Share

Chapter 13

NANLALABO ang paningin at nahihilo na si Zia dahil sa epekto ng alak. Habang nakaalalay naman si Louie sa oras na mawalan ng malay ang asawa.

Pareho nilang nilisan ang hotel at nagtungo sa parking-lot. Mas mainam na iuwi na niya si Zia. Nang maisakay sa kotse ay nagpumiglas ito habang kinakabit ang seat-belt.

Bakas ang iritasyon sa mukha habang nakapikit. “Anong ginagawa mo? Ayokong sumama sa’yo! Hindi na ‘ko babalik!” ani Zia.

Mataman naman itong tinitigan ni Louie na kahit gulo-gulo na ang buhok at pinagpapawisan ang noo ay hindi maikakailang maganda pa rin lalo na sa suot nitong dress. Naaakit siyang haplusin ang lantad at makinis nitong balikat.

Hinapit niya sa may bewang si Zia at saka bumulong sa tenga, “Tingnan mo nga ‘tong ayos mo. Ganito ba ang matinong babaeng may asawa?”

Nagmulat ng mata si Zia at sandaling tumitig kahit dumudoble ang paningin. Mayamaya pa ay pilit inaalis ang seatbelt na hindi naman hinayaan ni Louie.


Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status