JASPHER"Stop!" Atashia shouted. Wala sa sariling naapakan ko ang accelerator ng sasakyan. Dahil doon ay muntik kaming sumalpok sa mga puno. Nawala kasi ako sa focus. Atashia became hysterical. She was shouting Lance's name at pinilit rin niyang buksan ang pintuan ng luxury car ko."Okay lang po ba kayo?" I held Ma'am Patricia's hand. She was shaking terribly. "Patay na ba tayo?" tanong din niya sa akin. I wasn't able to respond to Ma'am Patricia dahil tuluyan nang nakalabas si Atashia ng sasakyan. Hinabol ko siya. But she's gone crazy. She ran as fast as she could after a black car. Mabilis ko siyang hinawakan sa kaniyang braso at pinigilan. Naglupasay siya sa gitna ng kalsada. "Atashia, hindi si Lance ang nakita mo," I told her. "Hindi! Sinungaling ka, Jaspher! Si Lance ang nakita ko. Kasama niya ang mommy niya at sakay sila ng sasakyan na iyon," she shouted. "Atashia, nagkakamali ka. Imposibleng makita mo si Lance ng nakaupo."Tiningnan ako ni Atashia na para bang ang laki ng
ATASHIA Ang lupit naman maglaro ng tadhana. Pasabog kung pasabog talaga ang mga ganap sa buhay ko. Kung siguro ipinanganak akong mahina ang loob, baka nabaliw na ako. Salamat sa mga ginawa sa akin ni Nanay, naging matatag ako. Halos hindi alam ni Jaspher kung paano ako kakausapin. Butil-butil ang pawis niya at putol-putol din ang pagsasalita niya. Daig ko pa kasi ang interrogator dahil sa narinig kong sinabi niya kay Nanay. “P-pasensya ka na, Atashia. Wala akong nagawa. I tried to stop them, and tell you everything pero it was too late already. Sorry for all the pain my Dad caused you,” wika ni Jaspher. My Dad? Buti pa siya may daddy samantalang ako hanggang ngayon wala man lang ama na tumatayo para protektahan ako laban sa masasamang tao sa mundo katulad ng mga magulang ng asawa ko. “Bakit nagawa ng daddy mo iyon? Ayaw niya na bang suportahan ang medical expenses ni Lance?” Sinabunutan ko si Jaspher at inalog ko ang ulo niya. Wala akong pakialam kung nakakaistorbo na sa kapit
ATASHIADalawang taon na ang nakalipas simula nang nawala si Lance at namatay ang anak ko. Wala na kami ni Nanay sa dati naming bahay dahil ibinili kami ni Jaspher ng bahay sa isang kilalang subdivision. Si Loida ay wala na sa club na pinagtratrabahuhan niya. Gaya ni Nanay ay kinalimutan na nila ang dati nilang trabaho. Marami na rin ang pagbabago kay Nanay. She’s more considerate now. Kung dati ay bawal akong magtanong sa kaniya, ngayon ay malaya akong sabihin ang aking saloobin. Although Jaspher doesn’t want our Nanay to work, she still tried to disobey him. Nagtitinda si Nanay ng kung ano-ano sa subdivision. At dahil mas pinili namin ang manirahan sa isang simpleng ngunit kilalang community kaysa sa mga pang-mayaman, marami si Nanay customers sa kaniyang mga inilalakong galing ng Divisoria. Natutustusan noon ang mga pangangailangan niya. Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin si Lance. Ginamit na kasi ni Jaspher ang lahat ng connections niya pero hindi talaga namin malaman kung n
ATASHIA"If you do not leave this restaurant, I will sue you for alarming and scandal," banta ni Mr. Regalado. "S-sir? G-good afternoon." Halos hindi magkandatuto si Engineer Eugenio sa pagbati sa bagong dating. Hindi ko inaasahan na makita sa restaurant ang sinasabing ama ko raw. He hates me kaya hindi ko alam kung bakit siya pumunta sa kainan na alam naman niyang pagmamay-ari ko. Nagmamadaling umalis ang grupo ni Engineer Eugenio. Ang mayabang na engineer ay parang daga na nasukol ng pusa kaya naman tuwang-tuwa si Loida sa mga reaksyon nila. Si Mr. Regalado ay parang hari na lumakad papunta sa isang bakanteng table. Kahit hesitant, lumapit pa rin ako sa kinaroroonan niya. "Sir, thank you." I stammered while saying those words. "Don't mention it. I want to try your food here." Sumenyas ako sa waiter para bigyan si Mr. Regalado ng menu book. Si Loida ay bumati na rin sa bilyonaryo na customer namin. "Sir, thank you dahil nabisita n'yo po kami," sabi ni Loida. "I am here to ta
