Share

Dis-Oras 3

TIFFANY

Napaaray naman siya wala sa oras, “Wag ka ngang manakot, tinatakot mo ko e.” Masungit kong saad sakanya.

Tinawanan niya lang ako saka inakbayan, “Joke lang naman Tipani e.. Pero dapat mag-ingat ka pa din at tandaan mo ang sinabi ko.” Inirapan ko lang siya at sumabay nang lakad kina Mara.

Fast Forward

Nakarating na kami sa bahay at naabutan naman naming nanunuod ng tv sila Dixie, Tadeo, Yanna, at Wicky.

“Oh, ito yung pinadala niyo.” Saad ni Theo saka inabot yung plastic ng mga pinapabili nila sa 7/11,

“Hinabol pa kami ng aso sa daan.. Anak ng tukwa.” Saad ni Rigger at umupo sa single sofa, “Hahaha, seryoso?” Tanong ni Tadeo.

Napabaling din ang atensyon nila Dixie samin nag-aantay ng sagot kung totoo ba na hinabol kami ng aso kaya tumatango-tango kaming lahat na nakasama sa 7/11.

“Hahaha wawa naman kayo.” Natatawang saad ni Tadeo habang hinahalungkat ang laman ng plastic saka niya kunuha ang piattos niya.

Napa-iling nalang ako at dumiretso sa kwarto ko, “Oh, Tiffany di ka manunuod ng tv? I mean, mag-mo-movie marathon tayo now.” Saad ni Ara nang mapansing papunta ako sa kwarto ko.

“Hindi kayo nalang siguro guys.” Saad ko at dire-diretso lang ang lakad paakyat sa taas. Nasa second floor kasi ng bahay yung mga rooms namin tapos sa baba naman yung sala at kusina at nang makaakyat ako ay agad akong pumasok sa kwarto ko..

Ni-locked ko din ang pinto baka kasi bigla nalang silang pumasok dito sa kwarto ko e.

Naglakad ako papunta sa balcony ng kwarto ko, magpapahangin lang sandali bago matulog.

Pinatong ko pa ang braso ko sa hawakan ng balcony saka tumingin sa ibaba. Makikita ko dito sa taas ang dinaanan namin papunta sa 7/11.

Babaling na sana ako sa kalangitan ng may napansin ako, Isang pigura. kung hindi ako nagkakamali ito yung pigurang nakita ko sa likod ng malaking puno na panagtaguan namin ni Thoth.

Bigla naman akong kinabahan, nasundan niya kami... 

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko na hindi niya mahahata. Nakatayo ito sa likod ng poste at sa harapan naman nito ay kotse.

May kadiliman sa parte na kinatatayuan niya kaya di ko talaga mawari kung pansin niya ba ang emosyon sa mukha ko kasi kahit papano may kadiliman din dito sa pwesto ko.

Para akong di makagalaw sa uri nang tingin niya at para din akong kakaposan ng hininga. Ramdam ko ang kilabot at takot sa katawan ko ngayon. Natigilan lang ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

“Tiffany! Gising ka pa ba?” Katok ni Theo sa labas ng kwarto. Napabaling pa ko sa pinto, “O-oo, sandali lang Theo.” Medyo pautal kong sambit.

Bumaling ulit ako sa kinatatayuan nang pigura ng kung sino man iyon pero wala na siya doon. Napagpasyahan kong ayusin ang postura ko bago lapitan at pagbuksan ng pinto si Theo.

Pagbukas ko ng pinto bumungad agad sa harap ko si Theo, “May kailangan ka Theo?” Taka kong tanong sakanya.

Napakibit balikat naman ito, “Wala naman, chi-ne-check lang kita kung okay ka lang ba.” Ani niya napatango-tango naman ako at ngumiti, “Okay lang ako don't worry.” Nakangiti ko paring tugon,

“Sige Tiffany.” Ani nito sakin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status