PAGKAGISING ng umagang iyon ay wala na sa tabi ni Louie ang asawa. Kaya bumangon siya at nagtungo sa cloakroom sa pag-aakalang naroon lang si Zia.
Ngunit wala, bagkus ay ang mga damit lang niyang susuotin ngayong araw ang naabutang nakasampay sa isang tabi.Matapos maligo at magbihis ay bumaba siya at nagtungo sa kusina sa pag-aakalang nagluluto ng agahan si Zia ngunit wala rin sa kusina maging sa dining area.Ang mga katulong lang ang nandoon na inaayos ang lamesa para sa kanya.“Si Zia?” tuluyan na niyang naitanong.“Si Ma’am Zia, Sir? Hindi po ba nagpaalam sa inyong aalis?” tugon ng katulong habang inilalagay sa lamesa ang almusal. “Ang sabi niya lang po sa’min ay uuwi siya sa kanila,” dugtong nito.Naupo si Louie saka nagsimulang kumain. Habang sumisimsim ng kape ay napangisi siya habang iniisip na baka iniiwasan talaga siya ni Zia na makaharap?Matapos ang mga nangyari kagabi… well, wala naman talagang nangyari maliNAGKIKINANGANG mga bituin ang makikita sa kalangitan habang paauwi si Zia ng araw na iyon.Pagbukas ng pinto ay maririnig kaagad ang boses ni Louie, “When I was studying aboard ay ako po mismo ang nag-aayos ng sirang water pipe sa tinutuluyan ko.” Kaya bahagyang natigilan si Zia dahil hindi niya inaasahang nasa apartment ang asawa.“Gano’n ba? Pero nakakahiya pa rin sa’yo at nadumihan na ang damit mo,” boses naman ni Maricar.Ilang hakbang lang ay tuluyan niyang nakita ang dalawa. Si Louie na nagpupunas ng kamay habang si Maricar na may hawak na tools.Pagkakita sa kanya ng Ina ay dali-dali itong lumapit at bumulong, “Biglang nasira ang tubo ng lababo. Nagkataong dumating si Louie at nagpresentang siya na lamang ang mag-aayos. Sinusundo ka na ba niya?”“Hindi, ‘Ma, magsi-stay ako rito,” tugon ni Zia.“Gano’n ba? O, sige at magluluto muna ako—” saka muling bumulong, “Mukhang hindi maganda ang mood ni Arturo sa pagdating
BIGLANG naupo si Louie sabay bukas ng lampshade. “What do you think?” aniya. “I never really loved anyone. But this is the first time I cared for someone, it’s you Zia. Kaya kahit nakakadiri ay nag-volunteer akong ayusin ang water pipe.”Tuluyang lumingon si Zia. Pinakatitigan ang gwapo nitong mukha sa dilim.Mayamaya pa ay lumapit ito para haplusin ang kanyang pisngi. Napasinghap siya dahil sa ngiti nitong sadyang makasalanan."Gusto kong magkaroon ng pamilya, Zia. Bumuo tayo, hindi na mahalaga kung anong gender. Ang gusto ko lang ay maging masaya tayo… mahalin mo ‘ko gaya ng dati.”Sa sinabing iyon ay parang pinapahiwatig na rin nitong magsimula silang muli. Pinakatitigan niya ang mata nito, naghahanap ng mali.Ngunit napagtanto niyang totoo at walang bahid ng pagsisinungaling ang binitawan nitong salita.Na siyang tunay dahil ng mga oras na iyon ay nais talaga ni Louie na mahalin ang asawa. Kaya siya naglalambing at nagiging m
NAGKATITIGAN sila nang matagal hanggang sa unti-unting inilapit ni Louie ang mukha para siilin siya ng halik sa labi. Marahan at sadyang puno ng emosyon.Kaya kahit hesistant si Zia ay kusa siyang bumigay dahil sa malambing nitong paraan.Ang mainit na halik ni Louie ay unti-unting bumababa patungo sa leeg. Nakikiliti si Zia maging sa hininga nitong mas lalong nagbibigay init sa kanya. Hindi nagtagal ay tuluyan siyang napayakap sa batok ng asawa.Ang isang kamay ni Louie ay nagsimulang humaplos sa likod patungo sa bewang hanggang sa mapangahas na itong humawak sa pu*etan niya.Sa ilang taon nilang pagsasama at pagtatal*k ay lagi siyang nagpipigil na lumikha ng ingay kaya lagi niyang kinakagat ang ibabang labi. Ngunit ngayon ay natural at kusang lumabas mula sa bibig niya ang ung*l.Ang tunog ng halik ni Louie ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. Ang kamay nitong minamasahe ang likod niya ay lumipat na sa malulusog niy
PAGKASAGOT sa tawag ay agad na nagsalita si Louie sa malamig na tono, “Iyong nangyari kay Bea… ikaw ba ang may kagagawan?”“Ano?”“Ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming relasyon!” sigaw pa niya.“What are you talking about?! Wala akong alam sa ibinibintang mo!”Sa iritasyon ay biglang binaba ni Louie ang tawag. Matapos ay muling nanigarilyo. Nanggagalaiti siya sa galit at kailangan niyang kumalma.Matapos ay mariin siyang napapikit nang muling sumagi sa isip ang alaala ng kanyang kabataan…Ang pag-alis ng kanyang ama’ng si Wilbert at pagsunod ng ina’ng si Lucia na naghi-hysterical habang siya ay nasa likod ng hagdan nakatagong pinapanuod ang pagtatalo ng mga magulang.“Once you leave that door ay ‘wag na ‘wag ka ng babalik!” sigaw ni Lucia. “Magsama kayong dalawa ng babae!” patuloy pa nito.Ngunit nang humakbang patungo sa pinto si Wilbert ay nagmamadali namang humabol si Lucia at humarang sa pinto. “H-Hi