LANCEA lady with short hair bumped into me. She was shocked upon seeing me. When Mommy slapped her, Atashia’s fragile body was shaken. Her eyes met mine. I saw fear, weakness, and love… in her eyes. When she grabbed my hand, I forcefully distanced myself from her. “Lance, she’s your ex-wife. Your very unloyal wife. She made landi while you were in a coma,” my mom said. Napalunok ako. I wasn't expecting na after two years living abroad, ang una kong makikita ay ang unfaithful ex-wife ko. “Lance, hindi totoo ang sinasabi ng mommy mo,” the woman said. "Hindi ako katulad niya na hindi makuntento sa isang lalaki lang."“Naku, Atashia, don’t make kwento na hindi totoo. Duh, ginagawa mo akong sinungaling. Kababalik lang namin from abroad pero ginugulo mo na agad ang buhay namin ng anak ko.”“Ma’am Olivia, anong ginawa mo? Bakit ganiyan si Lance sa akin?” “Nothing. May amnesia si Lance at hindi ka niya naaalala. Sorry. You know what, balak ko na sana kayong maging masaya noon. Pinabayaan
ATASHIAPumayag si Lance na tumira kami sa iisang bahay ng magkasama. Hindi ko alam kung ano ang plano niya subalit buo ang loob ko na muling ipaalala sa kan'ya kung sino ako sa buhay niya. Natuwa naman si Nanay nang nalaman niyang hindi na ako aalis papuntang ibang bansa. Ngunit hindi ko masabi sa kan'ya ang naging usapan namin ni Lance. "Sira ba talaga ang utak mo, Atashia?" tanong sa akin ni Loida nang sinabi ko sa kan'ya ang naging pasya ko. "Kailangan kong gawin ito para maalala ako ng aking asawa, Loida. Nagpadala na siya ng annulment paper at ikakasal na sila ni Belle. Hindi ako papayag na tuluyan na siyang mawala sa akin," paliwanag ko sa aking kaibigan. "Atashia, kung ayaw niya na sa iyo, bakit mo pa ipipilit ang sarili mo?""Hindi sa ayaw niya na sa akin, nakalimutan niya lang ako," katwiran ko. "Mahal niya ako. Dama ko iyon. Tingnan mo, kapag naalala niya na ako, babalik kami sa dati.""Hay naku, Atashia. Bahala ka na sa buhay mo. Iyang katigasan ng ulo mo, iyan ang ma
ATASHIAIsang matapang na Lance ang aking naabutan. Daig ko pa ang bumalik sa unang araw na nakasama ko siya sa Henzon Group of Companies. I could feel his rage towards me right away. Hindi ko pinansin iyon dahil naiintindihan ko siya. Bilang asawa, alam kong responsibility ko na ipaalala sa kaniya ang nakaraan at connection naming dalawa. Nang sabihin sa akin ni Lance na katulong ang papel ko sa bahay na dati ako ang reyna, hindi ako kumibo. Napansin kong mukhang marami na siyang alam tungkol sa akin. Probably ay nakapagtanong-tanong na siya tungkol sa profile ko. Kailangan ko na lang itama ang mali niyang paniniwala na kabit ko sina Jaspher at Nathan. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang tunay kong relasyon kay Jaspher dahil pinagbawalan ako ni Mr. Regalado. Feeling ko pa nga ay sukang-suka ang matandang iyon nang minsan ay nakipag-meeting siya sa akin. Kaaalis pa lang noon ni Jaspher papuntang London nang kinausap niya ako. Isa iyon sa dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi ko p
ATASHIAAgad kong binitawan si Ma’am Olivia. Pulang-pula siya at hirap na hirap huminga. Instead na matakot ay naiinis ako lalo sa kaniya. Akala mo kasi mamamatay na siya kaya todo ang drama niya. Hawak ang kaniyang leeg, bigla na lang siyang kunwari nawalan ng malay. “Olivia! Olivia!” sigaw ng daddy ni Lance. Alalang-alala ito na akala mo totoo talaga ang mga nangyayari. “Excuse me. May mainit na tubig pa ako sa kusina. Kukunin ko lang para buhusan ang mommy mo,” sabi ko kay Lance na nakatayo lang ng tuwid at nanonood sa mga nangyayari. “Don’t do that!” biglang sigaw ni Ma’am Olivia. Nakabangon ito agad at nakatayo pa. “I’m gonna kill you kapag nagkaroon ako ng peklat ako dahil sa paso. Duh, expensive ang maintenance ko.” Humalakhak ako ng ubod lakas. Kahit hindi pa pinalalayas ay lumabas ako ng bahay at pansamantalang umupo sa plant box na malapit sa guard house. Nagpalamig muna ako dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa mga magulang ni Lance. Sunod-sunod ang buntong-hininga