Share

Dis-Oras 1

TIFFANY

Masaya kaming naglalakad sa daan nila Rigger, Thoth, Theo, Ara, Mara, Ina, Trinity, Presiouz at ako. Dis-oras na ng gabi pero trip namin lumabas para pumunta ng 7/11.

Yung iba naman samin nagpaiwan sa bahay. Nagpadala lang sila ng pera para mabilhan din namin sila.

Bali nasa unahan sila Rigger, Thoth, at Theo habang kaming mga girls nasa likod. Ang mga boys ang may bitbit ng pinamili namin sa 7/11.

Tahimik na ang buong paligid at wala ng masyadong tao sa daan saka malamig narin ang simoy ng hangin halos lahat kaming mga girls nakapajama.

Pero kahit papano naging maingay kasi nag-aasaran sila Theo, Rigger at Thoth sa unahan habang si Presiouz at Mara naman ay nag kwekwentohan, ganun din sila Ina at Trinity kami naman ni Ara ay tahimik lang.

Nang biglang makarinig kami ng tahol at haggang sa mag sunod-sunod iyon kaya napahinto na kami sa paglalakad at lumingon sa likod kasi doon galing ang tahol.

Gulat na gulat kami habang nakatingin sa anim na aso na kasalukuyan kaming tinitigan at halatang gusto na kaming kagatin dahil sa uri ng tunog na nanggagaling sa bibig nila.

Napatakbo kami wala sa oras ng bigla nalang nag-uunahan yung anim na aso sa pagtakbo palapit samin, “Wahhh! Mamaaaa!!” Sigaw ko at nagtatakbo na sa unahan “Aaahhhh!!” Sigaw nila Mara, Presiouz, Ara, at Trinity.

“Girls! Bilisan n'yo! Don sa puno akyat!” Sigaw ni Theo dahil siya yung nauuna sa pagtakbo sumunod sila Rigger, Mara, Trinity, at Presiouz.

Takbo lang ako ng takbo at di ko napansin na nakasunod pala sa akin sila Ina, Ara, at Thoth, “Tiffany! Akyat kayo dito!” Sigaw ni Rigger samin habang tinutulungan sila Tamara na makaakyat sa puno ganun din si Theo.

“Di ako marunong umakyat! Ina at Ara saka Thoth akyat kayo doon, ako na bahala sa aso!” Sigaw ko sa kanila. Tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makaabot ako sa malaking puno sa unahan.

Nagtago ako doon at muntik pa kong mapasigaw ng may tumabi sakin pero agad naman natakpan ang bibig ko. Napagtanto kong si Thoth lang pala kaya inalis ko naman agad kamay niya at sumilip sa gilid ng puno.

Titingnan ko lang kung nakasunod ba yung mga aso.

Nakita ko naman sa may di kalayuan ang mga aso na palapit kaya bumalik ako sa pagtago, “Diba sabi ko umakyat ka din sa puno..” Mahina kong saad kay Thoth na nasa tabi ko lang, “E.. Sa palapit na palapit na yung aso e, saka sabi ni Theo sundan daw kita.” Mahina niya ding sambit.

Napasampal nalang ako sa noo at napa-iling. Tahimik lang kaming dalawa na nagtatago hanggang sa makaamoy na kami ng masang-sang na amoy. Napatakip na kami ng ilong pareho dahil sa nakakasukang amoy na iyon amputek.

Amoy patay ang naamoy namin aalis na sana kami sa pwesto namin dahil parang wala na ang mga aso nang may maapakan akong malambot na di ko alam kung ano. Gulat naman ako kaya napaatras ako at napahinto naman si Thoth, “Bakit?” Mahina niyang tanong.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at inon ang flashlight at tinutok iyon sa naapakan ko.

Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa pagkabigla napasinghap pa kami pareho dahil sa nakita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status