Share

Dis-Oras 4

Tumango lang ako kaya tumalikod na ito at naglakad paalis.

Sinara ko naman agad ang pinto ng kwarto ko at naisipan nang matulog pero bago yon, sinarado ko din ang balcony ko gamit ang sliding door.

Baka makapasok yon dito mahirap na mabuti na yung handa.

Humiga na ko at tumingala sa kisame, ‘Sana maging maayos ang lahat at walang gulong mangyari.’ Ani ko sa aking isipan at pumikit kalaunan ay nakatulog.

UNKNOWN

Tahimik na gabi, malamig na simoy ng hangin.

Tahimik ang paligid, na animoy walang ano mang masamang magyayari.

“Arghh! P-parang a-a-awa m-mo na! Argh! T-tul—”

Walang awa kong pinagsasaksak ng paulit-ulit ang kanyang dibdib naikina suka nito ng napakadaming dugo.

Napangiti naman ako.

Lumambot pa ang aking mukha na animoy inosenteng bata na walang kamuwang-muwang sa mundo.

“Haha i'm sorry miss.. di ko sinasadya..” Masaya nitong saad, habang nakatingin sa mulat na mata ng babaeng pinatay niya.

Naging seryoso ang mukha ng di kilalang tao, nakasuot ito ng purong itim maging ang mukha nito ay nakatago sa isang maskarang itim.

Walang ingay itong naglakad paalis at hinayaan niya lang ang bangkay ng babaeng kanyang pinatay halos gabi-gabi niya itong ginagawa.

He don't give a damn when it's comes on killing someone, he is totally a psycho. He stopped walking when he finally arrived on someone's house.

Tumingala ito saka tahimik na tinitigan ang babae na nasa balkonahe. Ang babaeng kauna unang nakakuha ng kanyang atensyon. Una niya itong nakita sa malaking puno na nagtatago kasama ang isang lalaki.

Yes, it's Tiffany.

He knew that the girl is now looking at him he secretly smirked. Di niya pa alam ang pangalan ng babae but the girl got his full attention. He don't know why but he seems interested on that girl.

He totally knew that the girl is scared of him, haha sino bang hindi like come on. He's fucking creepy and at the same time a psycho.

Pansin niyang napabaling sa likod ang dalaga na wari mo ay may tumawag sakanya, agad naman itong umalis...

TIFFANY

“Run! Tiffany! Run hahaha, you can't get away from me haha.”

Takbo lang ako ng takbo.

Malapit na kong umiyak pero hindi ito ang tamang oras para umiyak ang mas iniisip ko ngayon ay ang makawala.

Hindi ko alam kung na saan ako at kung saan ako patungo. Marahil ay masyado itong malayo sa lungsod.

Alam kong nagkasugat-sugat na ang aking paa dahil sa pagtakbo pero wala akong paki gustong-gusto ko ng makawala sa lugar na ito.

Napasinghap ako ng may humatak sakin sa likod, “Got you babe hahaha.” Saad nito bago pa man ako makasigaw ay may tinakip na ito sa aking ilong at bibig na sanhi ng aking pagkahilo.

“Sleep well darlin'...” Huli kong narinig bago ako lamunin ng antok ramdam ko din ang pagdampi ng kanyang labi sa aking buhok.

“Tiffany! Tiffany! Ano ba gumising ka hoy!” Yugyog sakin ng kung sino napabalikwas naman ako ng bangon at hinihingal na akala mo ay tumakbo ng napakalayo.

“Salamat naman at nagising kana, binabangungot ka e.” Saad ni Ara na mayroong pag-alala sa kanyang mukha at boses, napahilamos naman ako ng mukha...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status