MAKAHULUGAN at may ngiti sa labing tiningnan ni Louie ang asawa sa pag-aakalang nagtatampo ito. Kaya bumulong siya ng mga salitang magugustuhan at paniguradong mag-aalis ng tampo nito.Kahit ang totoo ay palihim na nandidiri si Zia sa kasinungalingang sinasabi ng asawa.Mabuti na lamang at may dumating na katulong para ipaalam na handa na ang hapunan.Hinawakan ni Louie ang kamay nito at sabay silang nagtungo sa dining area. Sa halip na magkaharap ay tumabi siya para malagyan ng pagkain ang pinggan ni Zia. “Kumain ka lang nang kumain at sigurado akong pagod ka,” aniya.Habang kumakain ay nakangiti si Zia para ipakitang masaya siya sa ginagawang pag-aasikaso ni Louie. Para hindi naman nakakahiyang nage-effort ito kahit nasusuka na siya sa sa ginagawa nitong pagkukunwari.At nang nasa kwarto na silang dalawa ay humirit si Louie na pinagbigyan naman niya. Dahil kapag tumanggi siya ay baka makahalata itong alam na niya ang lahat. Ngunit kahit
DAHIL sa madalas na pagpunta ni Louie sa ospital ay nakarating ang balita kay Maricar sa tuwing nagpupunta silang mag-asawa para sa rehabilitation ni Arturo.Kaya inaya niya minsan si Zia sa isang coffee shop para makausap. Malinaw pa sa kanya ang huling pagpunta ng manugang sa apartment at inakalang nagbago na nang tuluyan si Louie ngunit hindi pala. Ngayon ay hindi niya maiwasang mabahala sa kaawa-awang anak.“Iyon na nga ang nasagap kong balita na may malubhang sakit ang babaeng ‘yun,” aniya saka tinanong si Zia. “Ayos ka lang ba anak, anong plano mo ngayon?” patuloy niya pa kahit nangangati na siyang magpayo na kung hindi nito makuha ang puso ng asawa ay mas mabuti pang ang bulsa na lamang nito.Ngunit sa huli ay pinayuhan na lamang itong magbuntis para kahit anong mangyari sa hinaharap ay ito pa rin ang kikilalaning legal.Walang reaksyon si Zia at napatungo na lamang habang hinahalo-halo ang inumin sa harapan. Walang balak sabihin na gusto r
SA PAGLABAS ni Zia sa restaurant at pagbalik sa kotse ay saka lang niya naalalang kanina pa naghihintay ang driver nilang si Lito.“Babalik na po ba tayo, Ma’am?” anito.Napabuntong-hininga siya ng mukhang hindi naman ito nainis. Bumaling siya sa labas ng sasakyan at pinagmasdan ang madilim na paligid.“Manong Lito, gusto ko pong maglakad pauwi at kayo na lang po ang bumalik sa subdivision,” ani Zia.Mula sa rearview mirror ay kitang-kita ang pagkunot-noo nito. “Masiyado na pong malalim ang gabi para maglakad kayo sa labas, Ma’am. Paniguradong magagalit po si Sir ‘pag nalaman niya ‘to.”“Hindi niya naman po malalaman kung hindi niyo sasabihin,” saad ni Zia.Natahimik ang driver hanggang sa napagdesisyunang pagbigyan siya sa nais. Ngunit hindi ito umalis, bagkus ay sinundan lamang siya habang naglalakad sa kalsada.Wala ng ideya si Zia kung ilang minuto o oras na siyang naglalakad. Hanggang sa makarating sa isang old graf
NAGING matalim ang tingin ni Louie nang mapagtanto na matagal na palang alam ng asawa na sa private banquet ang punta niya at hindi sa kompanya. Humakbang siya palapit at mahigpit na hinawakan ang braso nito.“Don’t touch me,” mababala ngunit kalmadong saad ni Zia. Nagpumiglas at nang makawala ay umatras. “Nasa’n na ‘yung pangako mong hindi na makikipagkita sa kanya? Tinanong kita kanina, binigyan ng chance pero ang kompanya pa rin ang ginawa mong rason sa kasinungalingan mo. Ang dami mong pagkakataon para maging totoo pero hindi mo ginawa. Ginagawa mo ‘kong tanga.”Muli siyang hinawakan ni Louie. “Tumigil ka, Zia!”Napaismid siya. Wala pa siyang ginagawa pero pinapatigil na, nage-eskandalo ba siya? Hindi.Kahit nanginginig na sa galit ay hindi niya iyon gagawin. Waste of time.“Sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam kahit ano pang gawin niyong dalawa, wala na 'kong pakialam. Pero Louie, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka