad ako! Pero panay parin ang pag t-txt ko sa kanya,hindi man ito nag rereply pero alam kong nababasa niya yun.Andito ako ngayon sa clubhouse dahil nagyakag na makipag-inuman ang tatlo kong wasalak na mga kaibigan. Walang sawa sa alak in short. Mas pinili ng tatlo na dito malapit sa swimming pool area uminom dahil sa mga mukha itong babaero. Yes! Mga walang sawa na sa alak! Mga walang sawa pa rin sa babae. Mabuti nalang talaga hindi ako belong sa kanila. I mean goodboy ako, iisang babae lang palagi ang gusto kong makita at makasama. Not now but soon! Speaking of my friends. Solid kaming apat since Highschool hanggang sa nag College na kami. Pare-parehas kaming may mga ayos na kapalaran sa buhay. Mga babaero man ang tatlo pero