Share

DIRTY GAME BOOK 3:

Hawak-hawak ni Zane ang isang kamay ko habang nagmamaneho siya papunta sa condo unit na kung saan ay nandoon na raw ang mga kaibigan niya lalo na ang bestfriend niyang kakauwi lang mula sa amerika. Ngayon kasi ay ipapakilala na ako ni Zane bilang girlfriend niya sa mga kaibigan niya. Mahigit dalawang buwan rin siyang nanligaw sa akin at nakita ko naman kung paano niya ako mahalin at alagaan kaya deserve niya naman siguro ang matamis kong oo.

Sa loob ng ilang buwan ay minahal ko na rin si Zane dahil hindi lang ito gwapo kundi mabait at mabuti rin siyang tao.

"I can't wait na makilala mo na sila lalo na 'yung bestfriend kong si Yuri. Sigurado akong magugustuhan ka niya para sa akin." Nakangiting sabi ni Zane saka niya hinalikan ang isang kamay kong hawak niya.

Ngumiti naman ako bilang sagot.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa condo unit kung saan ay nandoon ang mga kaibigan ni Zane at ang bestfriend niyang tinutukoy niya. Nang nasa tapat na kami ng pintuan ng condo ay kaagad
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status