ATASHIA"If you do not leave this restaurant, I will sue you for alarming and scandal," banta ni Mr. Regalado. "S-sir? G-good afternoon." Halos hindi magkandatuto si Engineer Eugenio sa pagbati sa bagong dating. Hindi ko inaasahan na makita sa restaurant ang sinasabing ama ko raw. He hates me kaya hindi ko alam kung bakit siya pumunta sa kainan na alam naman niyang pagmamay-ari ko. Nagmamadaling umalis ang grupo ni Engineer Eugenio. Ang mayabang na engineer ay parang daga na nasukol ng pusa kaya naman tuwang-tuwa si Loida sa mga reaksyon nila. Si Mr. Regalado ay parang hari na lumakad papunta sa isang bakanteng table. Kahit hesitant, lumapit pa rin ako sa kinaroroonan niya. "Sir, thank you." I stammered while saying those words. "Don't mention it. I want to try your food here." Sumenyas ako sa waiter para bigyan si Mr. Regalado ng menu book. Si Loida ay bumati na rin sa bilyonaryo na customer namin. "Sir, thank you dahil nabisita n'yo po kami," sabi ni Loida. "I am here to ta
LANCEA lady with short hair bumped into me. She was shocked upon seeing me. When Mommy slapped her, Atashia’s fragile body was shaken. Her eyes met mine. I saw fear, weakness, and love… in her eyes. When she grabbed my hand, I forcefully distanced myself from her. “Lance, she’s your ex-wife. Your very unloyal wife. She made landi while you were in a coma,” my mom said. Napalunok ako. I wasn't expecting na after two years living abroad, ang una kong makikita ay ang unfaithful ex-wife ko. “Lance, hindi totoo ang sinasabi ng mommy mo,” the woman said. "Hindi ako katulad niya na hindi makuntento sa isang lalaki lang."“Naku, Atashia, don’t make kwento na hindi totoo. Duh, ginagawa mo akong sinungaling. Kababalik lang namin from abroad pero ginugulo mo na agad ang buhay namin ng anak ko.”“Ma’am Olivia, anong ginawa mo? Bakit ganiyan si Lance sa akin?” “Nothing. May amnesia si Lance at hindi ka niya naaalala. Sorry. You know what, balak ko na sana kayong maging masaya noon. Pinabayaan
ATASHIAPumayag si Lance na tumira kami sa iisang bahay ng magkasama. Hindi ko alam kung ano ang plano niya subalit buo ang loob ko na muling ipaalala sa kan'ya kung sino ako sa buhay niya. Natuwa naman si Nanay nang nalaman niyang hindi na ako aalis papuntang ibang bansa. Ngunit hindi ko masabi sa kan'ya ang naging usapan namin ni Lance. "Sira ba talaga ang utak mo, Atashia?" tanong sa akin ni Loida nang sinabi ko sa kan'ya ang naging pasya ko. "Kailangan kong gawin ito para maalala ako ng aking asawa, Loida. Nagpadala na siya ng annulment paper at ikakasal na sila ni Belle. Hindi ako papayag na tuluyan na siyang mawala sa akin," paliwanag ko sa aking kaibigan. "Atashia, kung ayaw niya na sa iyo, bakit mo pa ipipilit ang sarili mo?""Hindi sa ayaw niya na sa akin, nakalimutan niya lang ako," katwiran ko. "Mahal niya ako. Dama ko iyon. Tingnan mo, kapag naalala niya na ako, babalik kami sa dati.""Hay naku, Atashia. Bahala ka na sa buhay mo. Iyang katigasan ng ulo mo, iyan ang ma
ATASHIAIsang matapang na Lance ang aking naabutan. Daig ko pa ang bumalik sa unang araw na nakasama ko siya sa Henzon Group of Companies. I could feel his rage towards me right away. Hindi ko pinansin iyon dahil naiintindihan ko siya. Bilang asawa, alam kong responsibility ko na ipaalala sa kaniya ang nakaraan at connection naming dalawa. Nang sabihin sa akin ni Lance na katulong ang papel ko sa bahay na dati ako ang reyna, hindi ako kumibo. Napansin kong mukhang marami na siyang alam tungkol sa akin. Probably ay nakapagtanong-tanong na siya tungkol sa profile ko. Kailangan ko na lang itama ang mali niyang paniniwala na kabit ko sina Jaspher at Nathan. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang tunay kong relasyon kay Jaspher dahil pinagbawalan ako ni Mr. Regalado. Feeling ko pa nga ay sukang-suka ang matandang iyon nang minsan ay nakipag-meeting siya sa akin. Kaaalis pa lang noon ni Jaspher papuntang London nang kinausap niya ako. Isa iyon sa dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi ko p
