Share

Dis-Oras 2

TIFFANY

Isang bangkay, putol ang ulo madaming sugat sa katawan at may nakatarak pang kutsilyo sa bewang nito. Aalis na sana kami nang makarinig kami ng sigaw sa unan.

“T-tulong! Tulongan argh! K-kami..” Sigaw ng kung sino sa unahan, lalapitan ko sana ng hatakin na ako ni Thoth paalis.

Nang makalayo na kami ni Thoth sa pwesto namin doon ay agad niya kong binitawan saka niya ko hinarap na may seryosong mukha, “At parang may plano ka pa talagang lumapit doon Tiffany.” Diin niyang saad.

“Titingnan ko l-lang naman Thoth.” Saad ko at umiwas sa seryoso niyang mga tingin, “Tss.. Nakita mo ba yung nakita nating bangkay, huh! Tiffany!?” Mahina ngunit madiin niyang ani.

“I'm sorry... Okay?.. Gusto ko lang naman lapitan..” Nakayuko kong saad. Para tuloy akong pinapagalitan ng nakakatanda kong kapatid.

“Anong gusto mong lapitan.. Siraulo ka ba?! Pano paglapit mo don e, mahuli ka?! Ano sa tingin mo mangyayari huh?? Syempre magiging bangkay ka din tss.." Napahilamos niya pa ang sarili niyang mga kamay sa mukha dahil sa inis nakayuko pa din ako hanggang sa marinig namin ang pagtawag samin nila Rigger at Theo. 

“Tiffany! Thoth!” Sigaw nila Rigger at Theo sa may di kalayuan samin. Kasama nila ang girls na nakatingin sa gawi namin, “Wag na wag mong sasabihin sakanila yung nakita natin Tiffany.. Naiintindihan mo?” Mautoridad na saad ni Thoth habang nakatingin sa direksyon nila Theo.

“Oo, di ko sasabihin don't worry.” Sabi ko habang tinutuon ang atensyon sa harap, “Good. Now, lets go.” Saad niya saka bigla nalang akong inakbayan at pansin ko din ang pagbaling niya sa likod kung saan nakita namin ang bangkay.

“Oh, kamusta? Di kayo nahuli ng aso? hahaha.” Natatawang tanong ni Rigger nang makalapit kami ni Thoth sakanila, “Hindi, nagtago kami ni Tiffany.” Tugon ni Thoth sa tanong ni Rigger habang ako ay tahimik lang.

“Tiffany.” Pagtawag pansin nila Tamara at Trinity sakin, “A-ah.. B-bakit?” Medyo pautal kong tugon, “Okay ka lang ba Tiffany?” Tanong ni Presiouz na kinatingin ng lahat sakin. Napatango naman ako at ngumiti ng pilit, “Haha.. O-oo naman..” Tumango-tango lang sila sa naging tugon ko.

“Sige na, uwi na tayo guys panigurado nag-aantay na satin sila Yanna sa bahay.. Mainipin pa naman ang nga iyon.” Saad ni Theo at nauna nang maglakad kasunod sila Mara, Trinity, Presiouz, Rigger, Ara, Ina at kami sa hulihan ni Troth.

Bago pa man kami makalayo naisipan kong bumaling ulit sa likod kung saan kami nagtago ni Thoth. Sa malaking puno may napansin akong pigura ng isang tao.

Hindi ko mawari kung ito ba ay lalaki o babae dahil sa madilim banda doon at malayo din ang distansya sa pagitan namin. Napansin siguro ni Thoth na bumaling ako sa likod kaya humarang siya sa tinitingnan ko.

“Never let your curiosity to own your mind and body, it maybe can lead you to.. Death. Tiffany Tori Merkel.” Mahina pero makahulugang saad ni Thoth. 

Ngayon pala isipan sa akin kung may alam kaya si Thoth o sadyang ganun lang talaga siya ngayon.

He's acting weird tho..

Napailing nalang ako't binatukan siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status