ATASHIAAgad kong binitawan si Ma’am Olivia. Pulang-pula siya at hirap na hirap huminga. Instead na matakot ay naiinis ako lalo sa kaniya. Akala mo kasi mamamatay na siya kaya todo ang drama niya. Hawak ang kaniyang leeg, bigla na lang siyang kunwari nawalan ng malay. “Olivia! Olivia!” sigaw ng daddy ni Lance. Alalang-alala ito na akala mo totoo talaga ang mga nangyayari. “Excuse me. May mainit na tubig pa ako sa kusina. Kukunin ko lang para buhusan ang mommy mo,” sabi ko kay Lance na nakatayo lang ng tuwid at nanonood sa mga nangyayari. “Don’t do that!” biglang sigaw ni Ma’am Olivia. Nakabangon ito agad at nakatayo pa. “I’m gonna kill you kapag nagkaroon ako ng peklat ako dahil sa paso. Duh, expensive ang maintenance ko.” Humalakhak ako ng ubod lakas. Kahit hindi pa pinalalayas ay lumabas ako ng bahay at pansamantalang umupo sa plant box na malapit sa guard house. Nagpalamig muna ako dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa mga magulang ni Lance. Sunod-sunod ang buntong-hininga
OLIVIAOh, my gosh! I almost got killed by Atashia. I wanna make ganti pero sabi ni Lance, siya na ang bahala. I was so natuwa because hindi ko na need mag-effort to do evil things para lang mawala siya sa buhay namin. I really do not like her. She’s so mababa and does not fit in my standard of manugang. Kahit pa ipinaglaban na siya ng anak ko, hindi ko pa rin siya matatanggap sa pamilya namin. I did iwas na kay Eng. Eugenio. Sawa na ako sa kaniya. Well, hindi pala maganda kapag nauubusan ng tricks ang kasama sa kama. Nakakainis na rin kalaunan ang amoy lupa niyang katawan. Iba pa rin ang kapatid niyang si Mark kaya hanggang ngayon ay kami pa rin. Tinakot ako ni Jimmy na ilalabas niya raw ang sikreto ko kaya naman I used her wife para paikutin ko siya. Good thing, bukod kay Mark, may connection si Liza sa personal assistant ko kaya naging easier lang ang lahat. Nang nalaman ni Jimmy na hawak ko nasa leeg ang asawa niya, wala na siyang nagawa. Nagdiwang talaga ako dahil lahat sila ay
ATASHIAPagbaba ng sasakyan, si Loida agad ang nakita ko. Nakaupo siya sa guard house at kausap si Tim. Marami siyang dalang mga pasalubong pero sa halip na matuwa ay galit ang nararamdaman ko. Hindi ko kasi matanggap na kasabwat siya ng mga taong nanakit sa akin. "Who are you?" Tiningnan ni Lance mula ulo hanggang paa ang kaibigan ko. "Loida. Ako si Loida. Kilala mo na ako noong wala ka pang amnesia," pakilala ng bisita namin. "And why are you here?" tanong ni Lance. "Bibisitahin ko lang si Atashia. Huwag kang mag-alala, aalis din ako agad. Nag-cater lang kami sa isang pamilya na hindi kalayuan dito kaya dumaan na rin ako. Pasensya na kung hindi ako nagsabi ng maaga. Gusto ko lang talagang makausap ng personal ang kaibigan ko." Habang nagpapaliwanag si Loida ay batid kong nahihirapan siya. Tensyonado siya sa pakikipag-usap kay Lance.Tiningnan ako ni Lance. Wala naman akong kibo dahil feeling ko ay sasabog ako sa galit. Ang makita si Loida kasama ang taong pinaghihinalaan kong ka
LANCEI wasn’t able to sleep all night. Nasa labas ng bahay si Atashia at sumabay pa ang patak ng ulan. Dämn! Hindi ko napigilan ang mag-alala. I kept walking back and forth in my bedroom. Paminsan-minsan ay sumisilip din ako sa labas ng bintana. Gusto ko nang papasukin si Atashia pero kapag naiisip ko ang mga ginawa niya at nakikita ko ang mga ebidensya na nasa harapan ko ay napapalitan ng galit ang pag-aalala ko. I wanted to punish her to the extent na sirain ko ang buhay niya. Unfortunately, everytime I tried to do it, I felt an unending pain. Still, everyone had no idea that I was perfectly okay after the accident. Belle was the only person na pinagsabihan ko about my condition. I trust her. Alam kong hindi niya ako ilalaglag. It was almost four o'clock in the morning when I decided to let Atashia in. Halos tatlong oras na rin siya sa labas. Sa tingin ko'y sapat na ang parusang iyon para magtanda siya. My heart was beating so fast that I could hardly breathe. The rain was bucke